This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the Launch of the Albay Provincial Library Gender & Development Section

    Albay Provincial Library and Information Center

    Q: Ma’am, Lenten message po for the people of the country?

    VP LENI: Iyong sa akin, iyong Lent ay panahon para mag-slow down tayo. Mag-slow down at makita muli kung ano talaga iyong mahalaga. Paminsan kasi sa frenzy ng pang-araw-araw natin na ginagawa, nakakalimutan natin iyong mas mahahalagang mga bagay. At iyong Lent, not just because it’s a holiday, pero iyong Holy Week is really the time to take stock of things, slow down. ‘Di ba iyong sa Catholics, ano iyon, time to ask for forgiveness, renewal. Ganoon din, even to non-Catholics; it really is a time to… parang bumalik, bumalik doon sa anong mga bagay iyong mahalaga.

    Q: Major question is: May line-up na po iyong PDP-Laban sa senatorial slate. Mayroon na ba ang Liberal Party na mga napipisil, o sinu-sino sila?

    VP LENI: Actually hindi pa siya pinag-uusapan nang seryoso, pero mayroong mga pangalan na pinag-uusapan, pero wala akong liberty para i-disclose. Hihintayin ko iyong aming presidente, si Sen. Kiko Pangilinan, siya.

    Pero mahirap kasing this early, magba-barangay elections pa nga, ang dami pang trabahong kailangang harapin. Marami pang mahalagang legislation ang kailangan harapin. Kung lahat eleksyon ang pinag-uusapan ngayon, hindi iyon makakabuti sa ating lahat. Kung iyong public servants ngayon nag-iikot para nangangampanya na, hindi ito iyong sadya ng panahon. Hindi pa ito panahon para diyan. Mayroong panahon para umikot, mayroong panahon para magkampanya. Gawin muna natin ang ating mga trabaho.

    Q: Sa Divorce Bill? Stand po natin?

    VP LENI: Ngayong umaga lang sa akin ipinadala iyong [kopya]—hindi ko pa nabasa, pero iyon iyong hinihingi ko. Hindi pa sa akin pinapadala iyong final draft. For a long time kasama ako sa isang NGO, SALIGAN ang pangalan—iyong mine-mention ko kanina—isa iyong aming organisasyon sa mga nagsusulong noon, mainly because iyong existing kasing mga batas ngayon, hindi siya accessible sa mga kababaihan na naaabuso pero walang pambayad sa mga prosesong nire-require.

    Iyong sa akin, kung i-a-amend iyong existing na batas, iyong Family Code— particularly iyong Article 36—na maging accessible siya para sa mga mahihirap, okay iyon. Iyong divorce bill ngayon, bukas ako para doon. Gusto ko lang munang mabasa iyong draft bago ko ipahayag iyong aking saloobin. Ang hahanapin ko lang naman doon, accessible ba ito kahit sa mahihirap? Pangalawa, hindi ba nito mayuyurakan iyong constitutional provision protecting the sanctity of marriage? Kasi ayaw din nating mangyari na hindi na pinapahalagahan iyong kasal, hindi na pinapahalagahan iyong pagsasama, kasi madali nang makahanap ng divorce. Ito, ano ito, isang bagay na hindi minamadali, isang bagay na pinag-uusapan nang maayos. Iyong hope naman natin, dadaan pa ito sa Senado, sana magkaroon pa ng masusing debate tungkol dito.

    Q: Anti-dynasty law? What are your thoughts on this?

    VP LENI: Iyong anti-dynasty, ever since ina-advocate ko iyong pagpasa noon. Unang una, iyong 1987 Constitution, ano iyon, sinasabi na iyong isa sa mga general policies ng ating gobyerno ay iyong ipagbawal iyong political dynasties. Pero more than 30 years after, hindi pa tayo nagpapasa ng batas. Hindi lang IRR, pero wala talang batas.

    Noong nasa 16th Congress ako, isa ako sa mga authors ng anti-dynasty law. Nakarating nga siya sa plenaryo pero hindi siya napagbotohan on 2nd reading. Naiintindihan natin kung bakit mahirap itong ipasa, in the sense na —

    Q: 75 percent ng mga lawmakers…

    VP LENI: Tumaas pa… Hindi lang iyong lawmakers pero halos lahat. Of the 80 governors, if I am not mistaken, 66 come from political dynasties. Ang dami ding vice governors, ang dami ding mayors. So iyong pagpasa talaga nito naiintindihan natin na mahirap, pero kailangan na patuloy na isulong, kasi napakahalaga nito para sa akin. Alam natin kung bakit kailangan siyang ipagbawal.

    Bakit ba siya kailangang ipagbawal? Una, dapat lahat ng kayang manilbihan, bigyan ng pagkakataong manilbihan. Maraming lugar kasi sa atin, kapag natatapos iyong kanilang (officials’) term limits, pinapamana na sa kapamilya [iyong posisyon]. Inaalis nito iyong equal opportunity para sa lahat na lumahok.

    Pangalawa, at tingin ko mas importante, marami nang pag-aaral na ginawa na halos proportional iyong statistics ng mga lugar na mayroong fat dynasties—gustong sabihin ng fat dynasties, more than two [officials] sa isang pamilya nandiyan—halos kasabay siya ng pagtaas ng poverty sa isang lugar. Ito, maraming dahilan kung bakit nangyayari ito. Siguro iyong una, kapag pinalitan mo iyong sarili mong tatay, parang walang desire na—happy ka na sa status quo—walang desire para pagbutihin pa iyong governance. Hindi siya nakakabuti sa atin.

    Lalo na ngayon na may usapin tungkol sa federalism. Tingin ko iyong federalism without an anti-political dynasty law, fatal ito sa ating lahat, kasi ang mangyayari diyan lalo lang na-e-embolden iyong mga pamilya na magkontrol ng kaniyang mga jurisdiction. Kaya sa akin, parati ko itong sinasabi, sana ipasa muna iyong anti-dynasty law bago pa pag-usapan iyong federalism.

    Q: Madam Vice President, what’s your comment po doon sa sinabi ni President Duterte na “let us forget about politics and let us work together”?

    VP LENI: Maganda po iyong sabihin pero hindi lan si Presidente pero tayong lahat— kaming lahat na nasa gobyerno—dapat isapuso iyon. Madali iyong sabihin pero paminsan mahirap isapuso. Gaya ngayon, nakikita natin na marami tayong mga national government officials ang nangangampanya na ngayon. Maraming mga desisyon ang ginagawa na pulitika ang basehan, hindi prinsipyo. Sana isapuso nating lahat—mula kay Presidente hanggang sa pinakamaliit na local government official— iyong kasabihan na trabaho muna bago pulitika.

    Q: Iyong Bora closure po, ano pong masasabi niyo? Ang Camarines Sur po ba posibleng alternative to Boracay?

    VP LENI: Iyong Boracay closure, sana hindi siya knee-jerk, ano? Sana hindi siya knee-jerk [reaction]. Sana walang paburan, sana pantay-pantay iyong pagtingin sa lahat.

    Tayo, naniniwala tayo na napabayaan talaga, napabayaan iyong Boracay. Naniniwala tayo na kailangan siyang ayusin. Kung closure lang iyong natitirang paraan, puwede naman iyon. Pero alalahanin na—ang huli kong basa—36,000 jobs ang nandoon, so gustong sabihin kung sinara iyon, 36,000 na tao iyong mawawalan ng trabaho.

    Iyong mahirap doon, mayroong mga allegations na hindi lahat maaapektuhan, mayroong malalaki na hindi maaapektuhan. Unfair ito. Tama na—

    Q: Would you recommend Camarines Sur —

    VP LENI: Siyempre naman kasi home province ko iyon.

    Q: Ma’am, nag-viral iyong photo sa PMA, na the President was kind of ogling at you. Reaction niyo po doon?

    VP LENI: Hindi naman siguro. Tingin ko na-timing lang. Tingin ko unfair naman iyon kay Presidente. Tingin ko na-timing lang iyong pagtingin niya sa akin at nabigyan ng ibang kulay.

    Iyon siguro iyong problema na iyong President saka Vice President lalaki saka babae. Tapos lalo pa biyuda ako. Kapag biyuda, lahat na yatang intriga nandiyan: tingnan ka ng Presidente, mayroong kahulugan; may sabihin iyong Presidente mayroong kahulugan; o kahit ibang tao—kahit pa bading—nali-link na sa akin. Ito, nagse-celebrate tayo ng Women’s Month, pero sa ating society, ganoon. Parating mas mababa iyong pagtingin sa kababaihan. And among sa kababaihan, mas mababa ang tingin sa mga biyuda, sa mga single mothers—

    Q: Sa mga seniors?

    VP LENI: —mga seniors, hindi naman siguro. Nasasanay tayo pero dapat hindi tayo masanay.

    Q: Paano po i-a-address iyon?

    VP LENI: Ito, ang pag-address talaga niyan walang humpay na kampanya para sa women empowerment. Pero tingin ko mas mahalaga na iyong mga magulang na nagre-raise ng mga anak, ma-realize na nag-uumpisa ito sa bahay. Hindi ko lang masabi kasi ang daming lalaki dito, pero ang sinasabi nila, ang mga Filipino men daw, masyadong spoiled. Dapat pati babae dapat ganoon din.

    Q: Ma’am, sa federalism po?

    VP LENI: I think nasabi ko na kanina na bago pa pag-usapan iyong federalism, una ipasa muna iyong anti-political dynasty law. Sunod, bago pa pag-usapan ang federalism, tanungin muna ano ba iyong problema na gusto nating i-address? Kung ang gusto nating i-address puwede namang ma-resolve by amending our laws, bakit hindi muna iyon ang unahin? Kasi iyong amendment of the Constitution, dapat last step siya. ‘Di ba?

    Tapos halimbawa, kung ang sagot pa din kailangan talaga, ako iyong suggestion ko huwag i-reopen iyong Constitution. Parati kong suggestion, kung kailangan talaga ng amendment, mag-introduce na lang ng amendment. Parang sa US, may First Amendment, may Second Amendment. Kapag may i-i-introduce na amendment, amendment lang siya pero hindi nire-reopen. Kasi hindi naman perpekto iyong Constitution natin, pero napakaraming magagandang provisions dito, lalo na iyong social justice. Ngayon na may question na sa human rights, may question na tungkol sa demokrasya—kung makakabuti ba ito para sa atin—nakakatakot na ma-endanger itong mga provisions na ito, so huwag nang buksan. Hanapan natin ng paraan kung paano natin aayusin iyong mga problema na less damage possible.

    -30-

    Posted in Transcripts on Mar 23, 2018