This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo in Lake Sebu, South Cotabato

    Young Educators’ Summit- Philippines 2018 Lake Sebu, South Cotabato

    Q: Ma’am, ano po itong pag-visit natin? Ano nga po, iyong panawagan nila iyong cultural village, iyong 4 million, and then iyong kanilang paving the way po. Ano po iyong plano natin dito? VP LENI: Actually iyong pag-visit ko sa kanila, parang follow-up iyon, kasi na-meet ko iyong iba sa kanila sa Pamulaan, Pamulaan Center sa Davao. Mas ito talaga tinitingnan namin kung paano, paano namin matutulungan. Gaya ng in-explain ko sa kanila kanina, iyong opisina namin wala namang sariling pondo, pero mayroon kaming isang anti-poverty program, iyong Angat Buhay, na mayroon kaming partners na puwedeng makatugon sa mga pangangailangan. Kailangan lang i-match. Pero iyong mga ipinaabot nila kanina, tingin ko karamihan doon puwedeng maidulog sa mga ahensya ng gobyerno. Kaya iyong puwede kong maitulong sa kanila, tutulungan ko silang i-link iyong mga pangangailangan nila with the appropriate government agencies, kasi ano naman, parang very worthy iyong projects, na dapat talagang tulungan. Tapos iyong nakakatuwa kasi iyong grupong iyon, matagal nang tinutulungan iyong sarili. Parati kong sinasabi na kaming mga nasa pamahalaan, lalo na kapag nakikita namin na malaki iyong naitutulong sa sariling progreso, mas dapat tulungan. At iyong mga kababaihan na weavers ng Lake Sebu, for a long time, ano talaga, very empowered, marami nang na-achieve. Gumawa sila ng sariling preschool na sila-sila lang, sariling pondo. Kaya dapat talagang tulungan. Napakaganda ng Lake Sebu. Tingin ko hindi naman ide-deny ng Department of Tourism na tulungan iyong mga pangangailangan. Kanina kausap ko din si Congressman Ferdinand (Hernandez of the 2nd congressional district), idi-discuss ko din sa kaniya iyong mga pinaabot sa akin kasi I’m sure very much willing iyon tumulong. Kaya nagpapasalamat nga tayo na iyong provincial officials—nandito si Vice Gov, nandito si OIC Governor Dema-ala, saka iyong municipal officials na tingin ko kailangan lang parang… kailangan lang i-match iyong pangangailangan sa available resources. Ano… ano… medyo exciting siya in the sense na iyong produktong ginagawa nila, ano na, ano ito, ripe na for national and international markets. Kailangan lang talagang tulungan na mas maraming exposure, mas accessible. Q: Message niyo po sa mga estudyante na nandito, mga teachers? VP LENI: Ito, kung titingnan natin iyong participants, very young educators. Ito, inspiring in the sense na among themselves nakaisip sila ng ganito. Fifth year na nila ito, and gumawa sila ng platform kung saan iyong kahirapan na pinagdadaanan nila, sabay-sabay nilang tutugunan. Gaya kanina, mayroon silang ginawa na parang sub-committees na parang at the end of the three-day summit, magkakaroon sila ng action plan. Tingin ko very proactive na pag-approach ito sa maraming problema, kasi sila na mismo iyong naghahanap ng solusyon. Hindi ito iyong usual na puro hinaing—ito, may appreciation na mahirap, may appreciation na limited ang resources, pero sila, nagsasabi sila na, “Kami iyong hahanap ng solusyon.” Kaya tingin ko very promising iyong grupong ito. Q: VP, isa na lang po. Sabi kasi two questions lang daw po— VP LENI: Sige lang, sige lang. Q: VP, reaksyon niyo lang po sa cha-cha, and then sa cha-cha kasi nakalagay sa Section 7 na matanggal na iyong Office of the Vice President. Reaksyon niyo po doon? VP LENI: Tingin ko kasi incidental lang iyong Office of the Vice President. Mas mahalaga na una, tanungin natin: Kailangan ba? Kailangan bang mag-charter change? Ano ba iyong mga gusto nating ma-achieve? Kapag iyong gusto nating ma-achieve iyong mga naririnig natin ngayon: mas decentralized iyong powers, agree tayo doon; mas palakasin iyong mga local governments, agree tayo doon. Pero iyong tanong, charter change ba iyong sagot? Kasi kung ang sagot amendment ng Local Government Code, baka doon muna tayo mag-umpisa. Kung ang sagot hindi magagawa iyong pagbabago kung hindi i-a-amend iyong Constitution, saka natin pag-usapan iyong charter change. Pero ngayon, very encouraging naman iyong mga nangyayari. Kasi noong una parang natatakot tayo na ire-railroad. Gustong sabihin noong ire-railroad, parang mabilisan na isusulong, hindi napag-usapan nang maayos. Pero ngayon nakita natin sa Senado na sinimulan na. Iyong pinakaunang hearing sa Senado, inimbitahan iyong mga Constitutional law experts. Narinig nila ano iyong intent ng Konstitusyon, tingin ba nila kailangan ng charter change. Tapos today, nasa diyaryo na may in-appoint ang Pangulo na 19-man na committee na magre-review nito. Ito, ito iyong mga hinihintay natin, kasi ito iyong assurance na pag-uusapan nang maayos. Kasi hindi naman basta-basta iyong pagpapalit ng Konstitusyon—kailangan ng masusing pag-aaral, kailangan informed iyong ordinaryong mamamayan kung ano iyong bobotohan nila sa plebesito. Mahirap iyong may inihahain tayo sa kanila na hindi naman nila maintindihan. Pero ito, public iyong hearings, siguro umikot sa mga probinsya, ito magandang pangitain. Kung ang desisyon tanggalin iyong Opisina ng Pangalawang Pangulo, basta iyon iyong makakabuti, bakit hindi? Kasi incidental lang naman kami dito. Iyong mahalaga, iyong sa ikabubuti ng buong bansa. Q: Thank you! VP LENI: Thank you! – 30 –

    Posted in Transcripts on Jan 25, 2018