This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the Office of the Vice President

    8 July 2016

    Q: Sa conference, sinabi ni President Digong, regarding the ISIS death attack on Davao. Sinabi niya, kung sakali man daw na mamatay siya, eh may VP naman daw. Pero may succession, natitiyak niya na kayo ay kokontra rin sa ISIS.

    VP Leni: Oo naman.

    Q: So iyong first question ko, Ma’am, ano po ang reaksyon niyo na talagang ano na siya, kumpiyansa na siya sa inyo? Kampante siya na kung sakali ngang iwanan niya ang bansa eh magiging maganda naman ang kalagayan sa inyong kamay.

    VP Leni: Actually sinabi niya din iyon sa akin. Ang pinakauna ay iyong pagbisita ko sa kanya sa Malacañang, sinabi niya sa akin na he would prefer na umuupo ako sa cabinet meetings.

    Tapos umuupo ako sa mga security briefings at iyong mga bagay na nalalaman niya ay mas mabuti na alam ko rin para handa lang parati.

    Tapos kahapon noong tinawagan niya ako to offer the HUDCC position, inulit niya. Sabi niya over the phone na maraming naa-alarm na parang increase na security threat. Ang sabi ko sa kanila lahat, bakit ba sila nag-aalala nandiyan ka naman?

    Naalala ko iyong sagot ko sa kanya, sabi ko huwag Mr. President, kailangan mag-ingat pa rin kasi kailangan pa kayo ng bansa.

    Palagay ko iyon naman ang pakiramdam nating lahat, totoo na may succession under the Constitution. Pero ang binoto ng tao sa pagkapangulo ay si Pangulong Duterte.

    Tingin ko naman lahat ng bumoto sa kanya at saka iyong lahat ng Pilipino, kung sino ang pinili ng tao iyon naman ang mag-finish ng kanyang term. Kaya kung ako, totoong maraming mga threats pero mas mabuti na nag-iingat pa rin.

    Q: Ma’am, nabanggit ninyo na po iyong phone call ni President Duterte kahapon? Ang nakita lang po kasi ng lahat ay iyong pagtawag niya sa inyo. Pero hindi po namin naririnig kung ano ang mga sinabi ninyo sa kanya. So paano po ang mga sinagot ninyo doon sa conversation?

    VP Leni: Actually iyong sinabi niya na kung gusto ko ang Housing, ang sabi ko sa kanya oo naman po kasi matagal na po naming adbokasiya iyan ng yumao kong asawa.

    Tapos noong sinabi niya na, hindi ko maalala iyong exact na sinabi niya pero when he was offering the post, ang sabi ko sa kanya, hindi ko kasi alam na he meant right then and there.

    Ang sabi ko sa kanya, ok po Mr. President, next week po magpapa-set ako ng schedule diyan sa inyo, sa office ninyo, bibisitahin ko po kayo para pag-usapan iyong parameters.

    Sabi ko, kung busy po kayo, kahit si Sec. Bong na lang. Parang ang sinagot niya sa akin, parang hindi na kailangan or saka na basta parang tanggapin na.

    So sabi niya, puwede ko bang i-announce na? Ang sabi ko sa kanya, kasi parang sa akin, usual namang pag-usapan kung ano ang terms of engagement, ano ang expectations.

    Then mukang desidido siya. Ang sa akin naman kasi hindi naman ako umuurong sa trabaho. Tingin ko ang posisyon na i-noffer sa akin, isang platform para lalo akong mas makatulong lalo na kasi Housing ito. Ito talaga ang issue na very close to my heart.

    Hindi lang dahil sa advocacy siya ni Jesse pero dahil sa matagal na panahon ko sa civil society, matagal na panahon ko sa Saligan as an alternative lawyer, isa talaga ito sa pangunahing issues na ipinaglaban.

    So ngayon na binibigyan ako ng pagkakataon, sabi ko naman sa sarili ko, “Aayaw pa ba ako eh ibinibigay na sa akin iyong opportunity?”

    Q: Ma’am, ano po ang magiging priority ninyo sa HUDCC?

    VP Leni: Ito marami, ang pinaka-mandate lang naman talaga o pinakadahilan kung bakit pinili ang HUDCC ay makapagbigay ng recent housing lalo na doon sa mga mahihirap.

    So kung papaano ito ibibigay, iyon ang pag-uusapan. Actually ngayong hapon magkakaroon na ako ng meeting with the HUDCC officials. Nandiyan sila sa kabila.

    Pag-aaralan ano ang sitwasyon na dadatnan? Ano ang mga kailangang gawin? Kasi ngayon naman, ako marami na akong idea na ano ang nangyayari, ano iyong ayaw na nating mangyari.

    Halimbawa, iyong pagpoproseso ng mga papeles sobrang daming opisina, sobrang daming tao, sobrang daming pirma ang kailangan na iyong pakiramdam ko lang, kung gusto nating panilbihan iyong mga mahihirap sana huwag na silang mahirapan pa. So titingnan namin kung papaano mas ma-ststreamline ang services. Para hindi mahirap.

    Marami pa akong kailangang pag-aralan. Actually kagabi at saka kanina pinag-aralan ko na iyong mga documents ng opisina. Pero iba pa rin kapag kausap ko na mismo iyong HUDCC family.

    Q: Ma’am ano ang gusto niyong bigyan ng priority with the houses for the informal settlers? For the victims of natural disasters?

    VP Leni: Ako pareho. Tinitingnan ko iyong paper na ibinigay sa akin. As of now iyong backlog, nasa 1.4 million. 1.4 million na houses ang kailangan. That’s 1.4 million families.

    Halo ito, mayroon iyong either victims ng calamities, mayroong homeless, mayroon iyong mga nakatira sa mga delapitated na mga houses na not fit for, natirhan na. Halo ito.

    So ang kailangan kong aralin ay ano ba ang status nito? May nagawa na ba? Naumpisahan na ba? May on-going ba?

    Pero tingin ko ang pinaka-target at the end of 6 years kung nandoon pa ako at the end of 6 years, at least sana ma-satisfy ang back log. Puwera sa backlog, kasi hindi sa akin klaro kung iyong 1.4 as of when, pero nakita ko iyong projected nila, magkakaroon pa ng additional na 5.5 million na pangangailangan.

    So ang laking challenge. Considering na kaunti lang naman ang budget ng opisina. So papano iyon gagawin?

    Q: Would you ask for additional budget ma’am?

    VP Leni: Kung kailangan. Siguro hindi muna ngayon kasi hindi ko pa naman alam. Kasi HUDCC naman is just a coordinating council.

    There are so many other agencies under it. So baka iyong mga ahensyang under it ang mangangailangan ng budget.

    Pero ang purpose ng briefing ng HUDCC sa akin ngayong hapon ay para alam ko lang where we stand on so many things.

    Q: Ma’am nagulat ba kayo sa change of heart ni Pres. Digong? Samantalang a week ago siya iyong nagsabi na maghiwalay kayo ng Inauguration.

    VP Leni: Parang hindi na ako nagulat noong tinawagan niya ako kasi when I visited him in Malacanang, parang he already told me na I want you to be a part of my Cabinet. Although ako kasi parang medyo naalangan ako doon kasi baka akalain ni Presidente, ang dahilan ng aking pagbisita ay mag-aapply ng trabaho.

    So ang sagot ko ata sa kanya, “Mr. President, that’s not what I came here for po.”

    Tapos inulit niya ulit, “I want you to be a part of my cabinet.”

    Tapos ang sabi ko, “Basta Mr.President, with or without a Cabinet post, you have my full support.”

    Ang sabi niya pag-aaralan niya kung ano ang mga available. Ang sabi niya give me one week. Pero ako, hindi ko naman siya masyadong, I didn’t give it much thought kasi alam ko na marami namang pangalan na kino-consider.

    So when he called me up yesterday, parang hindi na masyadong nagulat.

    Q: Ma’am saan niyo ina-attribute iyong change of heart niya?

    VP Leni: Kasi ang alam ko naman, kaya hindi niya ako kinonsider before, kasi hindi kami magkakilala. Which was understandable.

    Kasi if you are appointing a member of the Cabinet, dapat full trust and confidence mo iyon kasi siya ang magiging alter-ego mo.

    Siguro noong nakilala niya na ako, iyon naman. Iyon ang nag-pave way kung bakit may change of heart.

    Q: Ma’am kanino po kayo magrereport ng inyong…. Kasi we understand that some agencies are now under Sec. Evasco, parang shortening nga the processes…

    VP Leni: Oo. Ako naman actually, iyong EO1, that’s what I have always wanted to do diba? Parang during the campaign, I’ve said that often enough na iyon ang dapat gawin.

    Na kailangan talagang pag-isahin or at least man i-incline iyong functions ng maraming mga agencies na nag-ooffer ng anti-poverty programs.

    So I think iyong sa issue ng sa EO1 was it was a good start. Dati naman mayroon tayong parang social, human development cluster na parang ganoon din, the human development cluster then was held by Sec. Dinky Soliman.

    Sa akin naman, I don’t mind reporting to anyone else eh as long as you get the job done. It doesn’t matter naman kung kanino nag-rereport.

    Q: Ma’am bago po iyong phone call sa inyo ni President Duterte, may fillers na po ba na iyong HUDCC po ang i-aalok ni Presidente?

    VP Leni: Actually wala. Walang fillers na ganoon. Pero tingin ko kasi alam niya naman. Alam niya naman ang advocacies ko. Alam ng mga people working for him at saka siguro nagtanong.

    So when they said HUDCC, parang ok na ok sa akin. I was expecting nga na i-didiscuss namin iyon, pero ang sabi niya huwag na or saka na. Hindi ko maalala. Pero ang sabi niya, can I announce it already?Interview with VP Leni at the Office of the Vice President

    Posted in Transcripts on Jul 08, 2016