This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the Ahon Laylayan Koalisyon Launch in Tagbilaran, Bohol

    Ahon Laylayan Koalisyon Launch

    Tagbilaran, Bohol

    REPORTER 1: Kumusta po ba ang Otso Diretso dito? Nabanggit niyo nanalo rin kayo dito.

    VP LENI: Oo, malaki… Iyong sa akin kasi, iyong pag-ikot ko ng buong Pilipinas, very encouraging naman iyong response. Totoo na hindi masyadong kilala iyong mga kandidatong iba dahil first time na kumakandidato, pero parati kasing ang tao, willing naman makinig, at kapag nakikinig sila, iyong conversion talaga mataas.

    Iyong sa akin kasi, kaya very hopeful ako kasi parehong-pareho iyong pinagdaanan nila sa pinagdaanan ko din noon. Nagsimula ako kung saan din sila nagsimula, at iyong sa akin naman, nadala siya sa sipag, nadala siya sa pagpapakilala, kasi gaya ng sinabi ko kanina sa harap ng tao, iyong tao, kapag binibigyan ng pagkakataong pumili, pipiliin niya pa din iyong pinapaniwalaan niya.

    REPORTER 2: Ma’am, reaction, Ma’am, on the President saying he will declare a revolutionary government?

    VP LENI: Iyong pagdeklara ng Pangulo ng revolutionary government, medyo nagulat ako dahil abogado siya, at alam niya na labag ito sa Konstitusyon. Iyong pagdedeklara ng revolutionary government, hindi siya naaayon sa Konstitusyon. Kaming dalawa, pareho kaming nanumpa na ipagtatanggol namin ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas. Kapag nagdeklara siya ng revolutionary government, ang gusto ba nito sabihin inaabandona niya iyong kaniyang pinanumpaan?

    REPORTER 1: Ma’am, nabanggit din ni Atty. Mac[alintal] na kung sakali, kayo ang mag-i-step in. Ready ba kayo?

    VP LENI: Iyong lahat naman na kumakandidato na pangalawang pangulo, dapat ready na, ready sa ganiyang eventuality, kasi iyon naman iyong mandato ng opisina. Siguro hindi lang ako pero lahat na nangarap, lahat na kumandidato, lahat na sumubok, at lahat na umupo—mayroong ganiyang dapat na klaseng paghahanda, dahil iyon naman ang mandato ng aming opisina.

    REPORTER 3: Ma’am, for local, mayroon na kayong ine-endorso na governor dito sa Bohol?

    VP LENI: Iyong sa amin po, ayaw naming makisawsaw sa lokal, dahil iyong nilalakad namin ngayon, nilalakad namin ngayon iyong Otso Diretso. Iyong sa amin kasi, parang unfair para sa mga lokal na kandidato na kami makikisawsaw dahil hindi naman kami taga-dito. Iyong pagpili ng mga mananalo, pagpili ng kung sino iyong mananalo sa iba’t ibang mga puwesto, iyong mga taga-Bohol dapat iyong pumili, kasi sila naman iyong magiging constituents.

    REPORTER 2: Ma’am, going back to the President’s threat to declare revolutionary government, what prompted him to utter those words are the statement of Senator Drilon questioning the government—

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, we can only speculate. Although iyong pagkasabi niya kasi, parang sinabi niya na, “Marami na akong problema. Kapag lalo niyo pa akong”—parang “Kapag lalo niyo pa akong ginulo”—or something to that effect—“magdedeklara ako.”

    Pero kailangan kasing alalahanin hindi lang ng Pangulo, hindi lang ako, pero iyong lahat na naglilingkod sa bayan, na marami talagang pagsubok iyong pinasok namin na trabaho. Maraming kahirapan, maraming mga frustrations. Pero iyong pagsagot sa mga pagsubok at kahirapan, dapat within constitutional means. Hindi puwedeng dahil parang nag-alburuto ka, mag… parang tatakutin iyong taumbayan sa isang paraan na hindi constitutional.

    Tingin ko hindi ito responsable na response dahil kami, pagpasok namin sa ganitong trabaho, pagsumpa namin na aayusin namin iyong aming mandato, kabahagi na nito iyong kahirapan. Dapat handa kaming harapin iyong lahat na kahirapan.

    REPORTER 4: Ma’am, sabi po ni President, behind daw po ang “Yellows” and Senator Trillanes doon sa drug allegations kay Paolo Duterte and his family?

    VP LENI: Baka tanungin kung sinong “yellows,” kasi karamihan sa mga “yellows” kasama na nila, ‘di ba? Kakaunti— Kaya nga kami nahihirapan kasi kakaunti na lang naman iyong natira sa partido, at kayo iyong makakapagsabi na wala nang… wala nang means para mag-mount ng something like this. Sa kampanya pa lang nga, hirap na hirap na kaming umikot dahil walang resources, papasok pa kami sa ganito?

    Iyong sa amin, seryoso iyong alegasyon, seryoso iyong accusation. Mas mabuting harapin. Magkaroon ng independent na imbestigasyon. Pero hindi nakakatulong na mag-fingerpoint kung kani-kanino.

    Iyong sa akin lang, na-bother ako doon sa statement na, “Kapag ginanito niyo ako,” o “Iyong mga lumalaban sa akin, either magiging rebelde kayo, kriminal, o durugista.” Parang admission na basta kumokontra ka sa Pangulo, magkakaroon ka ng label, ‘di ba, na kriminal, rebelde, o durugista. Hindi naman yata iyon fair.

    REPORTER 2: Ma’am, do you share the view of Senator Drilon that the government should be cautious in reviewing government contracts?

    VP LENI: Iyong sa akin, lahat naman, ‘di ba? Kahit anong kontrata, iyong parties to a contract, kailangan pinag-aaralan niya iyong lahat na terms noong kontrata bago siya papayag. Kahit nga hindi gobyerno, kahit private contract, iyong lahat na pipirma doon, hindi niya iyon pipirmahan hanggang hindi niya pinag-aaralan kung mayroon ba doong mga probisyon na makakasama sa kaniya. Kaya sa akin, tama naman si Senator Drilon, na dapat iyong gobyerno, bago pumasok sa kontrata, kailangang masusing pag-aralan kung ano iyong terms nito—na hindi ito magdudulot ng kasamaan sa ating pamahalaan.

    OVP: Okay? Thank you very much!

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Apr 05, 2019