This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni in Puerto Princesa, Palawan

    Puerto Princesa, Palawan

    REPORTERS: Good morning, Ma’am!

    VP LENI: Good morning, good morning.

    REPORTERS: Happy birthday, Ma’am!

    VP LENI: Salamat, salamat!

    REPORTER 1: Belated happy birthday po!

    VP LENI: Thank you!

    REPORTER 2: Ma’am, Daniel Lacasa from Radyo Pilipinas. We’ve heard about the success of the Angat Buhay—

    VP LENI: Yes.

    REPORTER 2: And then naging mapalad din po ang mga taga-Agutaya to have that. May plano ho ba tayo na mas—

    VP LENI: I-expand?

    REPORTER 2: I-expand pa natin sa Palawan iyon?

    VP LENI: Actually, mayroon na kaming ibang lugar na binisita dito. Halimbawa, isa dito iyong Culion. May binisita kami na isang barangay doon—farming community—na gusto din naming tulungan. Kaya lang mina-manage kasi namin kasi wala kaming sariling pondo for programs. Pero iyong Agutaya kasi naging napakaganda niyang showcase dahil iyong collaboration talaga ng government and the private sector— Actually, iyong participation nga lang doon ng government—kami—ang participation lang namin parang kami lang iyong nag-aahente, kami iyong naghahanap ng mga puwede naming dalhin doon. Iyong pasalamat lang namin kasi iyong realization talaga ang dami namang gustong tumulong, hindi lang alam kung papaano. Iyong Agutaya kahit sobra niyang hirap puntahan, iyong mga partners na napunta na doon, hindi lang iyong pledge nila iyong ginagawa nila kundi iyong ibang mga nakikita nilang mga pagkukulang. Halimbawa, iyong feeding program, iyon nga, iyong minention ko kanina, toy library, iyong school supplies para sa mga bata, iyong mga boats hindi na lang siya fishing boats pero ginagamit din siyang pang-transport ng mga bata papunta doon sa isla kung nasaan iyong paaralan. So marami nang nangyayari.

    Pero ito, tingin ko to a very large part, dahil din sa local government ng Agutaya. Si Mayor, napakasipag. Nire-require kasi namin iyong adopted communities namin, sumali sa aming Bridging Leadership program kasi iyong tinitingnan naman namin, wala naman kami diyan forever. So iyong sa amin sana, iyong absorptive capacity noong local government unit, iyong sustainability noong program, si Mayor, sobrang sipag niya. So… so iyon din iyong nakapagaan ng trabaho namin. Marami pang pagkukulang doon. Parang four barangays pa lang iyong natutulungan natin. Marami pa kasing ibang maliliit na isla. Pero hopefully, iyong target namin sana mga 70 percent ng buong town iyong ma-energize. So ngayon, more than 400 households na, naghahanap pa kami ng more partners para madagdagan pa.

    REPORTER 2: Vice, follow-up lang ho, sinasabi ho kanina napakaganda po na the Agutaya has energized 400 households. Mayroon ho kayong binabanggit kanina, Vice, very, ano ito, very important—iyong sinasabi niyo po na potable water for them na nakikipag-ugnayan kayo sa Soriano Foundation. When would that be? As soon as possible?

    VP LENI: Iyong target niya talaga before the end of the year. Hindi kasi siya madaling… hindi siya madaling programa kasi talagang very comprehensive at nagpapasalamat tayo sa Andres Soriano Foundation kasi iyong tulong nila doon, hindi lang iyong potable water, pati iyong mga medical clinics, hindi ito iyong mga one-time na medical missions. Pero nagko-conduct na sila doon ng regular na medical and dental missions na hopefully, tuloy-tuloy siya kasi iyong nearest na… nearest na health center, nandoon pa sa main island. Malayo talaga siya sa ibang mga isla. Iyong potable water, iyong pledge nila Level 2 muna. Kasi ang sitwasyon ngayon, bumibili sila ng tubig. Paminsan—okay lang kung sa Cuyo kasi malapit pero sometimes, ang binibili nilang tubig from Iloilo pa na 16 hours away. So sobrang—una, sobrang mahal for the residents, pangalawa, iyong inconvenience talaga. So hopefully, kapag natapos itong Level 2 na water system, medyo dadali nang kaunti iyong buhay at saka nakaka-improve din sa health condition sa mga tao doon.

    Kasi iyong isang napansin namin, ang daming bata na stunted sa Agutaya. Ang pinaka-problema sa stunting kasi irreversible na siya after the age of 5. So kahit mayroon na kami doon na feeding programs ngayon, parang… parang iyong effect niya doon sa mas maliliit pa. So iyong hino-hope namin na iyong feeding program ma-expand to start with pregnant women. Ano talaga, ang dami pang kailangang trabahuhin and hopefully, marami pang partners iyong pumasok.

    REPORTER 2: Thank you po.

    REPORTER 3: Ma’am, magandang umaga po. Mike Escote po sa Brigada News FM. Ma’am, malaking isyu sa amin ngayon sa Palawan iyong kaka-pirma lang na batas ni Pangulong Duterte—iyong paghati po ng Palawan sa tatlong probinsya. Gusto lang po naming makuha iyong insights niyo dito. Kayo po ba ay pabor o hindi sa paghahati ng probinsya?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi ultimately, iyong mga taga-Palawan iyong magdedecide. Kaya magkakaroon ng plebesito para, tingin ko, sila naman iyong dapat na tinatanong. Kasi kung titingnan mo, iyong point of view ng local government ng provincial government ng Palawan, makes a lot of sense. Kasi talagang dahil sa— Kapag tiningnan natin iyong mapa ng Palawan, sobrang lawak niya talaga na from point to point, mahirap talaga siyang abutin. So nakikita natin iyong wisdom ng paghati dahil ang mahihirap na mga lugar iyong nasa magkabilang dulo eh—iyong nasa pinaka-north at saka iyong nasa pinaka-south. Pero ultimately, iyong tao kasi iyong dapat tanungin. Ang tingin ko, mare-resolve iyon after the plebiscite kasi iyon naman iyong pagkakataon ng mga taong ihayag kung ano iyong saloobin nila patungkol doon sa paghahati.

    REPORTER 3: So pabor po kayo sa paghahati?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, wala… wala iyon sa akin eh. Iyong pabor ako, na tatanungin iyong tao. Pabor ako na iyong tao—na ibabalik sa tao iyong pagdesisyon kung willing sila o hindi. Kasi tinitingnan ko din, tinitingnan ko iyong opposing views, halimbawa, dito sa Puerto Princesa, maraming nag-o-oppose. Sinasabi naman ng iba, hindi naman kami bumoboto sa probinsya, ‘di ba? So marami… marami iyong magkakasalungat na pananaw sa bagay na iyan. Pero iyong desisyon, kailangan tao iyong magdesisyon.

    REPORTER 3: Ma’am, follow-up lang. Mas—ano po ba iyong advantage kapag nahati iyong isang lugar sa tatlong—

    VP LENI: Iyong advantage kasi noon mas lalong matututukan. Kasi kapag masyadong malaki iyong area, parang spreading yourself too thinly. Parang nakita natin iyon na iyong mahihirap iyong malalayo—hindi lang sa Palawan, pero sa maraming bahagi ng Pilipinas—parang the farther… the farther the town is away from doon sa pinaka-sentro, mas mahirap din siya. Mas mahirap kasi iyong access sa government programs, mas mahirap dahil sa presence ng maraming mga opisyal at saka mga opisina. So iyong wisdom talaga ng paghati, iyong mas greater attention saka focus iyong mabibigay. Pero siyempre, marami kasi iyong… marami din iyong implication—sa security, ‘di ba? sa security ng lugar, hindi lang ng Palawan pero ng buong Pilipinas kasi gateway iyong Palawan.

    So tingin ko, iyong lahat na issues na iyon, kailangan pag-debatehan bago ng plebesito para iyong tao, nagkakaroon siya ng pagkakataon makita iyong, parang all sides of the coin, para nakakapag-desisyon siya ng maayos.

    REPORTER 4: Reesha po from Palawan News. Ma’am, puwede ko po bang mahingi iyong reaksyon niyo regarding po sa reported vessels natin sa Kalayaan? Ano po ba ang take ng Office of the Vice President regarding that?

    VP LENI: Iyon, from the very start, very vocal tayo doon. Very vocal tayo na iyong pag-protect ng ating, hindi lang ng territory pero ng sovereignty, should be primordial. Una, maraming mga Pilipino na iyong hanapbuhay nape-prejudice dahil sa presence ng China, sa ibang mga isla na nasa teritoryo pa ng Pilipinas. Nagkaroon na tayo ng desisyon na favorable sa atin na iyong desisyon na iyon, inaasahan sana natin na iyon iyong magiging leverage natin. Kasi iyong problema naman na ito, problema na ito even before. Kaya nga tayo naghain ng kaso. Pero dati kasi, parang wala pa tayong pinanghahawakan. Pero ngayon na pinanghahawakan—may pinanghahawakan na tayo, dapat sana mas matapang tayong ipaglaban iyong ating karapatan. Kasi lalong pinapabayaan natin, lalong lumalaki iyong problema.

    Kaya iyong sa akin, in the recent past, nagkaroon ng kaunting pivot sa statements ng pamahalaan, sana tuloy-tuloy iyon. Ngayon, nasa China iyong Pangulo, sana i-raise iyong isyu ng threat sa ating territory at saka sa ating sovereignty. Sana hindi natin papabayaan kasi hindi naman ito basta-basta eh. Una, iyong resources at stake; pangalawa, iyong hanapbuhay ng mga tao, threatened; pangatlo, iyong seguridad ng buong bansa. So sana… sana seryosohin ng pamahalaan iyong kanilang pangako na ipapakipaglaban ito.

    REPORTER 4: Follow-up lang po. Gaano po kalaki iyong tiwala niyo na papabor iyong Supreme Court sa desisyon nila, which last time po ay nagkaroon ng representation ang Integrated Bar of the Philippines sa ating mga Kalayaan farmers and fisherfolk. Tingin niyo po ba papabor iyong desisyon sa kanila?

    VP LENI: Ako, mahirap pangunahan iyong Supreme Court. Pero kung ang tatanungin, ano ba iyong ninanais natin? Ako, ninanais ko na sana iyong Supreme Court, parang pag-aralan iyong petisyon at makita kung ano iyong at stake dito. Kasi hindi naman ito… hindi ito basta-basta. Marami iyong mas malalim na implikasyon sa magiging desisyon niya. So sana, iyong pagdedesisyon niya iyong pangunahing tinitingnan iyong kapakanan ng buong bansa, hindi lang ng iilang opisyal.

    REPORTER 4: Thank you po.

    REPORTER 5: Ma’am, ano pong komento natin sa pagdami ng mga Chinese workers sa buong bansa? Even dito sa Palawan, marami pong—

    VP LENI: Ito, nag-aalala tayo. Nag-aalala tayo dahil… dahil sa maraming bagay. Iyong number one, mataas pa iyong unemployment natin. So iyong pagdagsa dito ng mga Chinese workers, iyong una sanang tanong: naaagawan ba ng trabaho iyong ordinaryong Pilipino? Pangalawa, ano ba iyong tunay na pakay? Kasi parang bigla. Parang bigla iyong pagdagsa. Dito lang sa Palawan, kanina nasa airport ako, iyon iyong kinuwe-kuwento ng mga taga-dito—na halimbawa, iyong mga kuwento ng mga taga-dito, nag-umpisa na iyong online gaming sa Palawan. So ang tanong ko: pumupunta sila dito dahil pinagbabawal doon. Bakit natin pinapayagan dito? Marami iyong—again, marami iyong at stake: una, ano ba iyong… iyong pinaka… pinaka-values natin at saka pinaniniwalaan. Eh parang, ‘di ba, malaking insulto iyon sa atin na ipinagbawal nga sa ibang bansa, iyong bawal sa kanila dito sa atin gagawin.

    Sana… sana iyong pamahalaan mas maging matatag sa polisiya sa pagtanggap. Ngayon kasi, nakikita natin na marami iyong pagwe-waver. Noong una, iyong Bureau of Immigration iyong nag-aasikaso nito. Iyong pinaka-huling balita, ililipat na sa DOLE. Sana maging transparent. Sana maging transparent ilan na ba talaga iyong pumasok, ano ba iyong mga trabaho noong mga pumunta, naaagawan ba ng trabaho iyong mga Pilipino, gumagawa ba sila dito ng hindi nila dapat ginagawa? Ngayon kasi parang hula lahat kasi hindi malinaw kung ano iyong… kung ano iyong dahilan kung bakit biglang nagdagsa dito.

    OVP: Okay po. Salamat po.

    REPORTERS: Thank you po!

    VP LENI: Maraming salamat!

    REPORTERS: Happy birthday po ulit.

    VP LENI: Salamat, salamat!

    -30-

    Posted in Transcripts on Apr 26, 2019