This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at Brgy. Curry, Pili, Camarines Sur

    1 August 2016

    Sitio Boncao, Brgy. Curry, Pili Cam. Sur

    Interviewed on 29 July 2016

    Q: Meron pa po kayong maidadagdag na classrooms dito? VP LENI: Iyong for 20… Hindi ko sigurado kung for 2015 or 2016 na budget ito talagang for classroom na building mayroon pa tayong pending request para lahat ng grades mabigyan pero malaking malaking improvement na ito kuapara sa situation niya last year. Kasi ang situation niya last year ito lang talaga. Iyong light materials iyong nandiyan. Iyong mga nakalap nilang donations, naput to good use. Gaya ng sinabi ko kanina, walong poste lang at 10,000 na pledge. Ngayon marami na tumulong. Nadala natin ang DEPED dito, nahanapan na nila ng paraan kung papaano matutulungan. Natutuwa tayo ngayon na may permanente ng classrooms.

    Q: Of course ma’am marami pang areas sa Camarines Sur ang may ganitong concern at iniisa isa natin… VP LENI: Actually sobrang dami pa iyong kulang. Pinakamahirap talaga iyong mga nasa malalayong lugar. Dahil mga nasa malalayong lugar, marami iyong mga instances na hindi niya kayang maging independent na school so parang annex siya ng school na nasa center. Ang pinakaproblema natin ngayon karamihan yung mga IP communities na nasa bundok. Karamihan sa kanila nakatira sa national park. Hindi naman kayang lagyan iyon ng facilities ng gobyerno. Ang sa akin lang, hanapan natin ng mas permanenteng posisyon. Ang pinakarealization lang talaga dito, marami iyong mga lugar na hindi nakikita ng mga opisyal ng gobyerno kaya dapat deliberate na hinahanap. Gaya nito, nadiskubre ko ito by chance lang dahil paakyat ako sa IP community na malapit dito. Kung hindi ko siya nadiskubre, baka ganito pa rin iyong sitwasyon niya. Nung nireklamo ko siya sa DEPED na-find out na wala siyang school ID kaya hindi siya mabigyan ng sarili niyang budget pero parang in a matter of a year ganito na iyong change. So ang pinaka goal natin ay mahanap ang mga similarly situated na mga remote villages para madala talaga iyong mga services sa kanila.

    Q: First time po sa history ng Pilipinas na ang Vice President, favorite ang mountainous barangays… VP LENI: Kasi tingin natin iyong mga mountainous barangay at iyong mga coastal, dahil siguro kaunti na ang tao doon, hindi na siya nabibigyan ng kaukulang atensyon. Kung hindi sasadyain ng mga opisyal na gaya namin, hindi talaga makikita. Gaya noong nireklamo ko itong Boncao, iyong DEPED mismo ng probinsya ang nagsabi sa akin na hindi nila alam ang existence nito. Ang gusto kong sabihin, dapat talaga hinahanap. Marami tayong napalagay na bagong schools halimbawa sa August, magiinaugurate tayo ng highschool sa barangay Burabod sa taas din. Sa Calabanga din sa taas ng Mt. Isarog. Before iyon nalagay, napakaraming bata doon ang hindi na naghihighschool dahil ayaw na magtiyaga. Naglalakad sila ng more than two hours each way para lang maka-attend ng highschool. So ang pinakagoal natin every week sana nakakapunta ako sa mga malalayong barangay para magawa ito. So far fourth week ko ito. First week ko nasa Lanao del Sur, Lanao del Norte ako. Ang pinakamalayo iyong Causuagan sa Lanao del Norte. Iyong second week ko pinuntahan namin iyong liblib na lugar din sa Quezon at Laguna. Iyong third week ko umakyat kami sa Isarog iyong zone 4 ng barangay del Rosario. Tapos ngayon nandito kami sa Bogcao ganoon ang gagawin natin every week. Hopefully marami tayong ma-cover. Hindi ko mapropromise na mapupuntahan natin lahat dahil isa lang ang katawan ko pero hopefully marami tayong macover anim na taon pa naman ito.

    Posted in Transcripts on Aug 01, 2016