This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo at the Meeting with the ICAD Law Enforcement Cluster

    Meeting with the ICAD Law Enforcement Cluster

    Quezon City Reception House

    OVP: Nasaan po si Binibining Sandra Aguinaldo?

    VP LENI: First honor. [chuckles]

    GMA NEWS: Ma’am, tanong ko lang kung napag-usapan po ba iyong possible scrapping of Oplan Tokhang and what are the changes that you see…

    VP LENI: Napag-usapan during the pre-meeting. Nagkaroon ako ng pre-meeting with OIC PNP Chief saka iyong ibang opisyal na assigned dito sa trabahong ito. Ni-reiterate ko iyong aking suggestion for them to rethink iyong kampanya, especially iyong Tokhang. Ni-reiterate ko rin na nagkaroon siya ng negative na iteration. In fact, ginagawa na siyang verb, ‘di ba? Kapag sinabi mong na-Tokhang, hindi maganda iyong connotation. Agree naman sila and they promised to assess and come up with a… with an improved version of what we already have.

    Kapag binasa mo kasi iyong… kapag binasa mo iyong Project Double Barrel, maganda naman iyong pagkalatag, pero obviously, iyong gaps dahil nagkaroon ng abuses on how it was implemented. So iyon iyong ni-raise ko sa kanila and they agreed na panahon para i-reassess kung papaano siya… papaano siya makaka-evoke na kampanya ito hindi against sa tao, pero kampanya ito ng tao.

    RAPPLER: Ma’am, on the law enforcement side, ano po iyong mga sinuggest po nila na ways on how to reform po iyong anti-drugs campaign, and to also change the public perception?

    VP LENI: Actually, maraming napag-usapan ngayong umaga. May tatlong na-highlight. Ang unang na-highlight is as of now, walang clear baselines, so iyon iyong pinagtatrabahuhan. Mayroon nang efforts to do that. In fact, last week, nagkaroon na ng launch iyong DILG together with some other agencies, iyong pagkakaroon ng information system na standard saka common for all na napakahalaga noon kasi iyon iyong kailangan para masukat iyong accomplishments; iyon iyong kailangan para mag-set ng metrics, iyon iyong kailangan para makita kung naging effective ba iyong mga means na ine-employ. So iyon iyong unang agreement: na tapusin na iyong baselines kasi iyon nga, after a while, wala pa rin, hindi pa rin available. Iyong hinihingi natin na baselines, mag-uumpisa doon sa listahan—doon sa mga listahan bang pinagsimulan noong 2016; ilan doon iyong nag-surrender; ilan doon iyong arrested; of those surrendered—mga surrenderers at saka arrested—ano iyong disposisyon sa kanila; ilan ba iyong kinasuhan; ano ba iyong status ng mga kaso; ilan ba iyong recommended for rehabilitation; tapos anong klaseng rehabilitation kasi may tatlo—iyong mild users, community-based rehab; iyong moderate users, iyong outpatient rehab; iyong severe, iyon iyong in-patient rehab—na kapag pinag-usapan ulit iyong problema ngayon ng DOH, doon sa in-patient rehab, kasi because of the plea bargaining na nangyayari sa courts, nagkakahalo-halo iyong mga drug users at saka drug pushers—nagkakahalo-halo sa isang rehabilitation center. Na parang nililipat lang iyong problema o paminsan na-a-aggravate pa iyong problema dahil nga nagkakahawaan. Iyong term nga ng DOH last week, nagkakaroon tuloy ng bagong networks. So iyon iyong gustong tingnan.

    Na-raise din iyong concern ng BJMP, na kahit sa BJMP, iyong mga detention prisoners, nahahalo iyong mga drug… iyong mga accused of drug use sa mga hindi accused of drug use—nagkakaroon din ng hawaan, parang iyong contamination. So ang daming mga kailangang harapin.

    Pinag-usapan din iyong difficulty ng mga agencies sa mga pag-prevent ng pagpasok ng supply dito, iyong capability ng mga agencies, iyong capability ng mga law enforcement units, iyong kakulangan sa equipment, kakulangan sa x-ray, kakulangan sa capability. Pinag-usapan iyong kailangan mas marami pang capability-building doon sa barangays kasi doon talaga iyong community rehab mangyayari.

    Iyong… iyong openness nila sa partnership with the civil society, the Church, advocates, private organizations, iyong pinag-usapan na issues ngayon, mas forward-looking. Hindi ito iyong issues na nagsisisihan pero iyong ginagamit iyong issues para planuhin kung ano iyong next steps na gagawin.

    So iyong mga gagawin talaga ngayon: number one, iyon nga, to have clear baselines. Number two, kapag nandiyan na iyong mga clear baselines, ma-assess kung nasaan na—nasaan na tayo, ano iyong mga nag-work, alin iyong mga hindi nag-work. Pangatlo, magkaroon ng common metrics for all. Ni-reiterate ko rin iyong aking puna na mayroon kasing 81 indicators under the Philippine Anti-Drug Strategy. Iyong puna ko doon, karamihan sa indicators, activity-centered. Ni-request ko na baka ibalik sa mga drawing boards ng mga agencies, gawin siyang outcomes oriented. Ang suggestion ko rin na isa, na instead na magsabi tayo na drug-free Philippines in 2022, magkaroon ng small-term at saka medium-term na goals para… para achievable. Ang suggestion ko nga, on a quarterly basis mayroong… mayroong mga goals na nire-reach ng organizations and agencies under ICAD.

    Ito, very optimistic ako. Very optimistic ako na kapag naayos iyong pagka-synchronized ng mga trabaho, kapag nabigyan ng kaukulang support ng national government, kapag sineryoso ng lahat at naramdaman na laban natin itong lahat, we will be able to make a lot of headway.

    RAPPLER: Ma’am, regarding the—of getting the baseline data, ano po iyong nakikita niyong main issues kung bakit hanggang ngayon, wala pa rin tayong baseline data on the drug situation in the country?

    VP LENI: Tingin ko, una mahirap talagang… mahirap talagang kunin in the sense na maraming mga agencies ang mayroong kaniya-kaniyang listahan. Una, may listahan iyong barangay, may listahan iyong ibang local government units, may listahan iyong PDEA, may listahan iyong PNP. So just to harmonize all the lists, ang sabi din ng DILG, hindi rin sila pumapayag na hindi nave-vet. So iyong pagkalap, pag-harmonize, pag-vet, takes a lot of time already. Pero tingin ko, it is really about time na magkaroon na talaga ng common baselines na hindi iyong kaniya-kaniyang listahan kasi ang hirap… ang hirap sukatin kung iba-iba iyong listahan na pinag-uusapan.

    Pero iyong sa akin nga, parating moving forward. Wala na tayong masyadong oras. Parati ko itong inuulit: two and a half years na lang. Kailangan tayong maghabol. And, ramdam ko naman na energized naman iyong lahat na agencies to not just cooperate but to really work hard for the attainment of common objectives.

    Next week, ito… ito, talagang pinag-uukulan ko siya ng oras. Next week, I will be meeting with DILG, DDB, and DOH separately to go into more details. So ang imi-meeting ko not just the four clusters, but also the agencies separately. I already recommended the creation of a technical working group para pag-usapan iyong lahat na proposed na mga legislations na iyong current—ang claim kasi ng maraming agencies, iyong current legislations prevent them from fully exercising their mandate. So iyong sa atin, hopefully by early next week, mayroon nang TWG na before the end of the year—ang target ko nga when I get invited to the House of Representatives Committee on Dangerous Drugs, ma-present na iyong hihingiin na tulong from Congress kasi talagang wala nang oras para masayang pa sa tagal ng proseso.

    OVP: Ma’am, Vincent Arboleda from UNTV.

    UNTV: Ma’am, with the support ng US, don’t you think it’s time po—it’s highly timely na magkaroon ng real-time operation system, para ma-monitor po what’s happening on the ground?

    VP LENI: Mahirap siyang sabihin na… Mahirap sabihin na ma-attain natin iyong ideal na gusto nating ma-attain. Pero mayroon tayong mga— Ngayon kasi kasali sa… kasali sa paglista iyong inventory of the capabilities that we have. Actually, na-raise iyan ngayon, na ano iyong capabilities ng, let’s say, iyong Coast Guard? Ngayon, nag-report iyong Coast Guard that they just received a mobile X-ray machine from JICA na makakatulong. Pero iyon iyong— Iyong problema nga natin, hindi… hindi kumpleto iyong datos. So ngayon, talagang siguro until the end of the year, nag-i-inventory tayo on what we have.

    Ang suggestion ko— Kasi ang sabi nila, iyong what we don’t have nilagay naman nila sa budget, pero nalagas… nalagas sa budget. Ang sabi ko, baka mahirap na nandoon lang siya sa kaniya-kaniyang agency budgets, kasi isang item lang siya sa entire universe ng mga hinihingi, so ang suggestion ko, magkaroon ng separate na presentation from ICAD noong lahat na kailangan na capabilities para magampanan ng bawat agency iyong dapat niyang gampanan.

    UNTV: Follow-up on that, Ma’am: May pledge ba ang US to support this campaign?

    VP LENI: Actually may commitment ang US to not just continue with the help that they have been giving already, but to even expand. Marami na siyang tulong na ginagawa—karamihan dito capability-building, sa intelligence-gathering—pero in-emphasize din ng both of us, natin saka nila, how important iyong prevention saka community-based rehabilitation sa pagsugpo ng problema. And sinabi nila that they are willing to help more—and committing themselves to help more. Ang kailangan lang siguro maipakita natin sa kanila kung ano ang ating programa para suportahan nila.

    ABS-CBN: Ma’am, may na-identify ba sila na mga big-time syndicates ngayon? Sa intel portion ng briefing, mayroon na ba?

    VP LENI: Mahirap i-discuss publicly kasi very sensitive iyong data. Pero even before naging ICAD chair ako, mayroon namang… mayroon naman tayong maayos na data-gathering. Iyong pinakaproblema lang talaga natin iyong capabilities, saka the fact na ever-evolving iyong… ever-evolving iyong mga, ano ito, iyong mga strategy din na ginagawa ng mga drug lords. Parang iyong mga… iyong mga dating mga ginagawa nila, iba na ngayon—lalo na kasi nandiyan iyong technology.

    Halimbawa, ang isa sa mga pinakaproblema natin iyong parcel, iyong—alam mo iyon—iyong mail saka parcel. Ngayon uso na iyong online order, eh, na iyon pala, hindi iyon nache-check. So just this year, parang 45 yata iyong parcels na nahulihan na may laman. Pero paano— Iyong pinakamahirap kung paano mo iyon… paano mo iyon gagawin in the age of technology, ‘di ba? So kailangan habulin mo iyon.

    Number two, iyong sa money laundering, na-bring to our attention ito, iyong mga gambling—iyong mga casinos, iyong mga… ngayon, ang daming POGO. Nagiging instrumento siya sa money laundering, so kailangan siyang harapin. And we would be needing a lot of help sa ibang mga bansa, para tulungan tayo kasi karamihan dito transnational. Hindi siya nangyayari sa Pilipinas lang, pero iyong pagsugpo talaga, beyond our borders. So ako, ako, iyong akin talagang intent, hindi lang iyong US iyong kausapin, hindi lang iyong UN kausapin, pero kausapin iyong iba pang mga bansa na tingin natin makakatulong sa atin.

    ABS-CBN: China, Ma’am?

    VP LENI: Even before… even before naman ako pumasok, marami nang… marami nang partnerships with other countries tungkol dito. Pero siguro papaigtingin pa natin.

    ABS-CBN: China, Ma’am, kakausapin niyo rin po? After US?

    VP LENI: Iyong sa akin, gusto kong kumalap ng mas maraming datos, kasi iyong pinaka-report talaga sa atin ngayon, karamihan sa supply na pumapasok dito, galing China. Pati iyong… pati iyong… pati iyong mga nahuhuli na mga nag-o-operate within the Philippines, karamihan Chinese nationals or Filipino-Chinese nationals. So it is something that we should look into.

    Actually ang dami pang information out there na hindi pa sa akin nakakarating. Kailangan talagang ayusin. Kailangan organized. Kailangan tingnan how we have been reacting or responding to all the information, and how we can improve on what we have already been doing.

    GMA NEWS ONLINE: Ma’am, may call kayo to end the senseless killings on the first day. You met with law enforcement… law enforcement officials, na sila iyong sangkot doon.

    VP LENI: At parati—

    GMA NEWS ONLINE: May response ba sila doon sa call niyo?

    VP LENI: Parati naman nating nire-reiterate iyong ating call for [end of] senseless killings, and during the pre-meeting, I was assured by the PNP leadership na they are doing the best they can. Una, para sa internal cleansing. Pangalawa, to make those behind the senseless killings accountable. Pero tingin ko nga, iyong internal cleansing, hindi lang ito dapat PNP pero dapat lahat na law enforcement agencies na mayroong problema dito, including the Bureau of Customs. Ito, iyong tinitiwalaan naman natin na iyong leadership will do good on their promise to take care of the institution, kasi ayaw natin na mag-waste ng time na parang naggo-ghost hunt tayo. Iyong sa atin, binabalik natin sa mga agencies iyong responsibility to… to clean their own institutions. Iyong sa atin, parating hinahanap natin ways of moving forward, kasi talagang kulang na ng oras.

    OVP: Okay, last two. Jhesset?

    PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Going back lang, Ma’am, doon sa meeting niyo yesterday with US officials. Nagbigay po ba ng clear assessment iyong FBI and the other agencies that you met on the drug situation in the country?

    VP LENI: Yes. Yes. Mayroon silang assessment. Sinabi nila kung ano iyong mga syndicates na nandito sa Pilipinas, iyong transnational crimes na nangyayari. Iyong mga detalye na some of them, mayroon na din tayo. Mayroon na din— Actually lumabas na sa mga prior meetings. Pero tingin ko iyong pinakamahalaga kasi doon iyong paano ma-e-enhance iyong partnership para pagtulungan para masugpo iyong problema. Sinabi ko din sa kanila na we want to look into, parang, international standards and best practices—not to copy them, pero para maging peg for us to craft our own. Mayroon tayong partner na mga private organizations who are in the process of collating all the local best practices and publishing them, para magamit noong ibang—lalo na iyong mga ADACs. Tingin ko importante ito, kasi sa loob ng Pilipinas, ang dami nang best practices. In fact, noong Sunday, in-interview ko pa lang iyong Caloocan, na very successful in their campaign. Marami pang iba in our midst na kailangang i-highlight para maging inspirasyon sa iba.

    PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Ma’am, did the officials categorically say how bad the situation is, or how far they’ve come since 2016?

    VP LENI: Hindi ganoong ka-direct. Iyong sa atin was a very matter-of-factly assessment, kung ano iyong assessment nila on the drug situation. Pero ito, mas ano talaga, mas ang interes talaga natin, how to use the data that we have to move forward.

    OVP: Okay, last question? Sandra? [laughter]

    VP LENI: Parang ikaw ang opening saka closing, ha?

    GMA NEWS: Naalala ko lang kasi, parang you met separately with General Gamboa?

    VP LENI: Yes.

    GMA NEWS: Mayroon na po bang paglilinaw doon sa datos on killings, deaths under investigation?

    VP LENI: Wala pa at this point. Noong Monday, nagpadala ako ng sulat sa ICAD, asking for that information. Pero ngayon, hindi pa— Binigyan na kami ng information, pero hindi pa kumpleto. Pero I assure them na iyong paghingi ko ng information is not to ghost-hunt, pero just so alam ko kung saan ako nagsisimula, alam ko kung ano iyong baseline, at para hindi na natin maulit iyong mga pagkukulang noong nakaraang kampanya.

    Ano naman, very cooperative iyong leadership. Actually, ni-reiterate nila iyong kanilang suporta, at ni-reiterate na kung mayroon kaming mga kailangang i-clarify o kailangan pang datos na mahingi, they are open to providing that.

    Pero, ano ito, work in progress kasi ito. It’s not as if kapag nag-meeting ngayon, maso-solve lahat. Pero at least nag-agree na iyong buong Law Enforcement Cluster kung ano iyong pagtutuonan ng pansin, para mas maging maayos at strategic iyong daloy. Kasi kapag nalatag lang iyong daloy, magiging madali na lahat.

    GMA NEWS ONLINE: Ma’am, follow-up: Like the US ba, are you planning to invite officials from Chinese Embassy?

    VP LENI: Pag-aaralan muna natin kung anong mga bansa iyong pinaka-urgent na information nila ang kailangan natin. It can be any of the countries na hindi lang na mayroon tayong partnerships, pero who have also been helping us in the past as far as the campaign against illegal drugs is concerned. Ang alam ko, even before I was appointed, marami na ding… marami nang pagpapalit ng information with Chinese government, with many other governments. Kanina nga na-report na mayroong na… mayroong malaking drug haul na nagawa because of information coming from the Vietnamese government. So tayo, nilalatag natin lahat.

    Pero before that, next week, ang priority nga natin iyong DOH, DILG, and DDB, kasi ito iyong mga crucial na mga agencies sa paglatag ng— Kasi hindi naman puwedeng— Hindi kasi puwedeng habang nilalatag natin iyong baseline saka metrics, wala tayong ginagawa. So iyong DILG is in the thick of so many things, iyong DDB is the one na on top of the Philippine Anti-Drug Strategy, so iyon iyong mga gusto nating unahin. Iyong DOH is on top of all the rehabilitation and reintegration efforts. So gusto nating tutukan all the different moving parts.

    GMA-7: Ma’am, sorry…

    OVP: Last. [laughter]

    VP LENI: Last na talaga. [laughs]

    GMA-7: Ma’am, kasi you were saying na limited na nga lang po iyong timeframe that we have. Have you set po a directive kung hanggang kailan dapat matapos itong pag-set ng mga baselines?

    VP LENI: Yes. Iyong aming… iyong aming target until the end of the year, mayroon nang linaw. I think DILG would need more time to finish the information system, pero ipe-present nila sa amin on Tuesday. I will be going to DILG on Tuesday. Ipe-present nila how the information system is—where we are right now. Pero iyong… at least iyong malatag lang na baselines, ang—

    [VP Leni turns to assistant cameraman holding microphones] Tulungan na kita. [laughter] Naaawa na ako sa kaniya.

    Iyong sinabi ng PDEA, iyong national na PDEA—kasi PDEA pala is supposed to be the repository of all the information—parang sabi ng PDEA, sa national wala pa sila noon, pero iyong kanilang mga regional… regional offices should have that already. So that’s one thing that we need to find out, kung iyong regional offices ba talaga kumpleto na itong datos na ito. Kasi kung totoong kumpleto na ang datos ng regional offices, mas madali na for DILG to collate all the data.

    OVP: Okay? Thank you, Madam Vice President!

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Nov 13, 2019