Search

MENSAHE PARA SA KAPISTAHAN NG ITIM NA NAZARENO

MEDIA RELEASE 09 January 2026

MENSAHE PARA SA KAPISTAHAN NG ITIM NA NAZARENO

Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh! Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan. Magandang araw sa inyong lahat.

Sa pagdiriwang natin ng kapistahan ng Black Nazarene, muling binibigyang-diin ang ating matibay na pananampalataya bilang mga Pilipino.

Ang debosyon sa Black Nazarene ay nagpapaalala sa atin ng walang kapantay na pag-ibig, sakripisyo, at pagpapakumbaba ni Hesus para sa sangkatauhan.

Sa bawat taon, ang bawat hakbang na tinatahak ng mga deboto, sa kabila ng hirap at pagsubok, ay nagpapatibay sa ating pananampalataya.

Ang Pista ng Itim na Nazareno ay hindi lamang isang selebrasyon ng nakagisnan na tradisyon, isa itong panawagan upang pagnilayan ang ating mga pagkukulang, humingi ng tawad, at magpasalamat sa lahat ng biyayang natanggap.

Nawa'y magsilbing inspirasyon ang Itim na Nazareno upang patuloy nating isabuhay ang turo ng pag-ibig at pagtitiwala sa plano ng Diyos.

Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa bayan, at sa bawat pamilyang Pilipino.

Shukran.