This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Mensahe ni VP Leni Robredo sa Paggunita ng Araw ng mga Bayani

    Sa araw na ito, ginugunita natin ang kagitingan ng mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay upang makamtan ang tinatamasa nating kalayaan.

    Mataimtim ang pagkilala natin sa ating mga bayani; naglalaan tayo ng mga araw upang ipagdiwang at sariwain ang naging buhay nila. Ngunit ngayong araw, walang iisang bayani ang iniaangat natin sa iba. Tanyag man o hindi, may mukha man o wala, taas-noo nating binibigyang-pugay ang lahat ng mga bayaning nag-ambag para sa ating bayang malaya.

    Bago natin sila tinaguriang mga bayani, sila ay mga ordinaryong mamamayan tulad natin—mga makabayang Pilipino na nagpasyang tumindig kung kailan pinakakailangan, sa pinakamahahalagang yugto ng ating kasaysayan. Magsilbing paalala sana ang araw na ito na walang iisang bayani ang makapagsasalba sa atin mula sa ating kinalalagyan. Wala sa kamay ng iisang tao ang solusyon sa lahat ng ating mga suliranin, at walang iisang pinuno ang makapagbibigay sa atin ng mas magandang bukas.

    Gaya ng paulit-ulit nang itinuro ng ating kasaysayan, magiging totoo at makabuluhan lang ang ating pag-unlad at kalayaan kung magpapaka-bayani ang bawat isa at sa ating pagbabayanihan. Pilipino ang bayani ng kapwa Pilipino. Ikaw ang bayani ng iyong kapwa, at may kakayahan kang makagawa ng makabuluhang pagbabago sa iyong bayan at sa buhay ng iyong kapwa tao.

    Sa panahon kung kailan maraming banta sa ating demokrasya at soberenya, patuloy sana tayong manindigan para sa mga kalayaan at mga karapatang ipinaglaban ng mga nauna na sa atin. Panahon na upang tayo naman ang magpatuloy nito. Muli, isang mainit na pagbati, at mabuhay ang makabagong bayaning Pilipino.

    Posted in Press Releases on Aug 26, 2019