This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the Navotas Fish Port Complex

    Visit to Market 3, Navotas Fish Port Complex

    ABS-CBN: Vice, diretso na: Iyong sa hindi daw po Cabinet position, ano po ang masasabi niyo dito?

    VP LENI: Iyong sa akin lang, pagtanggap ko ng trabaho, walang—hindi nagma-matter kung Cabinet post iyon o hindi. Basta sa akin, pagtanggap ko ng trabaho, talagang ano na, full steam ahead: first day pa lang ng pagtanggap ko, nagtrabaho na ako. Papabayaan ko na lang sila kung hindi pa nagkakasundo kung ano ba talaga iyong… ano iyong kaakibat ng assignment ko. Basta ako, ginagawa ko iyong lahat, whether miyembro ako ng Cabinet o hindi.

    ABS-CBN: Ma’am, ang concern ng Malacañang, iyong communication niyo with foreign institutions. Dapat ba silang mabahala doon?

    VP LENI: Hindi ko naiintindihan kung bakit nababahala. Alam naman natin na iyong problema sa droga, lalo na sa supply, ano iyon, transnational. Nanggagaling karamihan sa ibang bansa, na kailangan tayong makipagtulungan sa ibang bansa. Hindi natin kayang i-constrict iyong supply kung wala tayong pakikipagtulungan sa ibang bansa, kaya napakahalaga iyong partnership natin with other foreign governments.

    GMA NEWS ONLINE: Ma’am, kinakausap niyo daw po iyong mga tao na, kumbaga, na-prejudge na iyong drug war?

    VP LENI: Hindi ko alam kung sino iyong gusto nilang sabihin. Siguro tanungin sila kung sino sa mga kinausap ko iyong nag-“prejudge” na. Kasi iyong mga kausap ko naman, halimbawa iyong UN, halimbawa US government, matagal na iyong partnerships with government agencies, even before pumasok ako.

    ANC: Ma’am, how do you feel about this, ano, iyong it seems that iyong attitude ng iba niyong kasama sa ICAD, there’s a lot of pushback? Una, they announced that you had a Cabinet rank; ngayon, biglang binawi. Tapos ang dami niyong kasama sa ICAD, sinasabi na huwag—“walang laglagan”, tapos hindi kayo puwedeng mag-reveal ng high-value target list. Kumbaga, there’s so many pushback. So how are you dealing with this?

    VP LENI: To a certain extent, expected natin. To a certain extent, expected natin, kasi from the very start naman, iyong wina-warn tayo about the sincerity of the offer. Siguro iyong sincerity sa offer, baka nakikita natin how the agencies are reacting. Pero iyong sa akin kasi, ayaw kong… ayaw kong magsayang ng oras. Ayaw kong magsayang ng oras na makipagpaligsahan sa mga may… may pag-aalinlangan na mag-cooperate. Basta sa akin, ang mahalaga sa akin, mas maraming ahensya ang gustong mag-cooperate. Kaya iyon iyong aking pagtutuonan ng pansin. Totoong mas magiging mahirap iyong trabaho, pero sanay naman tayo na nagtatrabaho given the limitations that are there. Sa akin naman, noong tinanggap ko iyong trabaho, alam kong maraming factors ang hindi ko kontrolado.

    Pero iyong sa akin, iyong lahat na oras halos ng the last two weeks, talagang ginugugol ko sa pag-aayos ng paglatag noong kampanya. Kasi iyong pinaka-trabaho naman ng ICAD, magkaroon ng synergy between the agencies, ma-harmonize, maayos iyong interrelations between the agencies. Iyon iyong ginagawa ko ngayon. Yesterday nandoon ako sa DOH, kanina nandoon ako sa DILG, bukas nandoon ako sa DDB. Nagkakausap din ako ng mga local government units, gaya dito, para naiintindihan iyong realities on the ground, at nakikita kung ano pa ba iyong mga gaps sa kampanya.

    Sa akin naman, nakikita ko na while marami pang kakulangan, marami namang mga ahensya, gaya ng DOH saka DILG, na marami na din iyong binuhos na effort, na kailangan lang talagang ayusin iyong synergy between the… between the agencies, para mas maging effective iyong pag-attain ng objectives.

    ANC: Pero, Ma’am, until now do you feel na parang sinusukat pa rin kayo? Even by your co-chairman?

    VP LENI: Sa akin kasi, problema nila iyon. Iyong pagsukat nila sa akin, problema nila iyon. Hindi ko iyon problema. Basta ako, ang inaasikaso ko iyong trabahong binigay sa akin. Hindi ko na problema kung haharangan nila. Hindi ko na problema kung hindi pa din sila nagkakasundo kung ano ba talaga iyong role ko. Basta sa akin, whatever I can do now, I will do. Kapag harangan nila, hindi ko na iyon problema. Basta sa akin, lahat na puwede kong gawin, gagawin ko.l

    ANC: Ma’am, nag-apologize na pala sa inyo si, ano, si Undersecretary Echiverri?

    VP LENI: Hindi naman siguro kailangang— Hindi naman kailangang mag-apologize, kasi gaya ng sinasabi ko parati, iyong sa akin, kapag ako nag-accept ng isang trabaho sa gobyerno, wala sa aking ego. Hindi ko pine-personal iyong mga pinagsasasabi nila. Ang mahalaga sa akin, na nagagawa ko iyong trabahong binigay sa akin. Tingin ko hindi ko problema kapag namomroblema sila sa akin. Kaya nga tinatanong ko kung handa na ba sila para sa akin, kasi sa akin, handang handa ako sa trabahong ito.

    GMA NEWS: Vice President, Secretary Panelo mentioned that you will not be allowed to have access to classified information, because ang sinasabi po nila, the President has some issues about trusting you with classified information because it’s so easy for you daw—you tend to be generous with information that is being given to you to other people, na it might be detrimental to not just the people, but to the country in general.

    VP LENI: Iyong sa akin, kung wala silang tiwala, bakit nila ako dinesignate? Kasi dinesignate nila ako as co-chair ng ICAD, isa sa mga kailangan kong gawin, masigurado na iyong nasa listahan na mga high-value targets, mahuli. Kung ipagkakait nila iyong impormasyon, nasa sa kanila iyon. Basta ako, noong tinanggap ko ito, buong puso, iyong lahat na makakaya ko, ibibigay ko.

    Iyong sa akin lang, from the very start, nagke-claim sila ng sincerity sa pag-designate sa akin. Iyong sincerity, hindi iyon pinapakita sa salita, pero pinapakita iyon sa gawa.

    GMA NEWS: So, Vice President, Ma’am, will you insist on getting a copy of the HVTs for your campaign or for your programs to be accomplished? Kasi how will you be able to accomplish these things if you won’t be able to get a copy of the HVTs?

    VP LENI: Ako, I will try as much as I can para makuha iyong mga datos na kailangan ko. Pero again, naiintindihan ko na nasa sa kanila iyon. Hindi ako magsasayang ng oras makipag-away. Hindi ako magsasayang ng oras para, again, makipagpaligsahan. Basta ako, iyong magagawa ko ngayon, gagawin ko. Hindi ko na problema kung may mga ayaw silang ibigay. Basta ako, we’ll work with whatever is given to me. Ganoon naman ako magtrabaho—never akong… never akong naghanap ng titulo, never akong nag-demand ng anything. Noong tinanggap ko ito, hindi ko nga tinanong kung ano iyong extent ng aking assignment. Basta sinabi nilang ICAD co-chair, binasa ko kung ano iyong obligasyon ng ICAD. At ako, iyong heart and soul ng aking designation, ginagawa ko ngayon.

    PHILIPPINE STAR: Ma’am, may— From Philippine Star po, for Metro lang: Market 3 has been hard-hit by the war on drugs, and by choosing to visit the place, what message would you like to tell the victims of Tokhang in the past, or police operations?

    VP LENI: Actually itong Market 3, itong binibisita nating lugar, marami siyang problema. Marami siyang problema, kasi iyong lahat na nakatira dito, hindi kanila iyong tinitirikan nila. Marami sa kanila ang umaasa sa port sa kanilang hanapbuhay. Marami sa kanila mahihirap. Marami sa kanila ordinary laborers. Iyong pinaka-basic nga nilang mga problema, tubig, ano, banyo, iyong daanan ng mga estudyante nila. So talagang kombinasyon siya ng mga pinaka-basic needs, na noong pumunta sila sa opisina na humihingi sila ng tulong, talagang nagdesisyon akong pumunta dito, kasi isa iyong— Iyong presence kasi ng government official, napakahalaga sa mga tao, na i-assure sa kanila na hindi sila nakakalimutan at may nag-aasikaso ng problema nila. Hindi madali iyong problema nila, pero I think iyong first step, na maramdaman lang nilang nakikiisa tayo at ginagawan natin ng paraan, malaking bagay for them.

    Addition na lang iyong nalaman natin na malaking problema din ang droga dito sa lugar. So iyon, isa din sa mga… isa din sa mga incentive na mas maging active kami dito, na gawin na community activity talaga iyong pagsugpo, na hindi lang iasa sa mga authorities. Lahat naman… lahat naman nag-a-agree na iyong problema ng droga dito, parang nanganganak pa siya ng ibang mga problema, kaya kailangan talagang pagtuonan ng pansin.

    GMA NEWS: Ma’am, one last: iyong— Malinaw na po ba ngayon iyong hatian niyo ni Aaron Aquino ng PDEA? Kasi nagkausap na rin naman kayo. Kanina nagkausap din kayo naman ni Secretary Año. So mas malinaw na ba iyong delineation ng tasks?

    VP LENI: Actually, sa akin kasi, kapag magkaharap kami, wala namang problema. Kaya paminsan nagugulat ako kapag nababasa ko sa media na may problema pala. Kasi kapag nagmi-meeting naman sa ICAD, klaro… klaro iyong… klaro ano iyong expectations sa trabaho. Kung mayroon mang resentment sa aking appointment as co-chair, palagay ko dapat hindi sa akin iyon i-raise, kasi hindi ko naman hiningi iyong posisyon na ito. Tingin ko kailangan iyong i-raise sa Pangulo, kasi siya naman iyong makakapagsabi kung ano iyong intent ng pag-designate sa akin na co-chair. Pero ako, ever since, kahit gaano kaliit ng trabaho na binibigay sa akin, parati kong sineseryoso.

    GMA NEWS: So you think they weren’t ready for your “yes” answer?

    VP LENI: Hindi ko alam.

    GMA NEWS: They didn’t expect it?

    VP LENI: Hindi ko alam… Parang ano kasi, baka hindi, baka hindi dahil every day iba iyong statement. Naaalala ko, last week parang kinakantiyawan ako kung bakit hindi ako nag-attend ng Cabinet meeting, tapos yesterday hindi pala ako member ng Cabinet. So… Sa tingin ko kasi, hindi ito iyong importante. Iyong importante dito, magampanan ko iyong trabaho na ibinigay sa akin.

    ABS-CBN: Ma’am, ano na ba, kumusta na ba iyong work niyo as ICAD co-chair? Anong progress? I understand may report na rin kayong sinubmit kay Presidente.

    VP LENI: Nakadalawa nang report. Nakadalawa na kaming report. Iyong first week saka ito, iyong second week. Iyong pinaka-progress niya talaga, nagiging malinaw na iyong… nagiging malinaw na kung saan iyong gaps. At ang nakikita talaga natin na gaps, parang iyong mga agencies, karamihan nagwo-work pa in silos. Gustong sabihin, na while ginagawa iyong mga trabaho, hindi pa siya in… parang, interrelated sa trabaho ng ibang agencies, kaya mayroong mga… parang mayroong mga gaps na nangyayari. So ngayon, iyon iyong ginagawa natin. Sinusubukan nating ma-fill up iyong mga gaps. Sinusubukan nating masagutan iyong realities on the ground. Ang dami pang kailangang gawin. Halimbawa sinabi ng agencies na for them to be able to do what they intend to do, kailangan talaga nila ng budgets—hindi budget for ICAD pero budget for the agencies, lalo na ang DOH, lalo na ang BJMP, lalo ang DILG. So ang proposal ko nga, gumawa kami ng separate presentation just for the campaign against illegal drugs, para ma-appreciate ng DBM, ng Congress, kung ano iyong saysay ng mga hinihingi nilang budget. Kasi halimbawa, kung ang question capability para gawin iyong mga plano, maraming mga agencies ang kulang pa iyong capability kasi kulang iyong budget. So isa iyon sa pinakamalaki.

    Pangalawa, ang daming mga bills na kailangang i-file sa Congress. Ito, mayroon na tayong… mayroon na tayo ngayong collation, pero kailangan formally pag-usapan sa Justice Cluster, para i-present natin sa Congress as a package. Kasi maraming mga batas na kailangang i-enhance, para iyong mga agencies magawa iyong kanilang mandato.

    So marami pa, marami pang kailangang gawin. Pero ang tingin ko naman, on the right track. Very optimistic ako. Inaayos natin iyong database. Mayroong iba-ibang database iyong iba-ibang agencies. Ang ating… ang ating aim: magkaroon ng common database for all. Tapos magkaroon ng common na sukat kung mayroon bang headway tayong nagagawa. Kasi mahalaga iyon, para ma-assess natin kung iyong ginagawa natin nagiging effective o hindi.

    OVP: Last question, Christian?

    ANC: Ma’am, last. I’d like to ask about iyong trust issues between you and your co-chair, kasi with what he has been saying, sabi niyo iba iyong demeanor kapag magkaharap kayo, iba kapag sa media. So kayo, personally, do you trust him?

    VP LENI: Ako, wala naman akong choice kundi tiwalaan iyong mga kasama ko saka sistema, dahil ito iyong magiging katrabaho ko. Kaya sa akin, noong tinanggap ko iyong trabaho, ang parating… ang parating presumption, na lahat kami nandoon para gawin iyong trabaho namin the best way we can, regardless of our differences, regardless of our political inclinations. Kaya ako, noong ginawa ko iyong trabaho ko sa ICAD, walang politika iyon. In fact, araw-araw mayroon akong at least isa na agency na kausap. Pero kapag nag-uusap kami, walang pinag-uusapan na disagreements; ang pinag-uusapan namin, parating moving forward. At so far, iyong mga meetings naman, iyong mga nakakausap ko, lahat naman cooperative, lahat nagshe-share ng optimism na papunta kami sa tamang landas.

    OVP: Okay? Thank you, Madam Vice President!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Nov 18, 2019