This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Mensahe ni VP Leni Robredo sa Linggo ng Pagkabuhay

    Pagbati po ng isang maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay sa ating mga kapatid na Kristiyano at sa buong sambayanang Pilipino. Mapalad tayong ipagdiwang ang araw na ito sapagkat kasabay ng muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo ay ang dala Niyang mensahe ng pag-asa at kaligtasan. Sa araw na ito, ginugunita natin ang Kanyang dakilang pagmamahal nang iligtas Niya tayo sa ating mga kasalanan.

    Sana ay gawin nating makabuluhan ang Kanyang muling pagkabuhay sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng Kanyang mga aral sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Isa rin itong magandang pagkakataon upang patuloy nating pagnilayan ang ating mga gawa at ituwid ang ating mga naging pagkakamali.

    Kasabay ng pagtatapos ng mga Mahal na Araw, patuloy rin sana nating gunitain ang mga naging sakripisyo ng ating mga kababayan para makamit ang kalayaan at kapayapaan sa ating bansa. Magsilbi sanang paalala ang araw na ito upang patuloy nating pahalagahan at pagtibayin ang ating mga paniniwala, pananampalataya, at ang ating kaluluwa bilang isang bayan.

    Tandaan natin: ang bawat isa sa atin ay may pag-asa, kakayahan at pagkakataong magbago at mas pagpabutihin ang ating mga sarili, hindi lang para sa sarili nating interes kundi para sa kapakanan ng ating kapwa at ng minamahal nating bayan. Anu man ang ating pinagdadaanan o kahaharapin pa, gawin sana nating inspirasyon si Kristo at ang araw na ito upang magpatuloy sa ating paglalakbay. Huwag sana tayong panghinaan ng loob na magsimulang muli at magbagong-buhay.

    Sa panahong ito kung saan tila maraming banta sa ating demokrasya at mga karapatan, gawin nating liwanang ang lakas at sakripisyo ni Kristo upang patuloy tayong tumindig at magkapit-bisig upang ipagtanggol ang ating kalayaan. Magsilbing paalala rin sana ang araw na ito sa ating lahat na sa huli, sa kabila ng kadiliman at kahirapan, ang kabutihan at pagmamahalan pa rin ang mananaig.

    Patuloy po nating ipanalangin ang ating kapwa at ang ating Inang Bayan. Maraming salamat at maligayang Linggo ng Muling Pagkabuhay!

    Posted in Press Releases on Apr 21, 2019