This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the Ahon Laylayan Koalisyon Bulacan Planning Session

    Ahon Laylayan Koalisyon Bulacan Planning Session

    St. Martha Estate covered court, Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan

    REPORTER 1: Ma’am, reaction lang po doon sa sinabi ni Presidente na parang minamaliit niya iyong mga kandidato po ng Otso Diretso.

    VP LENI: Ako, actually, natuwa ako kasi noong una, iyong sinasabi nila na, “Hindi dapat pinapansin kasi wala naman iyan,” feeling ko the mere fact na Presidente na mismo ang pumansin, inisa-isa iyong mga kandidato, pagpapatunay na nagpi-pick up iyong mga kandidato. Kaya para sa akin, ano iyon, magandang senyales.

    REPORTER 1: Pero iyong sinabi niya po ay parang minamaliit po iyong capabilities—na nag-aaklas-aklas lang daw sila Alejano, iyong red tagging kay Erin Tañada, wala daw significant na nagawa si Bam?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, iyong pangmamaliit, choice niya naman iyon. Iyong salita na mga ginagamit, nasa kaniya naman iyon. Pero iyong sa akin, kapag sinabing walang nagawa, iyong records yata iyong magpapatunay. Gaya ni Senator Bam, Senator Mar—Secretary Mar—si Congressman Gary, Congressman Erin, si Attorney Chel Diokno, Attorney Macalintal, Samira Gutoc, marami na itong track record na pinanindigan.

    In fact, iyon talaga iyong basehan namin kung bakit silang walo iyong napili. Kaya nga sila iyong humihingi ng debate. Kaya sila humihingi ng debate para makita ng taumbayan kung sino ba talaga iyong—saan ba talaga naninindigan iyong mga kandidato. Kasi kapag hindi sila nilagay sa isang entablado, walang basehan iyong taumbayan para magsabi na, “Dito ako naniniwala. Iyong kaniyang paniniwala, pareho sa akin. Siya iyong bobotohan ko dahil ito iyong kaniyang capabilities.” Eh kapag iyong mga kandidato hindi natin naririnig kung saan sila nakatayo, parang ang lugi iyong taumbayan.

    REPORTER 1: Ma’am, iyong puro criticisms lang daw ang sinasabi ng opposition?

    VP LENI: Kaya nga humihingi ng debate. Kaya humihingi ng debate para ang makita, iyong plataporma ng pamumuno. Iyon naman iyong… iyon naman iyong dahilan kung bakit kailangan nasa isang entablado iyong mga kandidato—para iyong tinatanong sa kanila, iyong mga relevant na mga issues. Kasi kung hindi nabibigyan iyong taumbayan ng pagkakataon na marinig sila, papaano nila malalaman kung sino iyong karapat-dapat botohan?

    REPORTER 2: Ma’am, sa tingin niyo, iyong timing po ng debate, kailan iyong gusto niyong mangyari sana?

    VP LENI: Dapat noong umpisa pa lang ng campaign period, ginawa na ito. Ang problema—nakita naman natin iyong iba’t ibang media outlets, mga TV networks, nag-sponsor na ng mga debates—maraming mga kandidato, hindi pumupunta. Iyon sana iyong pagkakataon para marinig natin sila. Kasi kung pumupunta sila, hindi na kinakailangang hamunin dahil pumupunta. Kaya sila hinahamon kasi hindi sila pumupunta kahit imbitado sila.

    REPORTER 2: Pero ano ang sinasabi nilang dahilan bakit ayaw nilang pumunta?

    VP LENI: Maraming dahilan pero alam naman natin kung gugustuhin, maraming paraan; kung ayaw talaga, talagang maraming dahilan.

    REPORTER 2: Ma’am, iyon na lang pong sa part ng Otso Diretso, doon sa part na nasabi ni Pangulong Duterte sa speech niya sa Zamboanga?

    VP LENI: Iyong sa akin, actually noong nalaman ko na pinangalanan isa-isa ng Pangulo iyong mga kandidato ng Otso Diretso, iyon iyong pagpapakita na nagpi-pick up na sila. Kasi kung hindi naman sila relevant, hindi na sila papansinin. Kung hindi sila pinapansin ng mga tao, hindi na sila pag-aaksayahan ng panahon ng Pangulo. Pero the mere fact na nag-aksaya ng panahon para isa-isahin sila, gustong sabihin may laban iyong aming mga kandidato.

    REPORTER 2: Pero nakaka-down ba iyong pagsasabi ng Pangulo na parang—

    VP LENI: Iyong sa akin… iyong sa akin kasi, sino iyong… sino iyong nagsasalita? Ano iyong epekto ng kaniyang sinasabi sa mga kandidato? Tingin ko kasi, ultimately, iyong magiging basehan naman iyong track record. Kasi kapag sinabi mong, “Wala itong ginagawa,” tingnan natin.

    Halimbawa si Senator Bam, kapag sinabi mong wala siyang ginagawa, eh malaking kasinungalingan iyon. Kasi among the senators, isa siya sa pinaka… most productive. Kaya gustong sabihin, hindi totoo iyong sinasabi kasi iyong track record naman—

    REPORTER 2: Ma’am, huli na lang po. Iyong kasing sa Women’s Month ngayon, ano pong… Ma’am, ano po, ano po sa tingin niyo iyong karagdagang benepisyo na dapat matanggap ng kababaihan?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, pinakamahalaga na… pinakamahalaga bawat isa—sa bawat babae—iyong respeto ng komunidad sa kaniya. Dapat iyon iyong bine-breed natin. Dapat ang nag-uumpisang mag—parang nagle-lead noon—dapat kaming mga lingkod-bayan iyong nagpapakita na iyong mga babae kailangang respetuhin—iyon iyong number one.

    Number two, sa matagal kong panahon na tumutulong sa mga kababaihan, iyong sa kanila talaga nakakadagdag sa self-worth, sa pagtingin sa sarili, sa paniniwala sa sarili, na mayroon silang economic independence. Mayroong—kaya nilang tumayo sa sarili nilang kakayahan. Pero dapat kaming mga nasa pamahalaan ang nagke-create ng isang atmosphere na iyong mga kababaihan nabibigyan ng kaparehong pagkakataon na binibigay sa kalalakihan. Iyon iyong parati nating pinapakipaglaban: na iyong pagkakataon na binibigay sa bawat babae, dapat kapareho. Kasi maraming burdens ang pinagdadaanan ng mga kababaihan, kaya binibigyan ng—parang mayroong… mayroong disadvantage sa kaniya na dapat kaming mga lingkod-bayan, iyon iyong sumusubok na mapantay.

    Kaya iyong Women’s Month talaga, iyong pinakahalaga niya, puwera sa pagse-celebrate ng kababaihan, sinisigurong pinapaalala sa lahat—pinapaalala sa lahat na iyong mga kababaihan kailangang i-respeto, kailangang alagaan, kailangang bigyan ng parehong pagkakataon para siya ay… para na-e-equalize iyong disadvantages sa bawat babae sa ating lipunan.

    OVP: Thank you, Ma’am.

    VP LENI: Thank you!

    -30-

    Posted in Transcripts on Mar 03, 2019