This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo at Ahon Laylayan Koalisyon Planning & Awarding of Bridging Leadership Cheques and Plaques

    Ahon Laylayan Koalisyon Planning & Awarding of Bridging Leadership Cheques and Plaques

    Assumption Iloilo, Iloilo City

    INQUIRER: Ma’am, Nestor from the Inquirer. Comment, Ma’am, sa statement ni President na he will relegate the law enforcement powers sa inyo for three months—six months? Ano po iyong official stand niyo po diyan?

    VP LENI: Ako kasi, as of now, ayaw ko siyang sagutin, kasi tingin ko iyong mga malalaking problema natin, hindi naman puwedeng idaan sa init ng ulo, hindi puwdeng idaan sa pagkapikon, hindi puwedeng idaan sa pang-iinsulto. Iyong mga problema natin, mga seryoso ito, na kailangan baka ipakalma muna iyong galit, kasi baka nakakapagbitaw ng mga salita na hindi naman… hindi naman mini-mean. Kaya ngayon, ayaw ko munang dagdagan.

    INQUIRER: But in case, Ma’am, magpadala talaga ng letter na formally—

    VP LENI: Saka na lang siguro tayo— Saka ko na lang haharapin.

    INQUIRER: Do you think, Ma’am, double-edged iyon? Na baka ilagay ka sa masamang posisyon o negative light? Is this the—

    VP LENI: Mahirap kasing mag-speculate. Mahirap mag-speculate. Pero iyong sa akin, never akong pumatol sa pang-iinsulto. Never akong pumatol sa mga salita na dala ng init ng ulo. Never akong pumatol sa salita na bunsod ng pagkapikon. Hihintayin ko munang medyo mag-settle down para malaman natin ano ba talaga iyong gustong mangyari.

    INQUIRER: So you’re saying, Ma’am, na ito ay, in a way, pang-iinsulto or bunga ng pagkapikon ng Presidente? Are you saying that, Ma’am?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi—

    INQUIRER: Na hindi siya serious?

    VP LENI: Sa akin kasi, iyong judgment nandoon sa manner ng pagsalita saka ano iyong sinabi. Pero iyong sa akin nga, napakalaki ng problema natin sa drugs. Napakalaki ng problema natin sa drug addiction, na dapat sana pinagtutulungan ito. Dapat sana hindi tayo nagiging sensitive kung mayroong mga criticism, kasi hindi nga natin ma-solve. Three years na, hindi natin ma-solve. Tingin ko makakabuti sana na nagtutulungan, hindi tinitingnan iyong puna na sa masamang… sa masamang light.

    Iyong dating kasi sa akin, parang napikon. Pero iyong pagkapikon— Iyong pang-iinsulto na from the very start ginagawa na sa akin. Pero iyong sa akin, hindi ko siya… hindi ko siya pag-aaksayahan ng energies. Ang pag-aaksayahan ko ng energies, iyong mga bagay na tingin ko makakadala ng kabutihan. Hindi naman— Iyong pang-iinsulto, iyong pagkapikon, hindi iyon nakakatulong. Mas maraming bagay na puwede kaming gawin na mas productive.

    GMA-7: Ma’am, follow-up to his question: Ang ino-offer ng Pangulo is for you to be a drug czar. He’s serious in creating a commission daw po for you to be a drug czar and he really means it. He will really ask the Executive Secretary to write a letter daw po para bigyan kayo ng chance na mamuno.

    VP LENI: Ako, ako kasi, again ayaw kong mag-comment hanggang wala pa. Kasi marami na akong invitation in the past na binabawi. Ako… Ako, natuto na ako. Marami… Marami nang beses in the past na mayroong mga sinasabing hindi naman mini-mean. Mayroong mga imbitasyon na babawiin. So hintayin muna natin. Mahirap mag-comment sa isang bagay na hindi pa naman nangyayari.

    GMA-7: But do you accept it, Ma’am?

    VP LENI: Mahirap kasi… sinabi niya lang kasi in public—at mukhang sinabi niya dala ng pagkapikon. So kapag seryoso na, saka na natin haharapin.

    GMA-7: Ma’am, is it true that Secretary Panelo texted you last night, telling na the President was serious in offering to you being the drug czar? Hindi pa raw po kayo sumasagot, o hindi yata kayo sumagot?

    VP LENI: Dios ko naman. Unang una, wala akong natanggap. Saka kung seryoso, bakit ite-text? ‘Di ba?

    Kahit walang paggalang sa akin, igalang na lang iyong posisyon. Kung ite-text ka ng isang bagay na ganiyan, hindi iyon seryoso. Kasi marami namang paraan para ipaabot sa akin kung talagang… talagang seryoso. Pero iyong sa akin lang, ano ba naman iyan…

    OVP: Okay po, next question po.

    ABS-CBN: Kapag nakatanggap na po kayo ng letter, Ma’am, ano po iyong isasagot niyo?

    VP LENI: Ako, sasagutin ko kapag nakatanggap na ako, kasi as of now, speculative lahat. Unang una, wala pa naman akong natatanggap. Sunod, kung may matanggap man, kailangan ko mabasa muna.

    GMA-7: So ano ito, Ma’am, you’ll just cross the bridge when you get there?

    VP LENI: Oo naman. Kaya sabi ko nga sa iyo, maraming beses na kasi—maraming beses na nakatanggap na ako ng invitation, babawiin nila. So parang… parang nagsasayang tayo ng energies.

    INQUIRER: Ma’am, sabi ni Senator Pangilinan, three years na lang daw na imbes na six months. Would you rather that you—

    VP LENI: Alam mo, again, ayaw ko na kasing dagdagan, eh. Ayaw ko nang dagdagan kasi sobrang seryoso ng problema sa drugs. Again, uulitin ko, hindi ito nadadala sa init ng ulo. Ang wini-wish ko lang, sana hindi maging balat-sibuyas pagdating dito… Kasi iyong ating… iyong ating puna, may basehan naman. Mabuti kung nagpuna tayo na walang basehan. Mayroon namang basehan. Bakit hindi muna pakinggan bago mag-react nang galit? Kasi kapag galit na, marami na tayong hindi nagagawa.

    GMA-7: Ma’am, pardon me for asking— Last na lang. Pardon me for asking: Wala pa man, may mga nagsasabi nang kapag hindi niyo raw po ito tinanggap, it means na hindi talaga kayo seriously na naniniwala na there’s really a failure in the drug war?

    VP LENI: Pero kung walang failure, bakit ipapasa sa akin? ‘Di ba? Kasi ipapasa mo lang ang isang bagay kapag hindi mo na kayang gawin. Kung hindi— Kung successful kasi siya, hindi kailangang ipasa, kasi wala nang ipapasa, eh. Kasi nagawa mo na. Pero kung ipapasa mo sa iba, hindi ba admission iyon na ang dami pang kailangan gawin?

    UNTV: How should the government address iyong problema natin sa drugs, Ma’am?

    VP LENI: Ever since, since 2016, parati na natin iyong sinasabi, na hindi ako naniniwala na iyong route na dapat i-take ng gobyerno, criminal justice—especially as far as drug dependents are concerned. Parati nating sinasabi na health issue iyong addiction, na dapat… dapat iyong pag-treat sa mga drug addicts, hindi sila tini-treat na kriminal. Nakita naman natin ngayon, may isang grupo dito na dating mga drug addicts na rehabilitated; paano kung naging biktima din sila ng extrajudicial killings?

    Ang dapat na criminal justice route, iyong mga big-time na mga drug dealers, na iyong sa akin, iyon dapat iyong pagtuonan ng pansin, kasi kahit patayin natin iyong lahat na addicts, hindi pa din iyon mahihinto, kasi hindi natin nahahabol iyong mga malalaki. Eh nakita naman natin iyong numero.

    Iyon lang naman iyong— Iyong only… iyong only— Iyong hinihingi ko lang, ang sinabi ko lang, baka puwedeng mag-step back para i-reassess, kasi bakit pataas pa din nang pataas iyong numero ng drug addicts? Iyong numbers, hindi naman galing sa akin. Iyong numbers galing sa kanila. Iyong pagpuna, hindi naman iyon meant to demonize, pero ginagamit lang iyong kanilang…. ginagamit lang iyong kanilang statistics para sabihin baka— Ganoon naman iyong lahat na programa, ‘di ba? Iyong lahat na programa—kahit nga feeding program—kailangan regularly ina-assess and re-assess mo para tinitingnan mo kung nagwo-work ba iyong strategy na ginagamit. Kapag nagsabi ka na kailangang i-reassess, hindi mo dapat tine-take na negatively iyon. Again, hindi dapat dinadala sa init ng ulo, kasi wala naman tayong mare-resolve.

    OVP: Ma’am, last question po.

    ABS-CBN: Iyong tungkol po sa lindol sa Mindanao, Ma’am, any reaction doon, Ma’am, sa nangyari?

    VP LENI: Sa atin, nakikiisa. Nakikiisa tayo sa mga kababayan natin na naapektuhan na naman ng lindol. Halos sunod-sunod—nitong nakaraang linggo hanggang ngayon—sunod-sunod. Ngayong umaga nagkaroon na naman ng napakalakas na lindol.

    Iyong sa atin, ang lindol ang isa sa mga sakuna na napakahirap… napakahirap para sa atin lahat kasi hindi siya nape-predict. Kaya dapat sineseryoso talaga iyong mga warning ng mga experts at saka iyong mga tinuturo sa atin ng mga nakakaintindi kung ano iyong dapat na ginagawa natin, anong dapat bantayan, ano iyong dapat na sinusundan natin na gabay para iyong after effects ng lindol, hindi ganoon ka-grabe, lalo na as far as loss of lives and properties are concerned. Iyong mga building code, nasusunod ba? Iyong mga exit points ng mga gusali, alam ba ng mga tao kung saan ba sila lalabas? Iyong mga bahay, ano ba iyong preparations na ginagawa natin? Kasi hindi natin alam kung kailan siya magsa-strike, kung saan.

    So iyong sa atin, paalala ito—paalala sa atin lahat, at the same time pakikiisa. Sana—hindi natin masusuklian iyong trauma, ‘di ba, na pinagdadaanan ng mga earthquake victims. Pero sana sa… sana wala namang masyadong nasaktan. Iyong opisina naman namin, iyong disaster relief and rehabilitation, bahagi iyan ng programa namin sa Angat Buhay at kung kinakailangan, handa kami para mag-assist.

    ABS-CBN: Ma’am, ano iyong assessment niyo, Ma’am, sa kahandaan ng community at saka ng local government units sa mga ganitong klaseng sakuna?

    VP LENI: Mahirap iyon sabihin at this point. Mahirap sabihin iyong wala sa akin iyong datos, eh. Wala sa akin iyong datos kung gaano kahanda. Marami—since 2013—marami nang ginagawa iyong mga ahensya, iyong Philvolcs, iyong iba pang mga ahensya para ihanda iyong ating mga kababayan. Iyong mga schools, nakikiisa; iyong ibang institutions, nakikiisa. Pero para i-assess kung gaano kahanda, parang wala ako sa posisyon para sabihin kung iyong preparedness natin, kung gaano tayo kahanda para doon.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Thank you!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Oct 28, 2019