This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the Launching of 10M Mingo Meals Feeding Program in Badiangan, Iloilo

    Launching of 10M Mingo Meals Feeding Program

    Badiangan, Iloilo

    GMA-7: Ma’am, we don’t have the luxury of time, kaya diretso na po kami sa aming tanong: Your reaction to PR—to President’s comments last night na kung gusto niyo raw, puwede niyang ibigay ang power ng law enforcement sa inyo?

    VP LENI: Ako kasi, ayaw kong sagutin muna iyon kasi hindi ko alam kung gaano kaseryoso. Pero iyong sa akin lang, iyong mga mahahalaga at mga importanteng mga problema ng ating bansa, hindi naman dinadaan sa pagkapikon, hindi naman dinadaan sa pang-iinsulto. Mahirap na papatulan ko, kasi hahaba lang iyong usapan. Iyong sa akin, parating solusyon iyong hinahanap natin.

    GMA-7: Sorry for asking: Were you insulted in his remarks, Ma’am?

    VP LENI: Ako kasi, from the very start, nasa receiving end na ako ng maraming pang-iinsulto ni Pangulo. Pero iyong sa akin, kailangan kasing— Sa dami ng gagawin, kailangan matutunan ko i-focus kung ano iyong mga mahahalaga. Hindi ako puwedeng ma-distract from the work that I am doing, kasi less than three years na lang ang natitira sa akin. Mas maraming mahahalagang bagay na kailangang pagtuonan ng pansin. Iyong paniniwala ko, kaming mga… kaming mga naninilbihan sa taumbayan, walang space para sa aming ego, walang space para sa emosyon, walang space para sa pagkapikon, kasi hindi namin magagampanan nang maayos iyong aming trabaho.

    GMA-7: Ma’am, hindi po first time na tinawag kayo na “bobo” ng Pangulo. To think that you are his Vice President, and honestly, Ma’am, how do you feel about this po?

    VP LENI: Sa akin kasi, wala nang value iyong maraming sinasabi, dahil alam naman natin na marami nang sinabi in the past, hindi lang dahil—hindi lang tungkol sa akin—na hindi naman naisasakatuparan. So iyong sa akin, mas gusto kong i-direct iyong aking energy sa mga bagay na magiging useful ako, na magta-transform ako ng buhay. Gaya ng ginagawa ko dito sa Iloilo. Mas mabuting pagtuonan iyon ng pansin kaysa masaktan sa mga sinasabi ng Pangulo.

    GMA-7: So kumbaga, Ma’am, ano iyon, parang nasanay, na-immune ka na? Hindi ka na nasasaktan sa anumang mga remarks niya?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, sa dami ng nangyayari sa ating paligid, sa dami ng problema natin, kailangang matutunan natin na piliin kung ano iyong magpapaapekto tayo saka hindi. Basta sa akin, sigurado ako na ginagawa ko nang maayos iyong trabaho ko. Despite the many limitations, despite the difficulties that are being thrown my way, hinahanapan ko ng paraan para makapagsilbi pa din. Para asikasuhin ko iyong mga bagay na hindi naman nakakatulong, tingin ko pagsasayang iyon ng energy.

    GMA-7: Okay, but what’s your take, Ma’am, on drug war po ng administration?

    VP LENI: Ako, nasagot ko na kasi iyon, eh. Iyong sa akin, iyong numbers are coming from them na padami pa nang padami iyong… padami pa nang padami iyong ating mga drug addicts despite the massive campaign. Ang hinihingi ko lang naman, mag-step back, i-assess ano ba iyong hindi ginagawang maayos. Kapag may hindi maayos na ginagawa, ihinto, palitan; iyong mga maaayos na ginagawa, ituloy. Iyon lang naman iyong aking… iyong lang naman iyong aking hinihingi: na mag-step back at i-assess para kapag kailangan… kapag kailangang may baguhin, babaguhin.

    GMA-7: Ma’am, iyong sa West Philippine Sea, sabi ni Secretary Esperon, ready na tayo to enter into another exploration?

    VP LENI: Sa akin, hindi nagbabago iyong aking pananaw: hindi siya question na ready tayo o hindi. Pero iyong… iyong makiki-joint exploration tayo with China, ito iyong bansa na mayroon tayong kuwestiyon na inihain sa arbitral tribunal, regarding the ownership of parts of the West Philippine Sea. Ano ito, eh, question of ownership and sovereignty. Bakit tayo papasok sa isang kasunduan with another party, na hindi niya nire-recognize iyong ating ownership? So sa akin, wala akong problema kung pumasok tayo sa isang kontrata with them, as long as iyong pinakahihingiin natin sa kanila, i-recognize muna nila iyong ating pag-aari noong teritoryo.

    GMA-7: I see. So hangga’t hindi nila kinikilala iyan, Ma’am—

    VP LENI: Luging lugi tayo. Luging lugi tayo, kasi naghain na tayo ng reklamo, pinanalo na natin sa arbitral tribunal. Iyong naiiwan na lang sa atin, i-assert iyong ating karapatan. Bakit hindi pa natin iyon magawa?

    GMA-7: All right, Ma’am, last na po ito: Statement niyo lang po sa current status ng poll protest? Anytime maglalabas na po ng desisyon?

    VP LENI: Ngayon kasi, iyong status, pinapag-comment kami. Iyong pinakamahalaga sa lahat, nilabas na ng Supreme Court iyong results ng… ng recount, panalo ako sa recount. Hindi naman mapapalitan iyong numero, kasi noong ginagawa iyong recount, nandoon iyong representatives ng Presidential Electoral Tribunal, nandoon iyong aming watchers, nandoon iyong watchers ni Marcos. Naging official na iyong results; panalo ako. Pinapag-comment kami tungkol doon sa nilabas na… nilabas na resolution ng Supreme Court. Magko-comply kami. Pero iyong inaasahan namin na magiging resulta nito, panalo kami, kasi makikita sa numero na after… after the recount of the three pilot provinces na si Marcos din iyong pumili, iyong numbers very glaring. Na dumagdag pa iyong aming panalo.

    GMA-7: Vice, anong nakikita niyo dito sa ganitong parang they do not seem to surrender despite itong resultang nangyari?

    VP LENI: Iyong tanong ko nga parati: Ilang beses ba ako kailangang manalo para tanggapin niya iyong kaniyang pagkatalo? Pero kami, dahil may proceedings na nagaganap sa Presidential Electoral Tribunal, susunod kami. Nirerespeto natin iyong institusyon, pero hinihingi din natin na i-dismiss na, in accordance with their rules. Kasi lalo siyang tumatagal, lalo lang nagkakaroon ng platform si Marcos na lalo pang maghasik ng kasinungalingan. Talo na nga siya for the second time, tini-twist niya pa iyong facts para palabasin na sila iyong nagtagumpay. So lalo itong humahaba, lalong… lalong maraming tao iyong mapapapaniwala niya sa mga bagay na hindi naman totoo.

    GMA-7: Ma’am, may mga nagko-comment din sa naging remarks ni Presidente. Pero as the Vice President, ano po ba ang gusto niyong sabihin sa ating Pangulo?

    VP LENI: Ako, lahat ko na nasabi—

    GMA-7: If there’s one thing you’d like to tell him now.

    VP LENI: Ako— Ako kasi, lahat ko na nasabi from the very start. Nag-uumpisa pa lang ng mga extrajudicial killings, I was very vocal already of my position na against ako sa kaniya, sa polisiyang iyan. Alam ko na hindi iyan iyong tamang paraan para sugpuin iyong problema. Wala na yata akong masasabing iba kasi nasabi ko na lahat. Lahat na… lahat na puwede kong sabihin sa kaniya nasabi ko na. Pero siguro pagpaalala na lang, na hindi lang kay Presidente pero sa aming lahat na mga public servants. Ang dami nating problema, huwag nating idaan sa pagkapikon, huwag nating idaan sa pang-iinsulto, kasi hindi naman ito nakakatulong. Bakit hindi na lang magtulungan para maghanap ng paraan para mas mapabuti? Kasi kung sarado tayo sa kritisismo, kung sarado tayo sa pagtulong ng iba, eh hindi tayo naghahanap ng paraan para mapagbuti iyong ating ginagawa. Okay?

    GMA-7: Ma’am, last na po. May lindol na naman po. Baka lang po mayroong mensahe kayo sa mga kababayan natin na biktima po ng lindol? Medyo malakas-lakas—may 6.8, may 6.4 po, Ma’am?

    VP LENI: Ito, nakikiisa tayo. Nakikiisa tayo sa ating mga kababayan na nabiktima. Ngayong umaga lang, mayroong napakalakas na lindol na naman sa Mindanao. Nakikiisa tayo, sana wala namang mga nasugatan, kasi iyong balita nga natin malakas siya. Pero panahon para balikan natin iyong mga paghahanda na itinuro sa atin. Kasi hindi natin puwedeng isantabi ito. Iyong lindol, napakahirap na sakuna, kasi hindi mo nape-predict kung kailan siya darating, so iyong preparation talaga na kinakailangan, napakahalaga.

    Iyong pagsunod— Halimbawa, iyong mga Building Code, iyong pagsunod ng Building Code, pagsunod sa mga existing na mga batas, pag-alala doon sa mga warning ng mga eksperto, kailangan seryosohin. Parati nating ninanais na sana hindi na ito masundan pa, kasi nakakadulot talaga siya ng pagkabahala sa ating mga kababayan.

    GMA-7: All right. Thank you very much!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Oct 28, 2019