This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the Indo-Pacific Federation Conference

    Indo-Pacific Federation Conference of the Theosophical Society

    Quezon City

    ABS-CBN: Ma’am, ano na lang po, reaction niyo po doon, Ma’am, sa congratulatory message po ng US Ambassador to the Philippines?

    VP LENI: Ako, nagpapasalamat ako sa pagpahayag ni Ambassador Kim, hindi lang iyong congratulatory message, pero the fact that he said that the US is looking forward to partnering with us. Iyong tulong ng US sa drug war, lalo na sa intelligence-gathering, very important. So within the week, makikipag-meeting tayo sa officials ng US Embassy para maayos iyong daloy ng pagtutulungan at ng impormasyon.

    GMA-7: Ma’am, nagkaroon na ba kayo ng pagkakataon since yesterday na makausap ang Pangulo?

    VP LENI: Wala.

    GMA-7: Wala pang ganoon?

    VP LENI: Wala pa. Ako naman, anytime na ipatawag ako, pupunta ako.

    GMA-7: Okay. So wala pang courtesy meeting or vice versa?

    VP LENI: Wala pa.

    GMA-7: Would you request one? To have a dialogue?

    VP LENI: Ako, maghihintay na lang ako. Maghihintay akong ipatawag.

    GMA-7: Okay. Ma’am, may mga nagtatanong, are you going to attend the next Cabinet meeting?

    VP LENI: Kapag inimbitahan ako, pupunta ako, pero without the invitation, hindi ako pupunta, kasi kung naaalala naman natin noong 2016, ayaw akong pa-attend-in, so baka maging istorbo pa ako doon. Sa akin naman, hindi mahalaga iyong designation, kung ano talaga—kung Cabinet official ba. Iyong pinakamahalaga sa akin, maging cooperative lang iyong mga agencies, marami tayong magagawa.

    GMA-7: Ma’am, as of today, malinaw na ba talaga iyong scope, kung paano iyong hatian ng trabaho?

    VP LENI: Actually, wala pang scope. Iyong sinasabi kasi, hindi pa naman— Ako, maghihintay ako kung anong nakasaad sa nakasulat, para parati tayong may babalikan. Iyong pinakahuling nakasulat, co-chairman ako ng ICAD. Hindi ko alam kung ano iyong gustong sabihin because the position is non-existent. Pero ako, ayaw ko kasing magsayang ng oras, kaya iyong sa akin, the day na in-accept ko iyong designation, I already buckled down to work. Marami na akong mineeting. Kahapon ng umaga, ka-meeting ko si Senator Lacson. Kahapon na hapon, iyon iyong first meeting ng ICAD. Ngayon, may mga imi-meet pa ako after this. So iyong sa akin, lahat na oras mahalaga, kasi parati kong inuulit, two and a half years na lang iyong natitira sa atin. If we want to be successful, kailangan talagang seryosohin.

    GMA-7: VP, who are you meeting later?

    VP LENI: Iba-ibang mga tao na makakapagbigay sa atin ng impormasyon saka perspective. Kasi… Iyong sa akin kasi, sinabi ko din ito during the ICAD meeting kahapon, na hindi puwedeng tayo-tayo lang iyong nag-uusap. In fact, iyong recommendation ko kahapon was to expand—hindi naman kailangan iyong membership ng ICAD, pero iyong expand the platform, na iyong iba’t ibang mga advocates, iyong mga iba’t ibang private groups na gustong tumulong, mayroong infrastructure para napapaabot nila kung ano iyong… hindi lang information pero ano iyong mga panukala.

    So sa Monday, imi-meet ko iyong UN officers dito sa Pilipinas, na maraming mga researches and studies about best practices saka lessons from other countries regarding the campaign against illegal drugs. Pagkahapon, imi-meet ko iyong CoBRA. Iyong CoBRA, ito iyong multisectoral na grupo ng mga advocates sa anti-illegal drugs.

    Iyong sa akin lang, kailangan kong pakinggan lahat. Hindi puwedeng fini-filter iyong information, kasi gusto nating seryosohin iyong papapuntahan nito. Tingin ko mas magiging effective iyong campaign kung nararamdaman ng tao na kabahagi sila ng kampanya.

    GMA-7: Ma’am, iyong body cams, Ma’am? In favor daw ba kayo sa pagsuot ng body cams sa mga operations?

    VP LENI: Ako, hindi pa siya napag-usapan kahapon, pero tingin ko indispensable. Indispensable iyong body cams for many reasons. Iyong pinakauna, proteksyon iyon sa law enforcement agents. Proteksyon iyon kasi ang iba naman sa kanila nakakasuhan nang walang basehan. So sa akin, number one, proteksyon iyon sa law enforcement agents.

    Number two, mas lalong proteksyon sa mga tao, para kung ano talagang tunay na nangyari sa operasyon, mare—mayroong basehan kung paano magpo-proceed. Kasi ngayon, palitan ng accusations, pero iyong word of honor lang ng nagsasabi iyong pinapanindigan. Pero kung may body cams, mas magiging—iyong integrity ng operasyon, ma—ano ito—mape-preserve.

    Sa akin, tingin ko kailangan mag-invest dito iyong gobyerno. Malalaman ko this week kung ano talaga iyong pangangailangan, and ilan na iyong mayroon tayo, when I meet with the Law Enforcement Cluster.

    TV5: Ma’am, marami pong humanga sa inyo sa pagtanggap niyo po ng challenge na ito ni Pangulong Duterte, lalo na nga po very male-dominated itong anti-drug body po. Pero ano ba pong nararamdaman niyo po during the meeting kahapon? And marami po kasing— Mayroon na po tayong human rights advocate po and may mother’s instinct na rin, nandoon. So ano pong masasabi niyo?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, iyong meeting kahapon napakahalaga, kasi iyong pagtatalaga sa akin, co-chairman of that body. So sa akin, regardless kung may mga nabitawan na mga salita against me, dapat i-set aside ko iyon kasi kailangan ko makipagtulungan sa kanila, at ipahayag sa kanila kung saan ako tumatayo. Kasi mahirap na hindi ako makiapagtulungan, kasi iyon naman iyong venue na ibinigay sa akin.

    Okay naman iyong meeting kahapon, in the sense na lahat naman nagpahayag ng commitment, lahat nagpahayag ng suporta. So sa akin, parati ko itong inuulit sa kanila kahapon, na regardless of our differences, kailangan namin mag-work together, na kung anuman iyong mga nakaraan, kailangan namin i-set aside, kasi iyong tao inaasahan kami na mag-rise beyond—mag-rise against sa aming mga iba’t ibang mga paniniwala, para pagtulungan namin iyong objective na gusto naming ma-achieve.

    GMA-7: Ma’am, what do you think of the invitation of Director General Aquino? Kasi may mga nagsasabi na by accepting his invitation to go to an actual operation, you are putting your, you know—your security is at risk. You’re the Vice President of the Philippines going there.

    VP LENI: Ako, sa tingin ko, iyong pagyaya, pareho din iyon ng pagyaya ni Pangulo. Wala tayong inuurungan na challenge. Pero iyong sa akin, ang mahalaga, ano ba iyong magiging resulta ng operasyon? Hindi naman kung sino iyong nandoon.

    Pero kung yayayain ako, pupunta ako, pero ang pinakatanong lang: Hindi ba ako makakaistorbo, ‘di ba? Kasi iyong sa akin, kapag mayroong mga istorbo, lalong nako-compromise iyong operasyon. Pero kung sa willingness, willing ako. Kung tingin nila hindi ako makaka-istorbo, I would gladly be there.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Nov 08, 2019