This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Mensahe ni VP Leni Robredo sa ika-47 anibersaryo ng pagdedeklara ng Batas Militar

    Apatnapu’t pitong taon na ang nakalilipas, nagsimula ang isa sa pinakamadilim na yugto ng ating kasaysayan—ang pagdedeklara ng Batas Militar ng diktador na si Ferdinand Marcos. Sa ilalim ng diktaduryang Marcos, pitumpong libo ang ikinulong, tatlumpong libo ang tinorture, higit tatlong libo ang pinaslang, at daan-daan ang bigla na lang naglaho at hindi na natagpuan.

    Para sa mga hindi nakaranas ng mga karahasang ito, maaaring napakahirap isipin: Paano nga ba tayo humantong sa puntong ito ng ating kasaysayan? Sa ating pagbabalik-tanaw, huwag sana nating kalimutan na hindi lang mga numero ang ating pinag-uusapan, kundi kuwento ng mga karaniwang tao na tulad natin—mga magulang, anak, kapatid—mga kapwa natin Pilipino na naging biktima ng isang malupit at mapang-abusong rehimen. Ang iba sa kanila, mga bayaning nagpasyang tumindig sa kamay na bakal, kahit na buhay pa nila ang kapalit. Ang iba, ordinaryong mamamayan na nagsikap lamang manahimik at mabuhay nang payapa sa gitna ng pang-aapi ng diktadurya, ngunit naging biktima pa rin ng mga kampon ng isang administrasyong lasing sa kapangyarihan.

    Ngayong araw, matapos ang higit apat na dekada, nahaharap tayo sa isang panibagong hamon: ang mga taong yumurak sa ating mga karapatan, tinapakan ang ating kalayaan, at nagnakaw sa kaban ng bayan ay nagbabalik sa kapangyarihan. Pinipilit nilang baluktotin ang katotohanan nang walang kahit anong bahid ng hiya at pagsisisi, para sa pansarili nilang kapakanan.

    Ngunit tandaan natin na ang ating laban ay hindi lang laban sa isang pamilya o isang pangalan. Ang labang ito ay laban sa pagkalimot, pananahimik, at pagkikibit-balikat. Kailanman ay hindi ito tunggalian ng dilaw at pula, at magkakaibang pulitika; laban ito ng bawat Pilipinong naniniwala sa demokrasya; laban ito sa kahit kaninong maglalakas-loob na abusuhin at lapastanganin ang mga taong nagluklok sa kanila sa kanilang kinalalagyan.

    Higit sa pag-alala, ang araw na ito ay isang panawagan sa ating lahat na maging kasangkapan ng katotohanan at katarungan. Isang panawagan na gampanan ang ating iisang tungkulin na siguruhing walang lugar ang kahit sinong diktador sa isang bayang malaya. Tandaan natin na walang pinuno ang mas makapangyarihan sa kaniyang sambayanang pinagsisilbihan.

    May magtangka mang ulitin ang madilim na yugtong ito ng ating kasaysayan, sama-sama tayong titindig nang taas-noo at sasabihin: Hindi natin hahayaang umiral muli ang kadiliman sa ating bayan. Hindi dito, hindi ngayon, at hindi kailanman.

    Posted in Press Releases on Sep 21, 2019