This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Mensahe ni VP Leni Robredo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay 2018

    Nakikiisa po ako sa sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay!

    Napakahalaga po ng pistang ito, sapagkat ating inaalala ang dakilang sakripisyo ng Panginoong Hesukristo para sa ating lahat. Sa Kanyang muling pagbangon, tayong lahat ay nabuong muli at naghilom.

    Sa pagtatapos ng Kuweresma, patuloy po tayong mag-alay ng dasal para sa ating bayan. Alalahanin natin ang mga nag-alay ng kanilang buhay sa ngalan ng kapayapaan at kalayaan.

    Isabuhay natin ang mga turo ni Hesukristo sa ating pang-araw-araw na buhay. Tulad ng Kanyang ipinakitang halimbawa, kalingain natin ang mga nakalimutan, nawawala, at napag-iwanan.

    Lagi nating tandaan: ang tunay na pagbabago ng bayan ay nagsisimula sa pagbabago ng sarili. Pagbabago na nakaugat sa pakikinig at pagrespeto sa kapwa. Pagbabago na pinipili ang pagtulong at pag-unawa.

    Sa Kanyang pag-aalay ng sarili, binago ni Hesus ang mukha ng mundo. Ipinakita niya na mas makapangyarihan ang pag-ibig kaysa kamatayan; na kayang basagin ng liwanag ang kadiliman; at may mas magandang bukas tayo na laging maaasahan.

    Paghugutan natin ito ng lakas at inspirasyon upang ipagpatuloy ang ating mga gawain para sa bayan. Magsilbi tayong tanglaw ng pag-asa sa pinakamalalayo at pinakamahihirap na komunidad. Maglakad tayo kasama nila, at bigyang-boses ang naaapi at mahina.

    Magkakaiba man ang ating pinanggagalingan, magkakasalungat man ang ating paniniwala – naniniwala ako na mas malakas pa rin ang puwersa na nagbibigkis sa atin kaysa sa pwersang humahati sa ating bayan.

    Sa panahon kung saan tila sinisiil ang demokrasya, sama-sama tayong tumindig at ipagtanggol ang karapatan ng bawat isa. Kapag tayo ay iisa, anumang kalbaryo ay kaya nating malampasan.

    Ang tagumpay ng ating Panginoon laban sa kamatayan ay isang mahalagang paalala – na sa dulo ng lahat, mangingibabaw ang katotohanan, at ang mabuti ang siyang laging mananaig.

    Muli, isang makabuluhan at mapagpalang Pasko ng Pagkabuhay sa ating lahat!

    Posted in Press Releases on Apr 01, 2018