This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the Ahon Laylayan Koalisyon Launch in Odiongan, Romblon

    Ahon Laylayan Koalisyon launch

    Romblon State University, Odiongan, Romblon

    REPORTER 1: Kapansin-pansin iyong pagkataas ng… parang pagka-foul ng President o iyong mga pagbitiw ng mga foul na… ng President. Do you see this as a diversionary tactic doon sa lumabas na so-called video ni “Bikoy,” pointing to the opposition as the source of that video?

    VP LENI: Unang una, mahirap mag-speculate na iyon iyong… na iyon iyong dahilan. Pero iyong sa akin from Day 1—2016—every time may negative na sasabihin sa pamahalaan, para kaming whipping boy… parang whipping boy iyong mga dilawan. Iyong sa akin, medyo nakakatawang kaunti kasi alam naman natin na after the presidential elections, nagkaroon ng exodus. Iyong mga kasama namin, halos lahat, kaunting-kaunti na lang iyong natitira, nasa administration party na. So kapag sinasabing iyong dilawan iyong behind this, sino? Kasi ako, sigurado ako, hindi kami. Ako nga, hanggang ngayon, hindi ko pa nakikita iyong lahat na videos. Pero tingin ko, unfair naman. Unfair doon sa mga natitira pa—natitira pa sa partido na talagang nanindigan, na kahit na iyong naging trend every time may presidential elections pumapalit-palit ng party, mayroong kakaunti na kumontra sa agos. Tingin ko unfair sa kanila.

    REPORTER 1: Iyong latest threat niya to suspend the writ of habeas corpus, your take po, Ma’am?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, dalawa iyon. Dalawa iyong magkasunod na threat: iyong isa, kapag ginalit siya, magdedeklara ng revolutionary government; iyong isa, isu-suspend iyong writ of habeas corpus. Unang una, alam natin na iyong pag-declare ng revolutionary government, ano iyon, extra-constitutional—labag iyon sa Konstitusyon. Parang… parang nakakagulat na magkakaroon ng sitwasyon na iyong Pangulo iyong magdedeklara na wala namang circumstances na magwa-warrant noon. Iyong suspension of the privilege of the writ of habeas corpus, ganoon din. Although nakasaad iyon sa Konstitusyon, iyong 1987 Constitution very specific na mayroon lang na tatlong pagkakataon kung kailan puwede itong madeklara: kung mayroong rebelyon, ‘di ba, kung may lawless violence, iyong mga usual na— Eh wala naman ngayon. So kahit—whether iyong revolutionary government o iyong suspension of the writ, wala namang dahilan para gawin iyon.

    REPORTER 1: So do you see this as an empty threat? Parang ganoon?

    VP LENI: Ako kasi, hindi ko— Parang, again, puwede lang akong mag-speculate. Pero hindi ko alam naman kung ano iyong… ano iyong nagbubunsod sa kaniya para sabihin ang mga ito, kasi marami na ring beses na may sinabi, tapos later on, sasabihin na biro lang. So hindi natin alam kung seseryosohin ba natin ito o isa ito doon sa mga biro lang.

    REPORTER 1: Okay, last question. Last po, Ma’am. Iyong ano, Ma’am, how do you compare iyong slate ng administration candidates compared to Otso [Diretso]?

    VP LENI: Iyong sa amin kasi, pinagpaguran namin iyong pag… pag-desisyon kung sino iyong walo. Maraming debateng pinagdaanan. Ang isa sa mga debate, whether maglalagay ng slate o hindi, considering na very popular iyong administrasyon. Sa akin naman, ako iyong isa sa mga nakipaglaban na magkaroon ng—mag-put up ng slate dahil tingin ko, ito iyong essence ng democracy—ng demokrasya—na magbibigay tayo ng alternatibo. Mahirap na iyong nagdedesisyon para sa Pilipinas, wala nang debate, hindi pinag-uusapan nang maayos—kung ano iyong gusto ng namumuno, iyon na rin iyong susundin ng lahat. Tingin ko, makakabuti para sa ating lahat na bago nagdedesisyon, pinagdidiskusyunan nang matagal—iyon iyong una.

    Pangalawa, iyong kagustuhan din ng iba na ilagay natin mga popular na, dahil mahihirapan tayo kung hindi pa. Ako, para sa akin, masho-shortchange iyong sambayanan. Iyong para sa akin, dapat ang pinaka-hinahanap natin, matino, mahusay, at saka may paninindigan. Kasi iyong popularity, nasa lower end of the spectrum dapat iyon. Sabi ko—kaya napakasipag ko ngayon—“Mag-put up tayo ng hindi kilala. Pagpaguran na lang nating ipakilala.”

    Pero admittedly, napakahirap. Napakahirap kasi kakaunti iyong resources. Ang pinaka-madali sanang ipakilala sa kanila, TV ads, pero walang pera eh. Walang pera. So pagpaguran na lang. Itong ginagawa namin, para din akong kandidato, talagang ikot nang ikot. Kasi ako, naniniwala na, at the end of the day, iyong tao naman nagdedesisyon according sa kanilang paniniwala.

    REPORTER 1: Thank you po, Ma’am.

    VP LENI: Salamat! Sir?

    REPORTER 2: Good afternoon, Vice President.

    VP LENI: Good afternoon po.

    REPORTER 2: I’m Bill Gabay of the Romblon Sun. I have two questions for you, Ma’am. Okay, Bicol is one of the regions that has a very voting population and yet it’s a sad thing na wala pa pong presidente na galing Bicol. Maaari iyan dahil masyadong divided ang Bicolanos when it comes to politics. Nakahanda po ba kayo na pangunahan ang mga Bicolanos kapag dumating iyan sa year 2022?

    VP LENI: Iyong sa akin po kasi—at least noong eleksyon po noong 2016—nagpakita na nagkaisa iyong mga Bicolano despite the fact na of the six candidates, lima kaming Bicolano. Pero sila, nagkaisa. Gustong sabihin, kapag mayroong common cause, handa namang magkaisa iyong mga Bicolano—iyon iyong number one.

    Number two, palagay ko po kasi iyong pagpa-pangulo, pag-pangalawang pangulo, destiny iyon eh. Parang no amount of preparation would be enough para paghandaan iyon. Nakita naman po natin sa kasaysayan ng marami nating eleksyon, maraming nagprepara, parang naghanda ng matagal na panahon, tapos hindi naman nagwawagi. Paminsan iyong makakalabas, iyong mga bagong sulpot. Isang halimbawa po doon, ako. Iyong sa pagka-pangalawang pangulo, wala akong kabalak-balak, bagong salta, walang masyadong resources, pero nagtagumpay tayo.

    So para po sa akin, mas mabuting hindi siya pinaghahandaan, lalo na kaming mga nakaupo. Kasi halimbawa po ako ngayon, Pangalawang Pangulo ako, mayroon po kaming advocacy program sa opisina iyong Angat Buhay, na iyong pinupuntahan po namin iyong pinaka-mahihirap at saka iyong mga pinaka-malalayong lugar. Tingin ko po kapag nag-ambisyon na ako, hindi na ako doon pupunta. Pupunta na lang ako sa Manila kung saan maraming botante. Hindi pa ako magsasayang ng oras. So tingin ko po, lugi iyong taumbayan kapag ang konsiderasyon iyong susunod na eleksyon kasi hindi na kami makakapagsilbi nang maayos. Salamat!

    REPORTER 2: May second and final question, Ma’am. Do you still ride the bus when you go home from Manila to Naga City?

    VP LENI: Madalas pa po. Madalas pa po. Pero hindi din po iyon… hindi naman iyon dahil gusto ko lang sumakay sa bus. Unang una po, napaka… napakaliit po ng aming airport. Isang… isang bagay po iyon na nila-lobby ko na napakatagal na panahon sa DOTr. Noong panahon po ni PNoy, mayroon na sanang programa para ayusin iyong airport sa amin. Hanggang po ngayon, three years after ng administrasyon, hindi pa rin naaayos. So dahil hindi maayos iyong aming airport, napakaiksi po ng runway. Maliliit na eroplano iyong nakaka-land, napakamahal ng pamasahe. Eh kapag nagba-biyahe po ako, may mga kasama akong mga security. Kapag parati po kaming mag-e-eroplano, sobrang mahal. So kapag mayroon lang naman alternative na mas mura, mas mabuti na iyong mas mura.

    REPORTER 2: Ma’am, thank you po.

    VP LENI: Salamat! Salamat sa inyo ha.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Apr 12, 2019