This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo at Sitio Macantog, Tanay, Rizal

    Visit and Turnover of Solar Kits at Sitio Macantog

    Tanay, Rizal

    RAPPLER: Ma’am, ngayon po ay tinanggap niyo na po iyong position na ICAD co-chair. Ano po iyong mga initial nating plano, at ano pong aspekto noong drug war iyong gusto po nating unang tingnan?

    VP LENI: Iyong— Kahapon, right after the press conference— Kahapon, right after the press conference, nagpatawag kaagad ako ng meeting. Nag-confer kami with former officials ng PDEA, ng PNP, ng NBI. Tiningnan namin iyong enforcement.

    Iyong sa rehabilitation kasi, saka iyong health… health track, matagal na kaming bahagi ng isang multi-sectoral coalition, since 2016. So iyon, mas familiar ako doon, at doon talaga iyong maraming plano na naka-set na mula pa noong mga nakaraang taon. Iyong enforcement iyong kailangan kong pag-aralan. Pero ngayong araw, nagpaabot na kami ng formal invitations sa members ng ICAD for a meeting tomorrow afternoon. Nag-request kami sa chairman, sa aking co-chair, iyong PDEA director-general, to report kung ano iyong status—hindi lang iyong accomplishments noong ICAD, pero kapag sinabi kasi nating giyera, dapat kilala natin kung sinong kalaban. Unang una, ano ba iyong… ano iyong universe na ginagalawan natin? Kasi ayaw kong magsimula nang hindi ko… na hindi klaro iyong datos. Kailangan naiintindihan natin iyong datos.

    Pero iyong pinakaklaro na mensahe natin sa kanila: iyong laban sa ilegal na droga will continue with the same vigor, with the same intensity, with the same strength. Ang iibahin talaga natin, iyong manner by which ginagawa ito. Klaro sa aking pananalita kahapon na iyong number one na concern natin iyong patayan. Kasi naniniwala ako na kaya nating ituloy iyong laban with the same vigor, na within the… within the bounds of rule of law, human rights, iyong standards of procedure. So iyon iyong aalamin natin, ano ba iyong metrics na ginagamit ngayon, bakit ba nahayaan na for the past three years, napakaraming patayan na nangyayari. Iyon iyong mga gusto nating alamin. Pero in the next few days, lahat pagpupulong at lahat pag-aaral.

    Pero iyong sa atin, hindi kasi puwedeng— Kasi co-chair ako, napakakaunti na lang nga ng mandato. Kailangan magtrabaho ako within the limits na binigay sa akin na designation. Pero hindi mangangahulugan na may mga limitasyon, limitado din iyong puwedeng gawin. So titingnan natin ano ba iyong… ano ba iyong mga puwede kong gawin. Iyon iyong kaklaruhin natin, hopefully bukas, during the meeting sa ICAD. Alam ko na maraming mga members sa ICAD na may kaniya-kaniya nang programang ginagawa. Iyon iyong titingnan natin. Titingnan natin kung may unified na rules of procedure sa mga law enforcement agencies, kasi iyong naging problema in the past nandoon talaga. Titingnan natin iyong— Iyong magagandang mga ginagawa, patuloy iyon. Ang kailangan lang nating i-refocus iyong mga may problemang aspects.

    CNN PHILIPPINES: Ma’am, you mentioned na you want to meet with members of the ICAD, but Secretary Panelo is also saying na now you should meet with President Duterte, just to thresh out some things—kung paano ba iyong magiging approach. Do you think it’s necessary?

    VP LENI: Ako, kapag pinatawag ako, pupunta naman ako. Pero iyong sa akin, sobrang dami kasing kailangang asikasuhin. Ako, seryoso ako sa trabahong ito. Gaya ng sinabi ko, right after the press conference kahapon, sunod-sunod na iyong meetings. Iyong mina-manage ko lang, kasi sa opisina marami din kaming ginagawa, gaya nito, itong activity ngayon sa Rizal. Iyong minimum disruptions, ginagawa namin, pero dadagdagan namin iyong oras ng araw namin para maasikaso iyong lahat na problema sa bagong assignment. Pero iyong buong araw at gabi kahapon, outside of the meetings na ginawa namin, talagang iyong pag-get in touch na with iyong maraming sectors sa society na—lalo na iyong mga advocates. Maganda iyong— Iyong nakaka-overwhelm, kasi right after the announcement, talagang sumasabog iyong mga telepono namin. Ang daming hindi lang nagko-congratulate, pero ang daming nagvo-volunteer na magtrabaho. So gusto nating i-take advantage iyon. Gusto nating i-broaden iyong mga nagpaplano, na bigyan ng puwang iyong civil society, iyong faith-based organizations, iyong mga advocates. Kasi maraming mga private organizations na marami ding ginagawa, eh. So gusto nating ipahiwatig na mensahe: hindi lang ito laban ng ICAD, hindi lang ito laban ng Pangulo, pero laban natin itong lahat, kaya kailangan nating pagtulungan.

    CNN PHILIPPINES: Ma’am, nakapag-usap na kayo ni Pangulo tungkol diyan?

    VP LENI: Hindi pa, hindi pa.

    ABS-CBN: Ma’am, iyong sa enforcement, may— Kasi siyempre iyong patayan, kasama doon iyong mga police operations. May balak ba kayo na sumama doon, or mag-inspect naman din ng mga pumapasok na shabu sa Customs, halimbawa? Ano po iyong ma-e-expect?

    VP LENI: Ako, lahat kasi posible. Pero iyong sa akin… sa akin, iyong pagpa-prioritize ng tatrabahuhin, ang pinakamahalaga kasi alamin muna iyong datos. Ano ba talaga iyong numero, ano ba talaga iyong—ano ba iyong priorities, ano iyong ginagawa ngayon? Kasi hindi ko naman balak palitan lahat. Gaya ng sinabi ko, kung saan ito nagsimula lahat, ang hinihingi ko lang ma-reassess kung nasaan tayo ngayon at saan iyong mali. Kasi gaya ng sabi ko, marami namang ginagawa na makabuluhan, lalo natin iyong papaigtingin. Pero iyong nakikita natin na mga mali—lalo na iyong patayan—iyon iyong sisiguraduhin natin na hindi na mangyayari.

    GMA NEWS ONLINE: Ma’am, follow-up po: How do you ensure nga na hindi na mangyayari iyong ganoon? Parang normal na kasi iyong patayan, eh, under war on drugs.

    VP LENI: Una, papalitan natin iyong metrics. Iyong metrics, hindi sa numero ng pinapatay, pero iyong metrics, sa numero ng napapabuting mga buhay. Titingnan natin kung seryoso… kung seryoso lahat na sabay-sabay nating pagtutulungan na maayos ito. Kasi iyong sa akin, babaguhin natin iyong polisiya pagdating sa… pagdating sa mga unnecessary—lalo na iyong pagpatay ng mga inosente.

    Pero marami pa tayong araw. First day ko pa lang ito. First day ko pa lang ito. As we speak, marami na ding pag-uusap na ginagawa. Nagbigay na tayo ng mga assignments kahapon, hindi lang sa staff, pero sa mga nagvo-volunteer tumulong. So as we speak, marami nang pag-uusap na ginagawa. Gaya ng sabi ko, iyong invitation for a meeting tomorrow, dini-distribute this morning. So bukas na hapon, mas maraming… mas maraming updates na mabibigay sa inyo, dahil bukas iyong meeting.

    CNN PHILIPPINES: Sa OVP iyan, Ma’am?

    VP LENI: Sa OVP. Gusto natin mas maging transparent. Gusto natin alam ng— Kasi iyong transparency, iyon iyong nakakatulong din sa accountability. Gusto natin transparent iyong proseso, transparent iyong policies. So bukas, kung anuman iyong mag-transpire sa meeting, we will make it public—puwera na siguro kung mayroong mga confidential information; lalo na iyong intelligence, baka hindi puwede sabihin. Pero tingin natin mas mararamdaman ng bawat isa sa ating mga kababayan na laban natin itong lahat kapag naiintindihan nila kung ano iyong nangyayari at saan tayo patutungo.

    TV5: Ma’am, sabi niyo kanina may makabuluhan na initiatives. At this point, ano po ba iyon from your view?

    VP LENI: Ito, from sa mga information na naga-gather natin, iyong ICAD marami siyang clusters. So mayroong mga clusters na mayroong justice, mayroong law enforcement, mayroon sa rehabilitation. Lima yata lahat na clusters. Iyong mga ginagawa na tingin natin nakakatulong naman… Ako, tingin ko lahat naman may advocacy, lahat naman may ginagawang nakakatulong, eh. Iyong— Mas mabibigyan kasi siya ng porma bukas pag-report ng Director General ng PDEA, kasi siya iyong nag-chair nito since cinreate iyong ICAD. Malalaman natin iyong detalye ng mga ginagawa ng bawat cluster, at iyong lahat na— Walang point para mag-reset tayo, eh. Ang ire-reset lang natin iyong hindi nagwo-work, saka iyong ire-reset natin iyong mga ginagawa na sa labas ng bounds ng rule of law, social justice, saka human rights. Pero iyong lahat na within those bounds, itutuloy natin at lalong ise-strengthen.

    GMA-7: So, Ma’am, iyong sinasabi na, like, kaysa maunahan kayo, maunahan niyo na, hindi na mangyayari ngayon iyan?

    VP LENI: Hindi na mangyayari. Ang aalamin nga natin, mayroon bang sinusunod na unified na rules of engagement para sa drug arrests. Iyan iyong aalamin natin bukas.

    RAPPLER: Ma’am, ano iyong pinakamahirap about your decision-making process? Considering that even your own allies were giving you a lot of advice and many of the advice were saying na it’s going to be a trap for you?

    VP LENI: Iyong pinakamahirap talaga, dahil almost all nag-a-advise sa akin na huwag kong tanggapin. Hindi ko mabe-blame, kasi iyong mistrust sa sincerity ng pag-alok sa akin, makikita naman natin iyan sa statements ng ibang mga nakapalibot sa Pangulo. Pero iyong sa akin kasi, aware ako sa lahat na threats, eh. Pero ito, binibigyan ako ng pagkakataon na baguhin iyong ayaw ko na nangyayari. So kahit sobrang hirap, susubukan. Susubukan. Ang ninanais lang natin, na sana seryoso na… sana seryoso na talagang titingnan na iyong pag-appoint sa akin para mas bumuti. Kasi makikita naman natin iyan in the coming days kung seryoso. Pero sa akin, paano natin makikita kung hindi natin susubukan. So iyong sa akin naman, never akong umurong sa.. never naman akong umurong sa mga pagsubok na ganito. Iyong pinakamasama sa lahat, na hindi ko sinubukan.

    GMA-7: Ma’am, handa ka na ulit pumunta doon sa Cabinet meeting? Sabi niyo nga, may mga iba na tingin mo baka, alam mo na, mukhang hindi sinsero, pero handa ka na ba?

    VP LENI: Parati naman akong handa. Parati naman akong handa. Pero siyempre, bine-bear in mind ko na in the first place, ako iyong ayaw pa-attend-in ng Cabinet meetings. So hindi ko naman ipagpipilitan iyong sarili ko. So iyong sa akin, kapag pina-attend ako, mag-a-attend ako. Pero ang sa akin kasing focus, mapabuti iyong bagong assignment na ibinigay sa akin.

    ABS-CBN: Ma’am, may ipapasok ba kayong mga tao, like iyong mga mineet niyo kagabi, para staff niyo as co-chair?

    VP LENI: Tiningnan ko iyong— Depende kung magbabago iyong executive order, pero kapag tiningnan mo kasi iyong executive order, wala siyang budget. Iyong ICAD walang budget of its own. Ang budget niya, kaniya-kaniyang ahensyang miyembro ng ICAD, kaniya-kaniyang sagot ng mga ginagawa. Alam naman natin na iyong opisina namin walang budget. So iyong sa akin, ako, hindi ako naghahanap ng kahit ano. Parating mas makakatrabaho sana ako kung mayroong ganito, pero kung wala, we’ll work within what is given to me. Nasanay naman tayo sa ganoon.

    GMA NEWS ONLINE: Ma’am, would you call on ICAD members to open the table for human rights people, like from CHR, even from the UN?

    VP LENI: Ako, isa iyon sa mga magiging panukala ko. Pero iyong sa akin, parating hindi pagfi-fingerpoint. Iyong sa akin, mayroong cluster na is in charge of that. We’ll just make sure na iyong lahat na nagkasala will be put to justice. Iyong lahat na naging biktima will get justice. Pero iyong sa akin mas tinitingnan ko moving forward na hindi na mangyari ulit. Sa akin, tingin ko makakatulong sa campaign kapag i-broaden sana iyong membership ng ICAD to include private sector. Hindi lang iyong lahat gobyerno iyong nag-uusap, kasi paminsan kapag lahat gobyerno, may tendency na, alam mo iyon, parang magsarili nang hindi nabibigyan ng boses iyong iba.

    Ako, iyong isa sa mga panukala ko, i-broaden iyong membership to include iyong mga private organizations saka advocates saka faith-based organizations na who have been working on the anti-drug campaign for so long. Kasi tingin ko iyong pinaka-mensahe nito, laban natin ito lahat, so dapat pagtulungan natin.

    RAPPLER: Ma’am, may mga nagsasabi that your decision to accept the post will—and I’m just quoting them—make or break a possible run in 2022. Was this even part of your decision-making process?

    VP LENI: Ako, kung siguro inisip ko iyong 2022, hindi ko ito tatanggapin, kasi too much of a risk. Pero iyong sa akin kasi, nadedehado masyado iyong ating mga kababayan kapag kaming mga nakaupo tinitingnan na iyong 2022. Mayroon pa kaming dalawa’t kalahating taon. Kapag inisip ko iyong 2022, aakyat ba ako dito sa bundok na kakaunti iyong tao? Bakit ko sasayangin iyong oras ko dito, na sobrang hirap umakyat, para lang makausap iyong kaunting tao na hindi nga—karamihan nga siguro sa kanila hindi ako kilala? Kapag inisip ko iyong 2022, biglang mababago iyong buong galaw ko. Iyong programa namin mako-compromise talaga. Hindi lang iyong sa anti-drugs, pero lalo na sa ginagawa namin sa opisina.

    CNN PHILIPPINES: Ma’am, speaking of iyong ginagawa niyo nga, and iyong pagpunta niyo dito today, paano niyo, Ma’am, idi-divide iyong sked niyo? Kasi may bago po kayong trabaho, pero siyempre, ang talagang advocacy niyo, Ma’am, is iyong Angat Buhay. Paano po iyon?

    VP LENI: Actually, kahapon, mineeting ko iyong staff. Humingi ako sa kanila ng paumanhin, kasi alam ko siguro sa pagtanggap ko, nasaktan iyong mga staff, kasi alam nila na kinukulang na nga kami ng oras para sa ginagawa namin tapos tumanggap pa ako ng assignment. So humingi ako ng paumanhin, in-explain ko kung bakit ko tinanggap. Pero iyong sinabi ko, minimum disruption to what we’re doing already; dadagdagan ko na lang iyong oras ko sa isang araw. If at all, baka iyong i-adjust namin iyong ceremonial functions, iyong mga meetings na hindi konektado sa Angat Buhay, iyong social functions na connected with the office, iyon siguro iyong babawasan. Pero iyong mga provincial visits kagaya nito, hindi ko iyon babawasan, kasi commitment ko iyon since 2016. Maraming mga communities na umaasa sa amin. Marami din na mga partners na umaasa sa amin. So kung kailangan magtrabaho eight days a week, gagawin natin. Pero hindi dapat ma-disrupt iyong dati nang ginagawa.

    OVP: Okay?

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    [end 1st recording; reporter requests to ask additional questions]

    GMA-7: … magkaroon na kayo ng full access as co-chairman doon sa mga data na dati hindi niyo nakukuha?

    VP LENI: Napakahalaga. Napakahalaga kasi iyong pagplano naman nagiging mabuti kapag iyong baseline mo, iyong metrics mong gagawin, nakabase sa baseline. Hindi ka humuhula, hindi ka blindsided. Mas maigi iyong pagplano kapag binibigyan ka ng data. Naaalala ko, in 2017 or late 2016, sumulat ako sa PNP saka sa DILG, humihingi ako ng data. Hindi nga ako sinagot. And ngayon, baka naman wala nang dahilan para hindi ako sagutin, kasi iyong Pangulo na iyong nag-atas sa atin. Siguro mas may legitimacy na iyong paghingi ko, kasi siguro tingin nila dati wala akong karapatan humingi kaya hindi ako sinagot. Eh ngayon wala nang dahilan para hindi iyon ibigay sa akin.

    GMA-7: Ma’am, napupulaan ang war on drugs ng administrasyon kasi wala daw nahuhuli o napapatay na mga big-time na drug lords. Sa time niyo po, aim niyo ba iyon, na iyong totoong mga drug lord na iyong mga mahuhuli, o kung sakali man ay mapatay?

    VP LENI: Wala sa plano natin ang pagpatay. Kasi wala iyon sa… wala iyon sa bounds ng rule of law. Iyong sa atin, iyong ating directive, imbes na… imbes na nakatuon iyong concentration sa mga maliliit, baka mas maraming resources saka mas maraming oras iyong gamitin para hanapin iyong malalaki. Iyon iyong ating directive. Pero iyong pagpatay—whether maliit o malaki—wala iyon sa usapan.

    INQUIRER.NET: Ma’am, last na: How do you see working with PDEA Director General Aquino?

    VP LENI: Sa akin, walang personal sa akin. Hindi ako apektado ng lahat na sinabi, kasi sa akin, trabaho ito. Gaya ng parati kong inuulit-ulit, kapag public servant ka, wala ka dapat ego. Wala akong— Hindi ko pinersonal iyong lahat na comments na nabitawan. Iyong sa akin lang, walang puwang para sa trabaho namin iyong emosyon. Basta kami magtatrabaho kami nang maayos at seseryosohin namin ito.

    RAPPLER: Ma’am, huli na talaga. [laughter] Ma’am, may mga nagsasabi kasi na medyo malabo daw po iyong technicalities noong post. So do you consider yourself as a Cabinet member again?

    VP LENI: Hindi kasi— Sa akin kasi, hindi mahalaga iyong posisyon. Actually, that was part of the discussion whether I should accept or not, kasi maraming kumukuwestiyon sa legality ng pag-appoint sa akin, kasi dinesignate ako sa isang non-existent position. Pero iyong sa akin, sa akin, bahala na kayo mag-usap sa mga legality, pero sa akin iyong mahalaga iyong trabaho, eh. Wala— Again, two and a half—900-plus days na lang. Two and a half years. Ang laki pa ng ating problema. Pagtulungan na natin ito. Huwag nang pagdebatehan kung ano pa. Kung ano iyong makakabuti sa kampanya, gawin na natin.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Nov 06, 2019