This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at Eternal Gardens, Naga

    31 October 2016

    Question: Iyong pagbisita po natin ngayon ano ang plano, ano ang itinerary?

    VP Leni: Iyong sa akin kasi ang main purpose para sa Undas. Pero marami pa ding singit na trabaho. Tinatake advantage ko din dahil siguro simula noong nanalo ako, ito ang pinakamatagal kong uwi.

    Apat na araw ako dito sa Naga pero sinabayan pa rin natin ng trabaho, maraming mga courtesy calls na inaasikaso at pagbisita sa mga barangay. Pinagbibigyan natin iyong mga imbitasyon na matagal na nakabinbin, gaya iyong mga lakad ko today holdover pa noong Congressman ako.

    Iyong mga proyektong hindi na-inaugurate, iyong mga kailangang kausapin at marami din tayong regional housing agencies na i-mimeet today kasi pagkakataon din na tingnan kung ano iyong mga problema ng mga housing sa atin.

    Iyong sa OVP kasi medyo nakakasa na tayo, na-launch na natin iyong pinaka-programa within the next 6 years, iyong Angat Buhay, iyong Partnerships Against Poverty and Hunger pero ang malaking problema talaga housing.

    Binabago natin ang direksiyon, binabago natin ang mindset ng mga ahensiya, Binabago natin ang metrics ng mga sukat ng accomplishments.

    Marami talagang kailangang baguhin kasi maraming di magandang policies noong nakaraan. Gusto natin hanapan ng paraan para mas mapabilis ang pagtugon sa problema ng housing kasi ang current na proseso sobrang bagal talaga. Kaya ito ang tinututukan natin.

    Two days a week bumibisita tayo sa probinsya at lagi iyong pagbibisitang iyon, laging may housing component. Halimbawa noong Thursday, Friday nasa Saranggani, Gen San, South Cotabato, at Camiguin, at North Cotabato.

    Iyong Gen San may Housing Summit. Iyong North Cotabato mayroon tayong housing for IP communities na in-inaugurate. Dito sa Bicol, nagpaplano tayo magkaroon ng malawakang Housing Summit mga second week of September.

    Question: Ano ang situation ng housing natin dito sa Bicol?

    VP Leni: Actually hindi ako pamilyar sa problema ng lahat pero ang direksiyon na gusto natin ngayon maging mas aktibo ang LGU hindi lang passive.

    Iyong policy sa HUDDCC na pinapatupad ko ngayon, wala kaming i-neentertain na request na galing sa LGU kung hindi maayos ang housing board at walang local shelter plan.

    Ito lang kasi ang paraan para mapilit iyong local government units na maging proactive sa local housing. May draft tayo na executive order na nakabinbin sa Malacanang na sinasama na sa HUDCC iyong DILG.

    Kasi sa tingin ko kung hindi kasama ang DILG, masyadong magiging watak-watak ang programa ng gobyerno sa local housing. Dapat magkaroon lang kami ng iisang comprehensive roadmap. Wala kami noon.

    Ang tinatapakan lang namin iyong resulta ng Housing Summit sa tulong ng World Bank noong nakaraang taon. Iyon lang ang data na available ngayon.

    Hindi pa siya updated pero maraming pagkukulang patungkol sa mga policies na gusto nating baguhin. Halimbawa ngayon marami tayong financing na programs pero walang nag-cacater sa pinakamahihirap.

    Iyon ang problema natin kasi gusto nating ibaba. Noong nakaraang linggo, tatlong board meetings ang pinuntahan ko. Pag-IBIG, SHFC at HGC at pareho ang mensahe natin.

    Una, streamline iyong mga proseso. Hindi pahirapan iyong mga nag-aapply ng socialized housing at iyong mga developer kasi sobrang kaunti ang developer sa socialized housing kasi tedious iyong proseso. Tapos masyadong mababa ang kita tapos pahirapan pa.

    Ang deadline namin sa office namin dapat by December tapos na ang lahat ng policies. Ang problema namin hindi lang siya sa office namin nakasalalay pero kailangan namin ang ibang ahensiya ng gobyerno so napakahirap pero ang gusto namin government to government na lahat. At isa na lang ang pupuntahan ng nag-aapply at kami na lang ang nag-uusap. Right now, for signing na MOU ng HUDCC, COA, BIR at LRA sana tuloy-tuloy na.

    Question: Nagpaparamdam po ba sa inyo si Sec. Jesse?

    VP Leni: Parati naman nagpaparamdam sa trabaho. Alam ninyo naman na hindi ako aktibo before sa kanyang trabaho pero ngayon parang alam ko ang gagawin. Tingin ko siya iyon. Maraming decision-making ang tingin ko with his guidance siguro namana ko rin sa kanya iyong attitude na pinipili ang laban.

    Question: Napapanaginipan?

    VP Leni: Bihira. Siguro hindi na ako nananaginip sa pagod. On the average, 15 hour work day. Kapag umuuwi talaga bugbog na sa katawan. Tingin ko hindi ako iniiwan. Tingin ko nariyan ang guidance.

    Question: Working with President Duterte?

    VP Leni: Maayos naman si Presidente. Maayos iyong treatment sa akin. In fact iyong ilang request ko sa kanya swiftly inaksyunan. Halimbawa iyong request ko sa kanya na patawag iyong mga ahensya. Ipinatawag niya agad.

    Hindi siya humarap pero pinatawag niya at ako ang humarap. Malaking mensahe iyon na si Presidente ang nagpatawag. Pag nag-rereport ako sa Cabinet sang-ayon siya at very supportive.

    Ang sa akin lang dapat siguro huwag na kaming pag-awayin kasi kami wala kaming problema. Iyong mga supporters lang siguro namin ang, parati ko ngang sinasabi na hindi makakatulong na ang mga supporters namin ay nag-aaway-away.

    Kasi ito ang panahon na kailangan na nagkakasundo kami dahil maraming problema na haharapin.

    Question: Reaction sa hindi na magsasalita ng masama si Pangulo daw?

    VP Leni: Sana. Kasi lalo na sa international community na hindi sanay sa ganoon, kahit hindi malicious iyong gusto niyang sabihin nagkakaroon ng ibang mensahe.

    Hindi lang sa kanya, kami din iyong pagpapaalala sa sarili na parating maging maingat sa sinasabi.

    Kasi iyong mga sinasabi namin ngayon nagkakaroon na ng ibang dimensions hindi tulad ng mga kausap namin noon na lahat kilala kami at naiintindihan ang gusto naming sabihin.

    Dati sa Davao, si Pangulong Duterte kahit anong sabihin niya naiintindihan ng mga taga-Davao kasi kilala siya.

    Sa atin dito ako kahit iyong sabihin ko medyo careless naiintindihan ako ng tao pero ngayo kasi ang aming audience, mas malawak na mas maraming hindi nakakakilala.

    Kaya iyon din ang paalala ko sa aking sarili na maging maingat sa lahat ng mga sinasabi.

    Posted in Transcripts on Oct 31, 2016