This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the International Women’s Day Summit 2019

    International Women’s Day Summit 2019

    Samsung Hall, SM Aura, Taguig City

    VP LENI: Thank you. Happy Women’s Day!

    OVP: First question po from Llanesca.

    VP LENI: Hi, Llanesca.

    REPORTER 1: Ma’am, biggest challenge po sa women today at this time kasi iyong mga rape jokes, normalizing it—

    VP LENI: Iyong pinaka-mahirap talaga para sa mga kababaihan, iyong mindset pa rin—iyong mindset na hindi talaga pantay pa rin iyong pagtingin. While malaki na iyong improvement… iyong ginawa ko ngang halimbawa kanina, parang iyong sa mga babae, marami iyong expectations na kailangan niyang gawin. Maraming judgments na binibigay sa kaniya na hindi iyon pareho sa lalaki. Halimbawa, iyong pinaka-simpleng example iyong kapag galing sa trabaho, iyong mga babae kapag tumambay pa sa labas, parang iyong judgment sa kaniya masama siyang babae o pabaya siyang nanay, pero iyong mga lalaki okay lang. Iyong ito, it may seem simple pero iyong epekto niya kasi sa psyche ng hindi lang ng mga lalaki pero ng mga kababaihan, mabigat. Dahil kapag iyong babae tingin niya inferior siya, parati niyang tinatanggap iyong abuse.

    Pero iyong sa experience ko kasi, talagang economic empowerment iyong crucial, na iyong babae dapat nararamdaman niya na kaya niyang tumayo sa sarili niyang paa para hindi niya… hindi niya tinatanggap iyong pang-aabuso sa kaniya. Kasi karamihan sa nasalubong namin na mga problema, kahit inaabuso na, parang they would choose to go back to the abusive environment dahil ang pakiramdam niya, hindi niya kayang buhayin iyong sarili niya at saka mga anak.

    REPORTER 2: Ma’am, iyong tungkol naman sa recent SWS survey na kumakalat. Though unconfirmed ng SWS, pero mayroon kasing nagme-make ng rounds, Ma’am, dalawa lang from Otso Diretso, Ma’am, iyong pumasok sa Top 12. Reaction lang po.

    VP LENI: Expected natin iyon. Expected natin na at this point, hindi pa talaga makakapasok iyong mga hindi pa kilala on a national level. Noong ni-launch naman namin at pinakilala iyong buong slate, talagang halos dalawa lang iyong kilala na, kaya pinagpapaguran namin na ipakilala iyong iba.

    Pero ito, hindi kami nawawalan ng pag-asa. While realistic kami, hindi kami nawawalan ng pag-asa, kasi iyong sarili kong kuwento, ganoon din: nag-umpisa talaga ako sa bottom. Iyong wish lang natin, sana may enough time before the elections na mapakilala nila iyong sarili nila. Iyong challenge din kasi, walang makinarya, walang resources—iyong how to reach as many Filipinos in such a short span of time. Kaya kami naman na puwedeng tumulong, tumutulong na para ipakilala. Kasi ako, naniniwala naman ako na hindi naman talaga pera iyong pinaka-mahalaga sa eleksyon. Iyong tao, kapag binibigyan siya ng pagkakataon makilala iyong mga options, iyong parating pipiliin niya iyong sa palagay niyang matino at mahusay at mabuting lingkod-bayan. Iyong pinaka… pinaka-challenge lang talaga: papaano ba sila mapapakilala given na less than three months na lang iyong natitira?

    OVP: Next po, Ms. Glee from Manila Times.

    REPORTER 3: Ma’am, pero sinabi po ni Mayor Sara kahapon na dahil po sa mga binabato na statements ng mga Otso candidates, nagiging part siya ng reason kung bakit mababa sila sa survey, bakit hindi [ inaudlble ]—

    VP LENI: Ako—

    REPORTER 1: Hindi raw po naniniwala iyong mga tao sa opposition candidates that’s why mababa po sila.

    VP LENI: Ako, kung titingnan natin, ang datos iyong kailangan nating tingnan. Tama iyong sinasabi niya kung dati na silang mataas, pero dahil sa sinabi nila, bumaba. Pero kung titingnan natin iyong numbers nila, tumataas iyong approval, while ang pinaka-challenge talaga, ang baba ng awareness. Pero hindi ito factor na hindi ba sila nagugustuhan dahil sa sinasabi nila? Kasi kung titingnan natin iyong numbers nila, talagang nagsimula sila sa sobrang baba na awareness, na ngayon, very encouraging nga kasi nakikita namin na iyong conversion, mataas. Gustong sabihin, iyong mga taong nakakakilala sa kanila, nagugustuhan sila. Talagang iyong challenge lang nga, gaya ng sabi ko kanina, paano pa sila mapapakilala sa mas maraming tao in a short span of time.

    OVP: Okay.

    REPORTER 4: Just a follow-up po. So, on what Mayor Sara Duterte said on the honesty and integrity issue in this elections, what do you have to say to that po?

    VP LENI: Ako, nakakalungkot na kailangan pang pag-debatehan kung mahalaga ba iyong pagiging honest o hindi. ‘Di ba parang given dapat iyon? Hindi na natin dapat pag-debatehan kung kailangan o hindi kasi iyon iyong important na ingredient bago pa man mag-ambisyon na pumasok sa public service—iyong integrity. And iyong honesty, ano siya, napakalaking factor sa integrity ng isang tao. Kung wala kang ganoon, dapat hindi mo nga iniisip mag-lingkod, kasi papaano ka makakapaglingkod kung may problema ka sa sarili mo?

    So para sa akin, parang nakakagulat na kailangang maging issue ngayon kung kailangan ba iyong pagiging honest o hindi, kasi given iyon.

    OVP: Okay. Thank you, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Mar 07, 2019