This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Mensahe ng Pangalawang Pangulo sa Araw ng mga Bayani

    Nakikiisa tayo sa paggunita ngayong araw sa katapangan at mga sakripisyo ng ating mga bayani.

    Puno ng mga pagsubok ang ating kasaysayan, at sa gitna ng mga unos na kinaharap ni Inang Bayan, ipinamalas ng ating mga bayani ang diwa ng pagiging Pilipino—ang walang pag-aatubiling pag-aalay ng sarili para sa ikabubuti ng mas nakararami. Ang kanilang tapang, dedikasyon, at pag-ibig sa ating bayan ang naging pundasyon ng kalayaang ating tinatamasa ngayon.

    Ang mga aral na ating mapupulot sa kanilang mga buhay ay nananatiling mahalaga, lalo na sa mga panahong hinahamon ang ating demokrasya. Ang ating mga bayani ay huwaran para sa ating mga mamamayan na tumugon sa tawag na ipagtanggol ang bayan at ang mga paniniwalang pinahahalagahan natin bilang sambayanan.

    Sa araw na ito, nagbibigay-pugay rin tayo sa ating mga bagong bayani, na nagpapamalas ng katapangan sa gitna ng mga pagsubok ng kasalukuyang panahon. Lubos ang ating pasasalamat sa ating mga overseas Filipino workers para sa kanilang mga sakripisyo—tinitiis na malayo sa bayang kinagisnan upang mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang mga pamilya at ang ating bansa. Saludo rin tayo sa ating mga sundalo na inilalagay ang kanilang mga sarili sa gitna ng panganib para tiyaking ligtas tayong makakapamuhay sa araw-araw. Kasama kami sa mga nananalangin para sa kanilang proteksyon sa pagganap sa kanilang mga tungkulin.

    Mga bayani man ng nakaraan, o mga bagong bayaning patuloy na nagsisilbi sa bayan, nawa ay maging inspirasyon sila sa ating lahat sa gitna ng mga pagsubok na ating kinakaharap. Ang kanilang halimbawa ay pagpapaalala na tayo mismo ang susi sa pagbabagong ating hinahangad.

    Posted in Press Releases on Aug 27, 2018