This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the Meeting with MADA, the Naga City DDB, and CADAC

    Meetings with Mothers Against Drug Abuse (MADA) and the Naga City Dangerous Drugs Board (DDB) and City Anti-Drug Abuse Council (CADAC)

    Naga City

    GMA NEWS: Pero initially, VP, iyong data— Alam ko, Ma’am, you’re going to meet with them now. These groups, ang pangalan nitong mga groups ay— But these are groups related… na ang primary task is to fight iyong drugs?

    VP LENI: Itong grupo sa baba, ito iyong Mothers Against Drug [Abuse] (MADA). Ito talaga, in-organize ito matagal na. Ang naaalala nga nila, sila iyong isa sa mga invited groups noong pumunta dito si former President Cory Aquino after she was president, kasi mayroon siyang project dito with microfinance. Binuhay nila ito noong 2017, pero parang hindi kasi siya na-sustain. So ngayon, iyong pakiusap natin, parang maging parallel organization sila with the BADACs na tinututukan. Pero gusto kasi nating ma— Ang gusto nating mindset, parating… parating, ano eh, data-driven. Kasi may ten— Halimbawa ito, may tendency na may activities lang, pero hindi naman talaga nasusukat how effective the activities are. So ito, noong nagsalita ako sa loob, sinabi ko sa kanila na, una, balikan niyo, balikan niyo sa kaniya-kaniya niyong mga lugar iyong mga listahan, ‘di ba, iyong mga watchlist. Tingnan ninyo ano nang nangyari doon sa mga watchlist, kasi baka mayroong mga nandoon na hindi pa natutulungan. Kasi iyong pinaka-konsepto naman natin dito on the demand reduction, parang pagsagip, ‘di ba? Iyong preventive malaking bagay, pero pagsagip ng mga nangangailangan ng tulong. So sila, tinatanong ko sila kanina kung alam nila kung ano nang nangyari doon sa mga initial na listahan; hindi nila alam. So iyon iyong assignment ko sa kanila ngayon. Ang assignment ko sa kanila ngayon, the next time we meet—babalik ako dito on the 25th—the next time we meet, makuha na nila sa kaniya-kaniya nilang mga LGUs or DILG iyong listahan ng kaniya-kaniya nilang mga lugar. Para nalalagay lang sa isip na— Para hindi nagsasayang ng resources. Parating strategic iyong mga iniisip na galaw. So ganoon naman.

    Ngayon na aakyat ako sa Naga naman, iyong Naga City Dangerous Drugs Board, kausap ko din iyong mga kapitan. Kasi mag-a-ano din tayo, mag-i-inventory, “Active pa ba iyong mga BADACs niyo?” Kasi paminsan kailangan mo lang… kailangan may tumututok, eh. Kapag wala kasing tumututok, ang iba talagang natutulog. Saka iyong ano din, na bigyan sila ng mga examples ng mga best practices, lalo na on the prevention and community rehabilitation side. Kasi pinapakita talaga ng datos, whatever little statistics we have now, pinapakita na iyong pinakamalaking bahagi talaga iyong mga hindi naman nangangailangan ng confinement—whether rehabilitation or imprisonment. Iyong mas malaking grupo talaga, ito iyong kailangan lang ng community rehabilitation activities. So iyon iyong iche-check natin. Kasi parang hindi masyadong naging conscious—at least iyon iyong nakuha ko from iyong mga meetings with different groups—totoong maraming activities na ginagawa, pero hindi nila alam kung nagwo-work iyong mga ginagawa o hindi.

    Mayroon namang mga exemptions. Halimbawa iyong Caloocan, very, very good iyong program. May sinasabi sila, although hindi ko pa nabibisita, iyong GenSan. Iyong GenSan yata, Galing Pook awardee iyong anti-illegal drugs program nila. So ngayon, mayroon kaming team—lahat lang ito volunteers kasi wala naman akong… wala talaga akong additional na tao—may team of volunteers na dino-document iyong lahat na best practices na local, para ibangga natin doon din sa best practices ng ibang mga bansa. Hindi naman kasi tayo kailangan sumunod doon, pero at least mayroon na tayong mga lessons na puwede nating gawin.

    So ito, parang pinagsasabay namin iyong… pinagsasabay namin iyong pagplano sa supply constriction saka sa demand reduction. Sa darating na linggo… sa Monday, mayroon akong meeting with DOH. Pag-aaralan namin iyong mga problema sa rehabilitation, kasi during the first ICAD meeting, marami silang ni-raise na mga issues. Sa Tuesday may meeting ako with DILG; mas ano naman ito, mas pag-ayos ng data saka iyong community rehabilitation efforts sa mga LGUs. Mayroon din akong meeting with DDB, iyong Dangerous Drugs Board; pag-uusapan naman namin iyong mga recommendations—

    GMA NEWS: Today po iyong DDB?

    VP LENI: Hindi. Iyong today kasi iyong DDB ng Naga. Pero iyong DDB sa national, parang Wednesday yata. Wednesday iyong meeting ko with them. Ang pag-uusapan naman namin iyong PADS, iyong Philippine Anti-Drug Strategy, kasi mayroon na tayong magandang document na pinrepare nila. Mayroon lang akong mga… mayroon lang akong mga recommendations na pag-uusapan namin.

    So tuloy-tuloy ito. Balak natin magbisita sa ilang mga communities next week, kasi gusto nating makita firsthand kung ano iyong mga naging epekto ng mga programang inilunsad, at paano pa siya ma-i-improve. Hopefully mabisita natin na communities iyong mga may problema dati. So iyon iyong iche-check natin.

    GMA NEWS: Ma’am, based on iyong the initial… initial information, whatever available information you had na na-gather dito sa probinsya—let’s talk about Bicol Region muna or CamSur, the Bicol Region—kumusta po based doon sa assessment? Gaano katindi, or matindi ba, malaki ba iyong problema sa drugs dito sa Bicol Region?

    VP LENI: Malaki iyong problema dito. Noong congressman pa ako, I was chairman of the Regional Advisory Board ng PNP. Isa talaga iyong drugs sa mga malalaking problema. Lalo iyong Naga, Legazpi, kasi ito iyong mga transshipment, iyong malalaking cities dito, malaki iyong problema. Ang hindi ko lang alam kung after the campaign, lumaki pa ba o lumiit na, kasi I was not part of the campaign. Ano lang ako, outsider looking in. Pero ngayon na kabahagi na ako, iyon iyong gusto kong malaman. Gusto kong malaman kumusta siya after three and a half years, para mabalik lang ulit doon sa proper mindset na continuing na problema ito, so dapat iyong efforts continuing din.

    GMA NEWS: Ma’am, I know you don’t want to talk about the source, pero dito sa probinsya lang, Ma’am, sa Bicol Region, sa pagkakaalam niyo based on whatever intel that you can share with us, saan ho galing iyong drugs? Or paano iyong ano dito, iyong transactions?

    VP LENI: Actually iba-iba. Iba-iba iyong pinanggagalingan. Mayroong through the regular transportation methods—lalo iyong bus, kasi iyan iyong mahirap—

    GMA NEWS: Bus?

    VP LENI: —mahirap. Bus. Iyong mga public land transportation: bus, jeep… kahit iyong mga private na mga sasakyan. Iyon iyong mahirap sitahin. May mga— A few months ago ba ito o last year, mayroong mga… mga nakuha sa ports. Iba-iba talaga. And I think medyo common siya among cities, kasi iyong mga cities talaga, siya iyong parang nagiging center sa kaniyang lugar. So iyon iyong gusto nating— Actually iyon iyong aalamin ko today during the meeting.

    GMA NEWS: So when you say it’s bad, hindi tamang i-isolate din iyong Bicol Region? Na problematic on drugs?

    VP LENI: Hindi siya comparative sa iba. Ang sinasabi ko lang dito may problema din, hindi na mas malaki iyong problema dito over others, kasi wala pa akong datos na ganoon. Pero may problema din dito, na tingin ko common siya sa iba pang mga lugar. Gaya ng sinabi ko, iyong datos ko nakuha ko noong chairman pa ako ng Regional Advisory Council, na ano talaga siya, isang problema na kailangang tutukan. Naniniwala nga tayo na tama lang na isa siya sa mga priority ng pamahalaan, dahil problema talaga siya.

    BOMBO RADYO: Ma’am, iyong itinutulak niyo is health-based approach? Ilan po iyong budget na hiningi natin?

    VP LENI: Wala tayong hininging budget. Wala tayong hininging budget kasi iyong ICAD naman is an inter-agency task force. Mayroon ang ICAD na sariling budget, pero iyong mga agencies kasi na kabahagi sa ICAD, mayroon siyang kaniya-kaniyang mga budget. Nakalagay sa executive order creating ICAD na iyong mga budget ng mga agencies iyong gagamitin para sa pag-implement ng mga programs. Siguro, if at all, kailangan lang ayusin iyong plano, kasi baka kailangan i-realign iyong ibang budget ng mga departments.

    Kasi lumalabas ngayon, mayroong maraming pangangailangan na department, na kailangan dagdagan iyong— Halimbawa DILG, siya ang in-charge sa community rehab. Halimbawa, ang DOH ang in-charge sa in-patient rehab. So mas pagtingin doon. Halimbawa iyong… Halimbawa BJMP, ang reklamo ng BJMP saka ng ibang mga observers, nagkakahalo-halo iyong mga detention prisoners na drug-related iyong kaso saka hindi drug-related. So paminsan nagiging cause pa siya ng more problems, kasi kahit iyong mga hindi naman involved sa drugs before, nakakakuha ng bagong network sa loob. Iyong mga ganoon. So kailangan tingnan iyong budget kung tama. Halimbawa iyong Philippine Navy, iyong Coast Guard, iyong mga MARINA—tingnan kung sufficient ba iyong X-ray machines or radar para ma-prevent iyong pagpasok ng ilegal na droga. Halimbawa iyong mga airports, kailangan tingnan ano bang klaseng capability iyong kailangan para hindi tayo nalulusutan. Iyong isang isyu na na-raise during the meeting yesterday was marami nang pinapadaan ngayon sa mail, sa parcels, so kailangan pag-isipan paano iyon mache-check. Kasi, ‘di ba, uso na ngayon iyong online shopping, na hindi na dumadaan sa masusing, ano ito, pag-examine. So iyon iyong mga kailangan— Kailangan tapusin iyong plano para matingnan kung iyong budget bang allocated sa kaniya-kaniyang department, kasya pa.

    GMA NEWS: Sa mga ganoon, iyong online shopping, DTI papasok din doon, ‘di ba?

    VP LENI: Iyon nga. DTI is part of ICAD. Actually… actually maraming moving parts, eh. Maraming moving parts iyong kailangan para masugpo talaga iyong problema. Pero sa akin, as I have said before, optimistic ako, basta iyong support saka iyong cooperation ng lahat na agencies nandoon. Kasi ano naman ito, gusto nating ipahiwatig na problema ito nating lahat, eh. Hindi lang siya problema ng pamahalaan.

    GMA NEWS: Ma’am, iyong Oplan Tokhang, sabi ng PNP tuloy pa rin. Ano bang ano niyo? Kasi kayo naman, Ma’am, malinaw naman iyong position niyo.

    VP LENI: Malinaw naman. Ang ni-request ko sa kanila, to reassess. Ang ni-request ko, reassess. Sabi nila open naman sila to reassess. Sinabi ko sa kanila iyong aking agam-agam about it. Ano naman, naintindihan naman nila, and they promised na ire-reassess nila.

    GMA NEWS: But how far will you go, VP, in fighting for that aspect—iyong position niyo? Up to what extent, Ma’am?

    VP LENI: Ako, kailangan kasi maintindihan na in-appoint ako as co-chairman of an inter-agency group na policy-making lang. Wala naman sa akin iyong supervision ng PNP. Wala sa akin iyong supervision ng mga departments. So iyong sa akin, policy-making. Ipapahiwatig iyong palagay ko tama. Magre-recommend ng mga measures na palagay ko kailangang sundin.

    Pero at the end of the day, iyong ating Pangulo naman iyong magko-call the shots, kasi siya naman iyong sa law enforcement. Basta sa akin, sa akin, ang balak ko, every week magpapadala ako ng report sa Pangulo, with recommendations. So iyong sa akin, aware naman ako ng limitations ng aking posisyon. Pero sa akin, despite the limitations, gagawin ko iyong lahat na tingin ko puwede kong gawin. Eh ‘di kapag sinabi nilang hindi ko puwedeng gawin, eh ‘di okay. Pero hanggang binibigyan naman tayo ng pagkakataon na makapag-assess, makapag-recommend, gagawin natin iyon, kasi sineseryoso natin iyong trabaho.

    BICOL MAIL: Ma’am, sang-ayon ka na kailangan lagyan ng X-ray machine iyong mga bus terminal?

    VP LENI: Ang alin?

    BICOL MAIL: Bus terminal. Lagyan ng X-ray machines.

    GMA NEWS: X-ray machines sa mga bus terminals daw po.

    VP LENI: Kailangan. Kailangan, kasi proteksyon iyon ng lahat. Iyong sa akin lang, hindi lang sa mga bus, pero gawin iyong lahat na magagawa para mabawasan o ma-prevent iyong shipment ng ilegal na droga. Iyon naman iyong sa ating… iyon naman iyong sa ating parating ninanais, ‘di ba—hanapin iyong mga butas, hanapin iyong mga dahilan kung bakit nangyayari iyong nangyayari ngayon, and maghanap ng solusyon. Iyong sa akin naman, gaya ng sabi ko, isa lang ako sa maraming miyembro—40-plus members iyong ICAD. Dahil binigyan ako ng pagkakataon na mag-co-chair nito, iyong synchronization, harmonization ng mga ginagawa, iyon iyong ginagawa ko ngayon. Iyong pagsisiguro na iyong mga agencies hindi sila nagwo-work in silos, iyon iyong gagawin natin for a more effective implementation of the campaign.

    BOMBO RADYO: Ma’am, maiksing sagot lang: iyong paglalagay ng camera sa drug operation?

    VP LENI: Body cams?

    BOMBO RADYO: Opo.

    VP LENI: Ito, parati ko namang sinasabi dati na naniniwala ako na mahalaga ito, hindi lang sa kung ano pa man na rason, pero proteksyon ito—proteksyon ito ng mga law enforcement agents, na madalas din nagiging biktima ng… madalas ding nagiging biktima ng baseless na mga accusations. Ito, pag-protect ng integrity ng operations. And during the meetings naman, apparently programa na ito ng PNP. Apparently mayroon nang budget para dito. Naantala lang iyong pagbili dahil nagkaroon ng problema sa bidding. Pero parang wala namang debate on whether gagawin ito o hindi, kasi bahagi na talaga siya ng programa.

    GMA NEWS: Sorry, Ma’am, just to follow-up lang: Iyong— When are you— Are you drafting the first report already to the President?

    VP LENI: Napadala na namin. Napadala na namin iyong first report. Siguro by middle of next week, ipapadala na namin iyong second report. Gusto ko lang na alam ni Presidente iyong lahat na nangyayari, lahat na—

    GMA NEWS: Wala pa siyang reply, VP?

    VP LENI: Hindi ko lang alam. Hindi ko alam kung mayroon na sa office. Pero iyong sa amin kasi, baka hindi rin kailangan ng reply, kasi mas report lang iyon ng mga ginagawa ko saka recommendations.

    REPORTERS: All right. Thank you, Ma’am.

    [GMA News asks additional questions about meeting with other agencies, governments]

    GMA NEWS: —a meeting with you?

    VP LENI: Marami na, actually, pero pina-prioritize iyong— Kasi gusto ko munang makuha iyong buong picture. Ang dami pang kailangan.

    GMA NEWS: Are you willing to sit with your counterparts? Sit with your counterparts—iyong sa China, halimbawa?

    VP LENI: Mahalaga lahat. Pero pina-prioritize lang natin muna ngayon iyong mga dapat. Para sa akin kasi, ang priority ngayon iyong mga clusters sa ICAD, saka iyong mga iba’t ibang mga opisina. Kasi iyon naman iyong pinaka-trabaho ko, iyong synchronization ng lahat.

    GMA NEWS: Thank you, Ma’am. So wala pang bansa bukod sa US?

    VP LENI: Wala pa.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Nov 14, 2019