This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the Cagayan Valley Business Convergence 2019

    Cagayan Valley Business Convergence 2019

    Tuguegarao City, Cagayan

    OVP: Ma’am, start po tayo kay Ms. Vivian…

    REPORTER 1: Ma’am, ano pa po iyong ibang mga purpose po ng pagpunta niyo dito?

    VP LENI: Iyong pagpunta ko talaga, dahil nga naimbita akong keynote speaker nitong Cagayan Valley Business [Conference]. Tingin namin kasi, very good opportunity ito para ma-share namin what we’re doing sa Angat Buhay, kasi ang dami talagang nata-transform na communities just because of collaboration between government and private. So kami, parang naging advocacy na namin iyon. Naging advocacy na namin na talagang, parang, hinihikayat, para hindi inaasa sa gobyerno lahat pero ine-encourage iyong mga private, hindi lang organizations pero pati individuals, na makilahok sa nation-building. Nakita namin in our 176 communities na kapag nagtulungan lang iyong gobyerno saka iyong pribado, maraming puwedeng gawin.

    OVP: Next po, Ma’am, si Sir TJ from GMA.

    REPORTER 2: Ma’am, good morning. Doon po sa farmers’ entrepreneurship program po, dito sa Cagayan Valley, ano po ang naiisip natin o recommendation na puwedeng gawin po dito?

    VP LENI: Actually, ang dami pong puwedeng gawin, kasi napakalawak ng agricultural space ng Cagayan Valley. Iyong sa akin po, if I will be asked, baka puwedeng gawin dito iyong ginawa namin in Naga. Kasi kung tingnan mo halimbawa iyong Tuguegarao, booming na booming—ang daming bagong businesses, ang daming bagong malls, ang daming bagong hotels—so iyong ginawa namin sa Camarines Sur, puwedeng puwedeng gawin dito. Iyong pag-link lang ng—parang iyong farmers, ikakabit mo lang sa supply chain, na magkakaroon siya ng pagkakataon na dumiretso sa market, na hindi na siya dadaan sa middlemen. Kasi kadalasan, kapag dumadaan pa siya, ang kumikita iyong middlemen, hindi naman siya. So ito, parang tayo iyong magli-link sa kaniya, tayo iyong magpe-pave ng way para magkaroon siya ng engagement with the market. Iyong kabutihan nito, kasi mayroon nang existing models. Iyong sinasabi ko kanina, may Jollibee model. Mayroon na siyang template na doon sa tatlong ginagawa namin sa Camarines Sur, in Lambunao, and in Zamboanga, ginagaya na lang namin iyong template ng Jollibee Foundation, tini-tweak na lang namin nang kaunti. Iyong Camarines Sur, kaunti lang iyong area niya for farming, pero ang Cagayan Valley, sobrang laki, kaya tingin ko mas… parang mas promising, kasi iyon nga, iyong quantity kayang kaya niyang ma-supply. Iyong variety ng agricultural produce, I can imagine na mas marami ditong possibilities.

    REPORTER 2: Satisfied po ba kayo sa tulong ng DTI sa mga programang ganiyan, Ma’am?

    VP LENI: Iyong sa amin po, very, very helpful ang DTI. In fact, iyong mga farmers po namin under the program, nag-a-undergo ng training under sa DTI. Mayroon po silang programa na ang tawag Mentor Me. Iyong Mentor Me, mayroong series of, parang, capability-building trainings na ginagawa for the farmers. Ito kasi, parang, tinuturuan niya iyong mga magsasaka na maging negosyante. Tingin ko mahalaga iyon, kasi usually iyong mga magsasaka, iyong traditional, hindi siya masyado sa kita, eh. Iyong sa kaniya, kasiyahan niya iyong nagpo-produce. Pero itong programa with DTI, tinutulungan niya paano ba iyong magsasaka mag-isip bilang negosyante. Kasi kapag tinuruan siya mag-isip bilang negosyante, hindi na niya kailangan iyong middlemen, siya na iyong makikipag-deal mismo sa markets, so iyong kitang nakukuha ng middlemen, kaniya na iyon.

    OVP: Next, Ma’am, si Harris ng ABS-CBN.

    REPORTER 3: Ma’am, since nasa topic na rin po ng agriculture, dito sa region kasi, some farmers are complaining sa lowering prices due to the implementation of the rice tariffication law. Pero sabi ng government, this will be compensated through different programs, pero sobrang liit daw po ng pondo na ilalaan dito.

    VP LENI: Medyo… Ako, in all honesty, medyo worried ako. Medyo worried ako na baka iyong safety nets, either kulang o hindi siya ma-implement nang maayos. Kaya iyong sa akin, baka iyong pinaka-tulong natin, parang, antabayanan—antabayanan na iyong IRR mag-provide siya ng sufficient na safety nets. Kasi totoo nga naman na because of the rice tariffication program, puwedeng bumaba iyong presyo ng bigas, kasi ifa-flood na tayo ng supply. Pero galing kasi ito sa labas. Paano makakapag-compete unang una iyong mga magsasaka natin, na ang cost of production dito sa atin, mas mataas? So baka sila naman iyong bumagsak iyong kabuhayan. Kaya iyong sa akin, kung ano iyong safety nets, gawin na bago pa man i-implement iyong rice tariffication. Iyong worry ko kasi, baka mangyari dito iyong nangyari sa TRAIN, na nagtaasan na iyong presyo ng mga bilihin, wala pa iyong tulong sa mga mahihirap, so nagko-cope iyong mga mahihirap on their own. Parang doble iyong tama sa kanila. Kaya iyong sa akin lang sana, before ma-implement in full force iyong rice tariffication, i-ensure muna iyong mga farmers natin, na kaya nilang, parang, i-bear iyong brunt ng pagpasok ng maraming bigas—whether mag-diversify ng crops, tulungan sila sa more capital, tulungan silang mapababa iyong cost of production. Pero whatever it is, dapat tulungan silang maging competitive.

    REPORTER 3: Darating yata iyong mga tulong na ito pagkatapos na makuha na iyong pondo?

    VP LENI: Iyon iyong actually kinokontra natin, na dapat iyong tulong dumating before, kasi kung dumating siya after, ang mangyayari dito iyong nangyari sa TRAIN, na parang doble-doble iyong injury, kasi nandiyan na iyong tama pero wala pa iyong pang-ahon sa kanila. Dapat sana iyong pang-ahon, naibibigay siya bago pa man tumama, para kapag tumama, medyo makaiwas na. So ito, patuloy na ina-advocate natin, patuloy na kino-call out natin iyong pamahalaan, na sana, sana unahin na iyong safety nets. Until now kasi, hindi pa natin nakikita iyong buong latag. We have been asking for it, pero hindi pa natin nakikita iyong buong latag, paano tutulungan iyong mga magsasaka. Iyon iyong gusto nating makita. Hino-hope natin na naka-define siya saka naka-detalye siya sa IRR na lalabas, pero until now kasi wala pa siya.

    REPORTER 3: Ma’am, question lang po: iyong parang may announcement yata ang Malacañang that nagkaroon ng… iyong inilabas nilang list of narco politicians came from a wiretapping sort of…

    VP LENI: Unang una, alam naman natin na may anti-wiretapping law tayo, ‘di ba. Unang una, bawal iyon. Pangalawa, kung mayroong ebidensya laban sa mga narco politicians, bakit hindi kasuhan? Tayo, tingin ko dine-deserve natin… dini-deserve na ipaalam sa atin kung sino-sino ang mga ito, kasi ayaw naman natin na nag-e-elect tayo into office ng mga narco politicians. Pero gawin natin nang tama. Kasi kung papadaanin sa lists, in the last two and a half years, ilang beses nang nag-urong-sulong ng mga pangalan—may ilalabas na pangalan, later on mag-a-apologize kasi mali pala. Parang unfair naman ito doon sa naging biktima. So iyong sa atin, sana kasuhan para nasa court of law, mayroon silang pagkakataong depensahan iyong sarili, iyong ebidensya iko-confront sa kanila, parang, harapan. Huwag iyong hindi alam kung saan nanggaling iyong ebidensya, o iyong ebidensya nanggaling sa illegal sources, kasi nawawala iyong rule of law, nawawala iyong tiwala ng taumbayan sa pamahalaan. Napakahalaga nito. Kaya sana gawing tama.

    REPORTER 3: Nagagamit daw sa pangangampanya ngayon?

    VP LENI: Mahirap kasi na ma-politicize siya. Mahirap na ma-politicize kasi unang una, talaga namang malaki iyong problema natin sa drugs. Tingin ko basta maitama lang, makukuha iyong suporta ng taumbayan, basta iyong paraan ng kampanya, tama. Pero kapag hindi kasi tama iyong paraan ng kampanya, kapag maraming injustice na nangyayari, instead na maging supportive ang taumbayan, nagiging polarized tuloy tayo. Kaya sana hindi naman ganiyan.

    OVP: Last question, Ma’am, from Rappler.

    REPORTER 4: Ma’am, reaction po doon sa statement ni Sara Duterte na “honesty should not be an issue” sa election?

    VP LENI: Ako, hindi ako sang-ayon, at tingin ko bawat Pilipino hindi sang-ayon na okay lang magsinungaling. Kasi iyong kampanya, ito iyong paraan para makilala natin iyong mga kandidato. Iyong kampanya, ito iyong paraan para makapagdesisyon nang tama iyong taumbayan kung sino iyong kaniyang bobotohan. Kung ang premise nito kasinungalingan, parang ang dinadaya natin, taumbayan. Kung ang premise niya—kapag sinabi mong okay na lang magsinungaling—parang insulto yata ito sa electorate, kasi iyong taumbayan, siya iyong pipili ng magre-represent sa kaniya. At iyong pagpili niya, nakabase siya sa information na ibinibigay. Pero kung iyong information na ibibigay sa kaniya, kasinungalingan, unfair iyon sa kaniya.

    REPORTER 4: This came at the height po kasi of the issue, Ma’am, ng fake daw iyong graduation ni Imee Marcos sa UP and Princeton…

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, wala namang masama kung hindi nakapag-graduate, kasi maraming dahilan, at hindi naman iyong indispensable para makapagsilbi sa bayan. Pero iyong mali, iyong magsisinungaling tayo about it. Kung totoo nga na hindi nag-graduate, maging upfront na lang, sabihin, “Hindi ako naka-graduate, ito iyong dahilan.” Pero kapag gagawin natin na basehan siya ng kasinungalingan, iyon nga, unfair siya sa taumbayan.

    OVP: Okay po, thank you, Ma’am…

    REPORTER 3: Ma’am, last na lang: some Catholic groups daw po will be releasing a list of negative candidates na sumu-support sa drug war?

    VP LENI: Iyong mga lista-lista kasi, ano naman iyon, karapatan ng bawat isa to come up with a list. Pero iyong sa akin lang, sana iyong mga listang ilalabas, base sa katotohanan, gawing tama. Kasi ang ayaw natin sa lahat, na maraming mabibiktima unfairly, na hindi nabibigyan ng pagkakataon na depensahan iyong sarili. So iyong sa atin, karapatan naman ng bawat isa na isiwalat kung ano iyong nalalaman niyang hindi maganda about a particular candidate, kasi dini-deserve ng electorate malaman iyon, pero sana sa isang platform na patas, sa isang platform na makatarungan, sa isang platform na madedepensahan naman ng kandidato iyong ibinabato sa kaniya.

    OVP: Okay po, thank you, Ma’am!

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Mar 06, 2019