This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at Pateros

    Office of the Vice President

    30 June 2017

    Q: Ma’am, ano po iyong pinagpaliban niyo ngayon? VP LENI: Ginagawa na naming regular na once a month na activity na isang mahirap na community dito sa Metro Manila. Mapuntahan, maghanap ng pamilyang puwedeng tulungan. Ito iyong na-identify ng staff na kailangan talaga ng tulong, pangkabuhayan, pati sa health. Kasi nastroke na iyong lalaki, iyong babae, halos hindi na makakita, pati yung isang anak, hindi na makakita. So inassess lang natin, ‘ano ba yung mga kailangan?’

    Q: Ano po iyong assistance, Ma’am, na binibigay po natin? VP LENI: Ito kasi, depende sa pangangailangan. Gaya nitong family nito. Ang pinagkakakitaan lang nila, nag-fishball vendor. Iyong problema nila kasi, wala silang permanenteng pwesto sa munisipyo. Buti kasama natin ngayon si Mayor. Si Mayor nangako din, na hahanapan sila, na hindi na sila paaalisin. Iyong tatay, na-stroke. Na-semi-paralyze iyong katawan, pero walang maintenance medicine. Iyong nanay naman halos hindi na nakakakita, tsaka iyong isang anak, hindi siya nakakakita. Hindi pa siya nakakapag-pa-checkup. So iyong promise natin, dadalhin natin sila sa espesyalista sa mata, pati iyong anak para matingnan. At iyong tatay rin mabigyan ng reseta para sa maintenance medicine. Lima iyong anak. Except yung panganay, lahat pa nag-aaral. Iyong assistance natin, bibigyan natin ng dagdag na kapital. Pero tututukan natin para siguradong ma-maximize naman iyong tulong na mabigay. Ano naman, nakatulong na kasama natin si Mayor kasi mayroon silang pangangailangan na munisipyo ang makakasagot. Iyong bahay, hindi maayos. Siya iyong tipong kapag umuulan sa labas, umuulan din sa loob. Gusto nating tulungan pagpaayos. Pero apparently, hindi kanila iyong lugar. Buti nandito iyong may-ari ng lugar, so ipagpapaalam din natin kung puwede natin ipaayos iyong bahay na walang threat na papaalisin agad sila.

    Q: Ma’am, matuturing niyo po ba na isa po iyan sa mga accomplishment ninyo sa 1 year ninyo po of service? VP LENI: Siguro hindi pa accomplishment kasi masasabi lang natin na accomplishment kapag nakatulong na tayo mag-improve ng buhay. Parang ngayon, tinitingnan pa lang natin kung paano tayo makakatulong. Pero malaking bagay na nakikilala natin iyong mga ganitong communities, ganitong mga pamilya para alam natin kung paano makatulong. Mahirap kasing hindi nakakausap. Mahirap na hindi nakikita na personal kasi mas nakakapag-empathize tayo, mas nakikita natin kung ano yung klaseng tulong na pinaka- hindi lang iyong maaappreciate, pero iyong makaka-make ng difference sa buhay nila.

    Q: Pero, Ma’am, this is only one of the few things you do as the Vice President, so ano po yung assessment niyo sa first year niyo as VP? VP LENI: Iyong first year kasi namin, most of the time, ginugol namin sa paghanap ng communities na nangangailangan ng tulong; and for the past 11 months all over the country kami, naisipan lang namin na mag-devote din ng at least once a month para dito sa Metro Manila. Kaya iyong last month- ay hindi, ngayong month din pala. First week of June, pumunta din kami sa dagat-dagatan sa Caloocan. May binisita din kami na mahirap na community doon. At nakita namin ang mga pangangailangan pati sa pabahay. Ito rin iyong pangalawang tiningnan natin. Pero iyong first 11 months na pag-ikot sa buong Pilipinas. Iyong marami pa talagang communities na unheard-of, iyong mga hindi nararating. Marami kaming naaabot na parang una kaming National Government Office na nakaabot doon. Dahil wala namang pondo iyong opisina namin para sa pagpagawa ng proyekto, bawat baba naming may partners kaming kasama. Kaya iyong pagbaba namin dito, maliban, maliban sa Municipal Government of Pateros, marami kaming partners na kasama na maaaring makapagbigay ng kabuhayan, maaaring makatulong sa ibang mga bagay na pangangailangan dito. Ano din, marami na iyong nadalang tulong pero mas marami pa iyong kailangan kaya siguro sa next. Ito, iyong pangalawang taon, kasi ito iyong anniversary ng panunugkulan namin. Siguro sa susunod na taon, ganoon pa rin iyong gagawin, lalo sigurong mas papaigtingin, mas lalong sisipagan sa paghanap ng partners kasi napakarami’t parang bawat baba kahit iyong sadya mong magdala ng tulong mas marami iyong pangangailangan na nakikita. So, iyon siguro iyong pagdedevotan naming ng mas maraming oras, papaano mas makatulong pang lalo.

    Q: Ma’am, in a scale of 1-10 po, how would you rate President Duterte’s first year in office? VP LENI: Palagay ko unfair naman kay Pangulo kung ako iyong mag ge-grade sa kaniya. Basta iyong sa akin, maraming magagandang ginawa, marami ding pagkukulang, pero sa akin iyong mga pagkukulang, pagtulungan na lang natin lahat. Kasi iyong, iyong success naman ng administrasyon na ito para din sa atin ito lahat. Kung ano iyong matutulong, hindi lang ako pero kung ano iyong matutulong ng bawat isa sa atin para maging matagumpay iyong pamumuno ng ating Pangulo dapat gawin natin kasi iyon naming iyong ating obligasyon.

    Q: Ma’am ano po iyong mga pagkukulang na sinasabi ninyo? VP LENI: Marami namang pagkukulang parati iyong pamahalaan, sa dami ng pangangailangan ng ating kababayan talagang kahit gaano kasipag siguro, kahit gaano kadami iyong tinutulong parating kulang. Kaya mahalaga na pinagtutulungan natin lahat kasi hindi naman kaya ng pamahalaan na siya iyong sasalo ng lahat. Kaya iyon din iyong ginagawa natin sa Angat Buhay na parang ginagawa natin itong venue para iyong private na citizens makatulong sa pagkukulang ng pamahalaan. Parang siya iyong nag fi-fill in noong mga gaps na hindi naibibigay.

    Q: Ma’am kayo po personally, rating ninyo po sa inyong sarili? VP LENI: Naku mahirap, kasi siyempre bias ako pero iyong satin parati ring kulang. Siguro hindi nagkukulang sa sipag pero sa dami ng kailangang tulungan, kulang pa din. Kahit, kahit ginugugol natin iyong malaking chunk ng ating oras sa, sa pagbaba, kulang pa din iyong oras. Kaya iyong satin lang naman, parating gusto natin ma-inspire iyong ibang tumulong para… walang dahilan eh, walang dahilan na hindi tayo magtagumpay kung tayo’y nagtutulungan.

    Q: Thank you, Ma’am!

    Posted in Transcripts on Jun 30, 2017