This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the Ahon Laylayan Koalisyon Iloilo Launch

    Ahon Laylayan Koalisyon – Iloilo launch

    Iloilo City

    REPORTER 1: Ma’am, iyong sinabi niyo kanina, iyong votes po na nakuha niyo sa Iloilo noong 2016, magta-translate into votes for Otso Diretso?

    VP LENI: Ako, sana mag-translate siya, kasi iyong Iloilo naman, kapag tiningnan natin iyong history ng botohan dito, parating, parang, very intelligent iyong voters, very discerning. Noong 2016 elections, ito iyong second-highest na nakuha kong boto, next to my home province of Camarines Sur. Iyong Iloilo, kapag tinitingnan natin, over the past… over the years, noong mga nakaraang eleksyon, talagang iyong mga ibinoboto niya, parang pinag-isipan parati. So very hopeful ako na makaka-harvest kami dito ng maraming boto.

    REPORTER 2: Ma’am, on the President’s SALN, hindi na-include lahat ng mga wealth nila, at may statement pa siya na it’s not anybody else’s business kung ano iyong income nila?

    VP LENI: Sa lahat naman po na government officials—kahit nga hindi elected, kahit appointed lang into office—obligado kaming ilagay sa aming SALN iyong tunay na mga pag-aari namin. Iyong pinaka-dapat lang, pantay iyong pagtingin ng batas whether mataas iyong posisyon o hindi. Alam natin na may maliliit na mga manggagawa sa pamahalaan na naparusahan dahil hindi naging makatotohanan iyong paglagay sa SALN. So kung paano ini-apply iyong batas sa mga maliliit, dapat ganoon din sa matataas iyong posisyon.

    REPORTER 2: Ma’am, are you saying parang may double standard na ito din iyong basis noong complaint kay former Chief Justice Sereno, tapos kay Presidente ayaw mag-divulge?

    VP LENI: Hindi lang kay Chief Justice Sereno, pero alam natin na maraming mga kawani sa pamahalaan na naparusahan dahil sa kanilang mga SALN. So ang expectation ng lahat, kung paano ini-apply iyong batas sa maliliit, sa aming lahat dapat pareho iyong standard na gagamitin.

    REPORTER 3: Ma’am, ang explanation po ni Mayor Sara yesterday, mayroon silang trabaho, mayroon silang ibang income, kaya dahil doon tumaas iyong kanilang wealth, so wala na dapat explanation?

    VP LENI: Mahirap mag-comment kasi hindi ko mismo narinig. Mahirap mag-comment sa statement na hindi ko mismo narinig. Pero kaming mga public officials. Halimbawa, kahit noong una akong pumasok sa politika, naging miyembro ako ng House of Representatives, iyong aming business interest kailangang i-divest namin. Ito iyong paraan para hindi magkaroon ng conflict of interest dahil ang pinanghahawakan namin na mga posisyon maimpluwensiya, mayroong kapangyarihan. So inaasahan sa amin, kailangang mag-divest kami ng aming ibang kita—hindi nga kami puwedeng mag-practice ng profession habang kami ay nakaupo bilang… bilang miyembro—bilang mga elected officials.

    REPORTER 4: Ma’am, sa paglabas ng Episode 3—from Episode 1 to Episode 3—nitong narcolist. Ano pong stand niyo dahil mga dilawan daw ang nagpapalabas nito?

    VP LENI: Parati namang dilawan iyong whipping boy, pero iyong parati ko ngang tinatanong, sino pa ba iyong mga dilawan? Kasi, parang, majority iyon doon sa mga kasama namin dati, lumipat na sa kanila. So kapag sinabing dilawan, sino iyon? Maraming mga lugar na halos wala nang natira, kakaunti na lang, at wala namang… walang capacity na mag-mount ng ganito. Kung mayroon lang kaming resources, ibubuhos na namin sa Otso Diretso. Pero alam natin na hirap na hirap nga kami sa kampanya, kakaunti na lang kami.

    Pero tingin ko, unfair naman doon sa mga natitira na sila iyong parating nagiging… na-a-accuse na gumagawa ng anything laban sa pamahalaan, dahil hindi naman iyon totoo.

    REPORTER 2: Ma’am, last na lang, Ma’am: Iyong sa farmers na namatay sa Negros Oriental, mayroong concerns na parang tokhang-type na killings na nangyayari sa Negros? At na-clear na rin po ni PNP chief Albayalde iyong mga pulis doon. Ano po sa tingin niyo, Ma’am? What should be done?

    VP LENI: Parang mahirap kasing mag-clear agad na wala pang masusing imbestigasyon na nangyayari. Iyong hinihingi lang natin, na magkaroon sana ng honest-to-goodness na imbestigasyon, kasi kawawa naman hindi lang iyong mga namatay, pero iyong pamilya ng mga namatay. Malaki iyong impact nito sa trust and confidence natin sa justice system kung iyong mga tao sa likod ng karumal-dumal na pangyayari ay hindi mapanagot. Nakita ko iyong iba’t ibang mga statements ng iba’t ibang mga opisyal ng pamahalaan. Iyong sa akin lang, sana seryoso iyong… seryoso iyong pagtulong na maparating sa hustisya iyong insidenteng nangyari.

    OVP: Ma’am, last question daw…

    REPORTER 5: Ma’am, recently po sinabi ni President Duterte sa kaniyang speech na parang apparently inutusan niya iyong mga military and police na ma-learn iyong art of assassination. Ano po iyong implication nito, Ma’am, sa tingin niyo po?

    VP LENI: Actually, mahirap sa akin na mag-comment kasi hindi ko alam kung ano iyong gustong sabihin. Nabasa ko siya, pero hindi ko alam kung ano talaga iyong konteksto. Pero iyong sa akin lang, iyong paalala, paalala sa aming mga lingkod-bayan, na maging maingat sa mga pananalita—lalo na ng Pangulo, kasi sinasabi parati na kung ano iyong sabihin niya, nagiging polisiya. So mahirap na ma-misinterpret ito, o seryosohin, na iba naman iyong gusto niyang sabihin. Kaya dapat sana bago nagbibitaw ng pananalita ay pinag-aaralan na mabuti. Hindi dapat siya dala ng bugso ng damdamin, dahil marami ang implikasyon ng lahat na sasabihin niya.

    OVP: Okay, thank you, Madam Vice President! Thank you, members of the media!

    VP LENI: Salamat!

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Apr 10, 2019