This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo at the Multisectoral Dialogue in Nagcarlan, Laguna

    Multisectoral Dialogue — Nagcarlan, Laguna

    REPORTER 1: Ma’am, bakit natin napili iyong Laguna as isa sa mga pupuntahan na provinces for campaign?

    VP LENI: Iyong Laguna kasi, ever since naman, nakikita namin kung paano siya bumoto. Talagang ito naman iyong tingin namin mabibigyan ng pagkakataon iyong mga kandidato natin na makilala. Iyon naman iyong pinakasadya ng lakad natin, na maipakilala lang iyong mga kandidato, kasi naniniwala naman tayo sa kanilang kakayahan. Pero sa akin, pagpapaguran na mapaalam sa mga tao kung sino-sino itong ipinepresenta natin sa kanila.

    REPORTER 1: Ma’am, iyong ano, iyong Otso Diretso, hindi talaga sila magkakasama na nagka-campaign. Bakit po ba?

    VP LENI: Actually, sila, magkakasama sila. Magkakasama silang magkampanya. Siguro iyong nahihiwalay lang iyong dating kilala—si Secretary Mar, si Senator Bam—kasi kapag kasama iyong mga kilala ng mga hindi-kilala, parang iyong atensyon nandoon sa mga kilala. So talagang may, parang, may extra na… parang may extra schedule iyong anim, kasi iyon iyong kailangang mag-double-time magpakilala. Iyong ako, talagang most of the time hiwalay ako sa kanila, kasi iyong sa akin, talagang volunteer na parang parallel effort, para makatulong lang. Kasi ang laki ng ground na kailangang i-cover. Alam namin na mababa pa iyong awareness—at least noong anim—so talagang mag-a-ano kami, magdo-doble kayod para ipakilala sila.

    REPORTER 1: Sa first visit natin, Ma’am, tingin ba natin positive na iyong magiging outcome?

    VP LENI: Oo naman. Ang pinakamahalaga iyong makilala lang sila, eh. Kasi ako naman, naniniwala ako na kapag iyong tao nabibigyan ng pagkakataon ng pagkakataon na makilala kung sino iyong pinepresenta sa kanila, pipiliin pa din nila kung sino iyong maayos, kung sino iyong palagay nila magiging maayos na kinatawan. Iyong paminsan lang kasi, iyong mga gaya ng mga kandidato namin na hindi pa masyadong kilala, hindi nabibigyan ng pagkakataon. So iyong sa akin, gawin lang iyong lahat para maipakilala sila sa mas maraming tao. Medyo kapos kami sa panahon, kaya medyo double-time, pero tingin ko worth naman the effort.

    REPORTER 2: Ma’am, comment lang, iyong sa narco list pa rin: mukhang desidido si Presidente na i-release. Ano pong masasabi niyo, lalo na iyong sabi ni Secretary Panelo na galing sa wiretapping iyong information?

    VP LENI: Ako kasi, ‘di ba bawal iyong wiretapping? Bawal sa batas natin iyon. Kaya iyong sa akin, kung may enough evidence galing sa kanila, bakit hindi sila kasuhan? Kasuhan sila sa korte para may pagkakataon sila na depensahan iyong sarili. Mahirap iyong trial by publicity, kasi ano iyong assurance natin na tama iyong information? ‘Di ba noong nakaraang dalawa’t kalahating taon, maraming pagkakataon na binabawi iyong sinasabi, kasi hindi pala na-vet nang maayos. So ito, may mga mabibiktima na mga inosenteng tao.

    Iyong sa akin, ang pinaka-tama talaga— Siyempre, ayaw natin na mag-elect tayo sa public office ng mga narco politicians, pero kasuhan na sila ngayon. Iyon pala, may ebidensya laban sa kanila, bakit ayaw pang kasuhan? Bakit ita-trial by publicity?

    REPORTER 2: So okay lang, Ma’am, na kasuhan kahit ngayong election period?

    VP LENI: Oo naman, sa akin okay kasuhan. Kasi kung mayroon namang ebidensya, bakit hindi kasuhan? Para warning din siya sa tao, pero hindi tayo nagiging unfair, kasi at least kapag kinasuhan sila, may pagkakataon silang depensahan iyong sarili. Ito kasi, kapag trial by publicity, wala kang pagkakataon depensahan iyong sarili mo.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Mar 05, 2019