This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni at the Turnover of Street Lights in Jose Panganiban, Camarines Norte

    Turnover of Street Lights

    Jose Panganiban, Camarines Norte

    ABS-CBN NEWS: Ma’am, iyong paglabas po kagabi, ano po iyong naiisip niyo noong pinalabas po ng Supreme Court… noong finally ni-release na po iyong—

    VP LENI: Noong lumabas iyong PET resolution at saka iyong results ng recount, masayang masaya kami kasi if you will recall, two or three weeks ago naghain na iyong aming mga abogado ng motion sa PET para ilabas na iyong results. Kaya lang naman namin iyon hiningi kasi sobrang dami na ng mga allegations at ang daming mga allegations ang hindi naman totoo. Marami iyong mga fake news na lumalabas galing sa kampo ni Marcos. Sinasabing uupo na raw iyong tunay na halal na VP. At kami, nalulungkot na umaabot sa pagsisinungaling para lang makuha iyong kanilang kagustuhan.

    Iyong paglabas noong resolution, paglabas noong resulta ng recount, nagpapakita kung sino iyong nagsasabi ng totoo. At hindi iyon puwedeng kuwestiyunin nila kasi ginagawa iyong recount, nandoon iyong kanilang mga watchers. Nandoon iyong kanilang mga watchers, kaya alam nila na iyon iyong resulta.

    Pero nakakalungkot lang kasi alam na nila iyong resulta, ginagawan pa nila ng peke na balita. Kaya mas mabuti na galing na talaga sa PET iyong kung ano talaga iyong nag-transpire during the recount.

    Ito naman, ang pumili ng tatlong pilot provinces sila, hindi kami. Sila iyong pumili, sumang-ayon kami at during the preliminary conference, in-admit ng kanilang abogado na kapag walang substantial recovery galing dito sa tatlong pilot provinces, idi-dismiss na iyong petisyon. Ngayon, dahil alam nila na lalo pang lumawak iyong aking lead laban sa kanila, ang gusto naman nila magdagdag na naman ng mga probinsya. Ito, salungat naman ito sa rules ng PET.

    Kaya iyong hinihiling lang namin, kami parati naman kaming sumusunod. Kapag sinasabing ganito iyong isa-submit, “Okay.” Pero iyong hinihiling lang naming, sana maipatupad iyong pag-implement ng sariling rules ng Presidential Electoral Tribunal.

    ABS-CBN NEWS: Ma’am, iyong dissenting opinion po noong dalawang judge, ano po iyong reaction niyo doon?

    VP LENI: Iyong dissenting opinion kasi from the very start, iyon naman iyong aming sinasabi na dahil walang substantial recovery na nakuha, dapat immediately i-dismiss na iyong petition. So masaya kami na nakasulat iyon, masaya kami na iyong aming paniniwala, iyon din iyong paniniwala noong mga nakakaintindi ng aming kaso. Pero kami, kahit pinapa-submit pa kami further ng comments, gagawin namin iyon. Pero ganoon pa rin iyong aming paniniwala na iyong katanggap-tanggap lang talagang desisyon ay iyong dismissal dahil iyon naman iyong sang-ayon sa rules ng Presidential Electoral Tribunal.

    ABS-CBN NEWS: Ma’am, two more questions po. Siguro balikan lang po natin from the very start itong journey niyo with the electoral protest, ano po iyong effect nito sa inyo mismo?

    VP LENI: Sa akin, sa trabaho ko walang epekto kasi hindi ko naman masyadong binibigyan ng pansin, pero gumagastos ako dahil siyempre, gumugulong iyong proceedings, nagha-hire kami ng watchers, siyempre iyong mga abogado kahit nagseserbisyo iyan para sa bayan, nagagastusan din kami. Pero ang mas malaking… ang mas malaking, parang negative… negative impact nito sa amin, dahil mayroong pending na protest, nagkakaroon ng platform si Marcos na maghasik ng mga kasinungalingan.

    Babalikan natin iyong lahat na statements na nilabas nila, kine-claim na nila iyong victory from the very start. Tinagurian nila akong fake VP at ang tanong ko ngayon na lumabas na iyong rules ng—lumabas na iyong results ng recount, sino ba iyong fake VP sa aming dalawa? Nagsasabi na siya iyong ninakawan ng boto, lumabas na iyong, ito, lumabas na iyong results ng recount, sino ba iyong nagnakaw ng boto?

    Iyong sa akin lang, nanalo ako noong 2016, pinroklama ako ng Congress, ngayon siya iyong nagpa-recount, siya iyong pumili ng provinces, iyong pinili niyang provinces nanalo ulit ako, dapat tanggapin na lang.

    ABS-CBN NEWS: May personal message ka po kay Senator Bongbong?

    VP LENI: Wala akong personal message kasi hindi naman iyon makikinig. Iyong sa akin lang, mensahe siguro para sa lahat na doon lang tayo sa katotohanan, kasi parati ko itong inuulit-ulit: ano man iyong gawin mo, sa dulo parating iyong totoo iyong lalabas. Iyong sa akin lang, para makamit mo iyong gusto, ‘di ba, para makamit lang iyong gusto mo, dinadamay mo iyong buong bayan. Gusto mong i-disenfranchise iyong mga botante, gusto mo maalis iyong choice, iyong pagpili nila ng kung sino iyong gusto nilang mamuno sa kanila dahil lang sa sarili mong ambisyon, dahil sa sarili mong paghahangad. Tingin ko, iyon iyong mali—na willing kang mag-sakripisyo lahat basta makuha mo lang iyong gusto mo.

    ABS-CBN NEWS: Ma’am, ano po iyong reaction niyo doon kay Vic Rodriguez? Fake victory daw.

    VP LENI: Sabi ko nga, iyong pagsisinungaling pala nakakahawa. Hindi lang pala iyong kanilang principal iyong nagsisinungaling, pati abogado. ‘Di ba bawal sa abogado magsinungaling? [chuckles]

    ABS-CBN NEWS: Ma’am, last question, BARMM—iyong Governor po ng Bangsamoro, nagpahayag ng statement of support po na kayo lang iyong bumisita noong panahon ng eleksyon. What does this—

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, alam noong mga taga… iyong dating ARMM, ngayon BARMM na, na talagang pinaghirapan ko iyong botong kinuha ko doon. Noong eleksyon, marami na sa aking nagsasabing huwag na ako pumunta doon kasi sayang sa oras, pero ako, pumunta ako doon. Pumunta ako mag-isa, nagpakilala ako ng sarili ko, umikot ako sa buong probinsya, at hindi lang nangampanya pero talagang nagbigay ako ng oras para pakinggan iyong mga hinaing ng mga taga-Bangsamoro—at hindi iyon natapos noong eleksyon. Lalo pa akong bumalik-balik pagkatapos ng eleksyon dahil iyon iyong aking pangako sa ating mga kababayan: na bibigyan ko ng mas maraming oras at effort iyong ating mga kababayan na nasa laylayan ng lipunan. Sila iyong makakapagsabi sa inyo na napakadalas ko sa Lanao del Sur, napakadalas ko sa Basilan, napakadalas ko sa ibang bahagi, hindi lang ng ARMM pero ng Mindanao. Hindi niyo lang nababasa kasi iyong mga pinupuntahan namin, ito iyong mga malalayo talaga, pero kapag nakausap niyo iyong mga taga-doon, sila iyong makakapagsabi kung ano iyong trabahong ginagawa ko doon.

    ABS-CBN NEWS: Thank you, Ma’am!

    -30-

    Posted in Transcripts on Oct 18, 2019