This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the Ahon Laylayan Koalisyon Launch in Marawi City

    Ahon Laylayan Koalisyon Launch

    Marawi City

    REPORTER 1: Ano po iyong masasabi niyo doon sa matrix ni Presidente Duterte?

    VP LENI: Ito po kasi, kung natatandaan natin, pangalawang matrix na itong lumabas. Iyong unang matrix na nagde-destabilize ng gobyerno, nandoon ako—iyong pinakauna, ito iyong hindi totoo. So ano iyong chances na ito din ay hindi reliable? Kailangan sana, bago magpapalabas ng kahit ano, napag-aralan nang mabuti. Kasi iyong pinakaunang nilabas, nandoon iyong pangalan ko, wala naman akong kaalam-alam sa paratang nila. Kaya ito naman, kung mayroong ebidensya, ilabas, kasuhan. Pero hindi yata maganda na iyong basta-basta lang magbibigay ng suspicions na wala namang basehan.

    REPORTER 2: Ma’am, how do you feel, being a lawyer yourself, maraming mga human rights lawyers, kasama sa matrix?

    VP LENI: Ako kasi, hindi ko kilala iyong lahat na tao na nasa matrix. Ang alam ko lang, marami doon members of the media, mayroon ngang mga human rights lawyers. Wala naman kasing explanation kung paano sila nasama doon. Kaya naman parating with a grain of salt iyong pagtanggap natin ng balita. Pero para kasi sa akin, sana hindi naglalabas ng mga ganito na hindi pa validated, kasi maraming mga reputation ng mga tao ang madadamay. Sabi ko nga, hindi ito first time na nagpalabas ng matrix, na iyong una definitely hindi totoo, kasi iyong inclusion ko nga doon, hindi naman totoo. So ito, ang likelihood na hindi rin siya reliable, napakalaki.

    REPORTER 2: What can you say on the PCIJ report on the unexplained spike of wealth of the Duterte family?

    VP LENI: Ako, mahirap kasing mag-comment sa isang bagay na hindi kumpleto iyong datos. Iyong sa akin, iyong nabasa ko lang kasi iyong news item. Nabasa ko lang iyong news item. Palagay ko si Presidente iyong kailangang tanungin tungkol doon sa paratang ng PCIJ. Kasi halimbawa, ako, wala akong basehan para magparatang din, so mas mabuti si Presidente iyong tanungin tungkol doon.

    REPORTER 3: Ma’am, dalawang taon na po mula noong mangyari iyong siege. Narinig niyo nga rin po iyong mga hinaing ng mga tao dito. Iyong sinasabi niyo nga po na dadalhin niyo po dito iyong agencies saka private organizations na maaaring tumulong. Ano po ang kaibahan nito sa mga nagawa na ng pamahalaan? At bakit sa tingin natin ito iyong makakatugon sa mga problema?

    VP LENI: Ako, hindi natin sinasabi na siya iyong makakatugon. Ang sa atin lang, makakatulong. Gaya ng sabi ko, mula 2017 bumabalik-balik na kami dito, at iyong hinaing ng 2017, ganoon pa din iyong hinaing ngayon: na tila hindi napapakinggan iyong boses ng mga taga-dito. Mas mabuting kami iyong magpo-provide ng platform, ng forum, para naipapahayag nila iyong kanilang mga saloobin. Naaalala ko, noong mga early days ng pagpunta ko, ito na iyong hinaing ng maraming mga taong nasa evacuation centers—na sana nalalaman nila iyong direksyon, na sana nalalaman nila iyong plano. In fact, naaalala ko, before na-discuss ko ito sa ibang mga opisyal ng pamahalaan. Sina-suggest ko na na sana mayroong representation iyong people’s organizations, iyong CSOs, iyong mga IDPs mismo, sa pagpaplano, para naiintindihan nila ano bang dahilan kung bakit sobrang bagal ng rehabilitation, ano ba iyong nakakaantala, ano ba iyong dahilan kung bakit marami pang hindi nakakatanggap ng tulong. Kasi tingin ko iyong pinakamabigat para sa kanila, hindi nila alam. Parang… para sa kanila, parang sobrang dilim, eh. Hindi nila— Wala silang explanation kung anong nangyayari. Iyong narinig natin kaninang mga pagpapahayag, parang lahat iyong mga issues nila, hindi nila alam kung ano iyong sagot ng pamahalaan. Iyong sa atin lang, tingin ko naman kapag in-invite natin iyong mga taong in charge, makakapagbigay sila ng explanation sa mga tao, na maiintindihan ng mga tao. So iyon naman iyong promise natin sa kanila, na ngayong hapon ipinahayag nila iyong kanilang mga issues, sa susunod naming balik, hopefully pagbigyan kami noong mga agencies na, parang, in charge doon. Halimbawa iyong problema ng mga nasa academe, iyong mga problema ng mga magsasaka saka mangingisda, iyong problema ng mga negosyante. Ang narinig nga natin kanina, iyong pinakareklamo nila, walang nakakasagot sa kanilang mga pinapahayag.

    REPORTER 3: Ma’am, hindi pa nga tayo tapos dito sa krisis natin dito sa Marawi City, mukhang mayroong ibang kakaharapin na naman matapos iyong lindol na naramdaman saka sa Manila saka sa Samar a while ago.

    VP LENI: Nakakalungkot. Nakakalungkot na sa panahon na maraming krisis ang hinaharap, mayroon pa itong pangyayaring lindol kahapon sa Maynila, na maraming buhay iyong binuwis. Ang pinaka-aral talaga nito, na hindi pa nangyayari iyong sakuna, pinaghahandaan na. Naaalala ko, several years ago, marami na iyong usapin tungkol sa paghahanda kapag may dumating na malaking lindol. Parang hindi pa din nakapaghanda iyong maraming tao. Iyong integrity ng mga buildings, parang walang sistema para ma-check. Nakita natin iyong pinsala sa Pampanga, nakita natin na maraming naipit na mga tao. So iyong tanong: ano iyong ginagawa natin para paghandaan? At parang may ilang taon na na may warning sa atin na baka dumating iyong malaking lindol, parang ganoon pa din. So iyong ngayon, sana seryosohin, seryosohin iyong preparasyon. Tingin ko pinakamahalaga sa lahat iyong pag-check ng reliability saka ng, ‘di ba, iyong strength ng mga buildings, para hindi na maulit iyong nangyari sa Porac.

    REPORTER 3: Thank you very much po!

    VP LENI: Salamat!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Apr 23, 2019