This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni in Kauswagan, Lanao del Norte

    7 July 2016

    Q: VP, iyon pong mga ganitong experience, would you share this with the President o magiging dahilan ba ito para magbalik-balik kayo sa Malacanang?

    VP Leni: Oo naman. Iyong napag-usapan namin ay magtutulungan kami. Tingin ko kasi matagal ko nang naririnig ang programa ni Mayor Rommel na arms to farms.

    Actually awardee na siya, na-feature na siya sa kung saan, matagal ko na siyang binabalak bisitahin, ngayon lang nagkaroon ng opportunity.

    Pero tingin ko kasi replicable ito sa iba pang lugar na kung nagawa nga dito na matindi ang challenges sa umpisa pero naging successful, how much more doon sa mga lugar na hindi ganito katindi ang mga challenges.

    Kaya naman natutuwa ako na nagkaroon ako ng opportunity na personal na mabisita kaya sabi ko kay Mayor Rommel, hindi siguro ako ang magsasalita ngayon, ako ang makikinig sa mga farmers na makakausap.

    Gusto ko lang marinig iyong kwento, ano iyong pinagdaanan, ano pa iyong pangangailangan, para maikuwento rin natin, maibahagi sa ibang lugar na ma-inspire.

    Kinukwento ni Mayor Rommel kung papaano siya nag-umpisa rito na iyong lugar ay talagang halos ghost town dati dahil sa matinding hamon sa peace and order.

    Pero dahil dito sa arms to farms project, parang iyong turn around ng munisipyo, ano talaga, dramatic.

    Q: Kung mayroon man po kayong learnings na nakita o narinig dito sa pagdalaw ninyo, alin doon ang pwede o gusto niyong bitbitin pagbalik ninyo sa Maynila?

    VP Leni: Ako kasi ano pa, after nitong interview mag-uusap pa lang kami ng farmers. Pero from what I hear about the program, ano talaga na paminsan o hindi paminsan, kadalasan, iyong problema sa peace and order, talagang iyong pinag-uugatan ay kahirapan.

    Paminsan natutulak iyong ating mga kababayan na mapunta, parang sa extreme dahil hindi nakakakita ng hope. Pero iyong mga ganitong programa, nararamdaman nila na kalahok sila.

    Iyong ganitong programa, nararamdaman nila na may boses sila, napapakinggan, nagbebenepisyo, dahil diyan iyong engagement nila sa gobyerno hindi na kalaban iyong pagtingin sa gobyerno.

    Pero ang pagtingin sa gobyerno, partner. Kaya iyong relationship nila mas collaborative. Hindi na oposisyon parati. Ito malaking bagay ito hindi lang dito sa Mindanao pero sa marami pang lugar sa ating bansa na nakakaranas din ng ganitong kahirapan na iyong mga nagiging biktima ng kahirapan nawawalan na ng pag-asa.

    Kapag napakita natin ito sa iba, puwede palang gawin, puwedeng gayahin natin, mag-come up tayo sa ibang modelo.

    Pero ang pinaka-lesson puwede.

    Q: VP, ginagamit ninyo po iyong words na hope, pag-asa. Kayo po bilang vice president, ano po ang gusto ninyong iwanan dito sa mga kababayan natin?

    VP Leni: Ako, na ang gobyerno ay nandiyan para sa kanila. Pero hindi lang nandiyan para sa kanila pero bahagi sila ng gobyerno. Kaya tingin ko iyong personal na pagdalaw mahalagang mensahe iyon na mahalaga sila. Kahit malayo sila sa sentro, kahit mahirap pumunta, mahalaga sila kaya pinupuntahan sila.

    At dapat hindi sila nag-aalangan na iboses iyong kanilang mga pangangailangan dahil nandito kami para makinig. At hindi kami nakakataas sa kanila, kundi sila, kabahagi namin.

    Palagay ko iyon ang pinakamensaheng kailangang maiparamdam sa ating mga magsasaka na kalahok sa programang ito.

    Q: Ma’am the Philippine Government is morally and legally bound to honor the Bangsamoro, would you lobby for the passage, which is the final part of this process for the MILF?

    VP Leni: Ako kasi, ito maraming dimensions. Ako I have been very open naman about my pushing for the passage of, una iyong Bangsamoro Basic Law.

    In fact, when I was a member of the House of Representatives, I voted in its favor sa Committee. Tingin ko kasi this is an important first step eh. Para maka-move forward.

    Maraming problema pa. Hindi siya solusyon, hindi siya end ng problema. Kahit ito ay mapasa na, marami pang haharapin na problema. Pero ang mahalaga kasi ay iyong parang pa-move forward tayo.

    Iyong mga parang agam-agam na hindi nakonsulta, pwede naman iyong i-repair. Ang gusto kong sabihin hindi naman straight jacket ang nandiyan eh. Puwede siyang i-repair na iyong mga hindi nakonsulta bigyan pa rin ng boses, kung mayroong kailangang i-adjust, i-adjust.

    Pero iyong mahalaga lang, willing lahat mag-move forward. Ang worry ko kasi kapag hindi tayo mag-move forward, iyon ang produkto ng 17 years ng negotiations, baka mapapunta siya sa wala at mawawalan ulit ng pag-asa iyong mga nakilahok. Iyon ang ayaw nating mangyari.

    Q: May propesyon po sa inyo na mga drug dependent, ano po ang take ninyo dito? Tutulungan niyo po ba si President Duterte sa effort ng local government?

    VP Leni: I-correct ko lang po, hindi po yata sa akin ipepresent, kay Mayor. Nagkataon lang po na nandito tayo pero ano po, very supportive po tayo sa drive tungkol sa eradication ng drug abuse.

    Kasi ang problema po talaga, buong bansa na. Mayroong sense iyong marami na out of hand na ito. Kaya very encouraging na marami ngayon ang nag-susurrender.

    Pero palagay ko po kailangan maging komprehensibo iyong programa ng gobyerno. Kasi ang tanong, after sila mag-surrender, ano ang programa?

    Kasi kung walang programa tayo after, baka alam mo iyon? Parang disappointment na hanggang dito lang pala. Pero tingin ko naman ang gobyerno, ginagawa lahat ngayon para mapapunta sa ganoon.

    Iyong kanya kanyang LGU, iyong may initiative talaga gumagawa. Alam ko sa Quezon City kausap ko si Vice Mayor Joy Belmonte, talagang very aggressive silang gumawa ng programa para sa rehabilitation ng mga nag-susurrender.

    Parang hinahabol din nila na una ang surrender, naghahabol iyong programa pero ano ito, much much better than nothing.

    Q: Madam vice-president, what is your stand and opinion on the propose revival ng death penalty?

    VP Leni: Ako po very vocal ako against ako sa revival ng death penalty. Ano naman po iyon. Tingin ko, having said that, hindi naman siya makakaapekto sa pagsuporta kay President Duterte.

    Iyong sa akin naman po, ang pagbigay ko sa kanya ng full support, nandoon iyon parati kahit mayroong mga disagreements kami sa ibang policies na kanyang sinusulong.

    Pero ako po kasi, ever since advocate po talaga ako against death penalty.

    Q: In terms of federalism, is federalism a good step towards resolving….

    VP Leni: Ako po kasi bukas ako eh. Bukas akong pakiggan kung ano ang uri ng, parang anong klase ng pederalismo ang pino-propose.

    Noong nabubuhay pa po ang asawa ko, isa siya sa pinaka-staunch na advocate ng local autonomy. Kung itong federalism ay in-eelevate pa into a higher plane, gusto ko po ito.

    Mayroon lang akong mga tanong na kailangang masagot. Isa po sa mga tanong na ito ay readiness. Iyong readiness ng mga probinsya. Readiness ng regions to stand on their own. Papaano ma-reresolve ang… alam niyo, iba-iba kasi ang readiness.

    Halimbawa siguro iyong Region 4A, iyong Region 3, siguro Region 7. Possibly iba pa.. Region 6, handa iyon at saka NCR.

    Pero papaano iyong gaya sa amin, Bicol region? Papaano iyong ARMM?

    Karamihan sa mga munisipyo heavily dependent pa rin on IRA. Iyong locally generated funds ay kakaunti. Gusto ko lang malaman kung papaano iyon i-reresolve.

    Pero bukas ako. Bukas akong makinig, bukas akong mag sang-ayon kung masagot ang mga tanong.

    Posted in Transcripts on Jul 07, 2016