This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni in Quezon City

    21 November 2016

    Q: Iyong sa recount po, bakit na-alarm kampo ninyo?

    VP LENI: Pakiramdam lang namin na kailangan namin sumagot kasi noong Friday and Saturday talagang pinutakte kami ng balita ng recount.

    Pero kami naniniwala na hindi iyon totoo. Pero kailangan i-appease iyong pakiramdam ng mga tao, dahil na din sa mga pangamba na maraming ginagawang parang labag sa batas.

    Iyong puwede lang kasi mag-order ng recount iyong PET. At ano naman, bukas pa magmi-meet iyong PET at wala pa iyong order.

    Iyong sa akin lang, siguro dahil din sa pangyayari in the past few days, kailangan na maging vigilant.

    Kasi may pakiramdam ng lahat ng klaseng, parang lahat ng paraan na kayang gawin, gagawin.

    Q: Ma’am may alam ba tayo kung saan nanggagaling iyong mga texts na iyon?

    VP LENI: Well, siyempre iyong hinala natin iyong kalaban natin sa kaso. Baka may attempt na parang bilugin iyong isip ng tao, parang ina-ano iyong mindset.

    Feeling ko carry over din ito, iyong pangamba, noong bigla tayong nabulabog noong Biyernes, biglaang paghimlay sa dating Pangulong Marcos.

    Kaya siguro mas tumindi iyong pangamba dahil isang bagay na hindi natin inaasahang gagawin, ginawa. So pag ganoon kasi, parati iyong pangamba, anything is possible.

    Pero kailangan na tayong maging vigilant.

    Q: Ma’am, may plan of action ba kayo dito sa text messages, may plano ba kayong gawin?

    VP LENI: Wala naman kasi iyong basehan lang naman, kwento. So wala naman talagang, iyong pagmumulan talaga is pangamba.

    Hindi natin alam kung may concerted effort kung ganito talaga.

    Pero iyong sa amin lang ay kailangan i-appease iyong pakiramdam ng supporters natin na natatakot talaga.

    Q: Ma’am tingin ninyo ba may connection ito sa Marcos burial?

    VP LENI: Maaring oo, maaring hindi, parang ngayon, anything is possible eh.

    Hindi natin inaasahan noong Biyernes pero nangyari. So siguro aral din ito sa ating lahat na huwag magiging complacent.

    Q: Takot ba kayo na mangyari ito sa inyo?

    VP LENI: Ngayon kasi, hindi ko masasabi, sana naman hindi. Ngayon naman naniniwala tayo na iyong PET ay pagbabasehan ang kanilang judgment ay iyong lahat ng ebidensya na pumapasok.

    At ngayon hopeful naman tayo na iyon ang mangyayari. Kailangan na mayroon tayong faith in institutions.

    Q: Your health has been subject to ridicule this morning, about you being pregnant, and iyong frailty of a woman, may mga ganoon po.

    VP LENI: Ako kasi ayoko na patulan eh. Ayoko na patulan parang insulto naman yata iyon.

    Pagpapakita lang na, saan ba tayo patungo kung may mga ganitong usapin, kabahagi na ng kuwento na alam naman natin na walang katotohanan at walang basehan, para kasi patulan natin iyon, parang vina-validate lang natin, diba?

    Sa akin, ayoko nang pumatol.

    Nakakatawa siya, pero at the same time, parang insulto na iyon sa ating lahat na kababaihan.

    Q: Salamat po!

    Q: What will be the impact na parang the message na he (BBM) can do whatever he wants?

    VP LENI: Nakakatakot iyon, parang dini-disregard na natin iyong integrity ng institutions, diba?

    Tingin ko naman, wake up call iyon sa ating lahat, wake up call na wag tayo magpapabaya at nakakatuwa naman na iyong akala natin na parang walang pakialam, mayroon.

    Q: Like the young?

    VP LENI: Oo.

    Q: Regarding call for resignation…

    VP LENI: Kami naman, we serve at the pleasure of the President, diba? Kaya, lahat naman kay Presidente naman.

    Posted in Transcripts on Nov 21, 2016