This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the 3rd Anniversary of APOAMF’s People’s Plan

    3rd Anniversary of Alliance of People’s Organizations along Manggahan Floodway (APOAMF)’s People’s Plan

    LRB Manggahan Residences, Barangay Sta. Lucia, Pasig City

    Maraming salamat! Maupo po tayong lahat.

    Bago po ako magpatuloy, pagbigay-galang muna sa mga opisyal na kasama po natin ngayon, sa pamumuno po ng ating batang-bata pero napakahusay na councilor ng lungsod ng Pasig. Palakpakan po natin, Councilor Vico Sotto. [applause] Galing pa lang po si Councilor Vico sa Naga. Pinag-aralan niya iyong Naga City People’s Council, saka iyong People Empowerment kaya siguro hindi tatagal, dito sa Pasig, uusad na rin. Palakpakan po natin ulit si Councilor Vico. [applause]

    Nandito din po iyong representative ng NHA, National Housing Authority, si Engineer Maria Teresa Siyat, magandang umaga po, ma’am [applause]; at siyempre, iyong ama ng Barangay Sta. Lucia, Punong Barangay Elpidio Bunag, Kap, [applause]; saka po iyong buong konseho, iyong buong konseho ng Barangay Sta. Lucia; iyong—siyempre kayo iyon—kaninang-kanina ko pa pina-praktis, APOAMF (Alliance of People’s Organizations along Manggahan Floodway), [applause] sa pamumuno ng inyong presidente, Mr. Arsenio Aquino, palakpakan po natin si Mr. Aquino [applause]; nandito rin iyong dati nating presidente, Mr. Bernardo Belmonte [applause]; kasama din po natin ngayong umaga—kasama ko po siya sa HUDCC(Housing and Urban Development Coordinating Council). Siya iyong namumuno ng HUDCC noong nasa HUDCC pa ako, pero mula sa umpisa nito, siya na iyong kasama ng asawa ko—Attorney Angel Ojastro [applause]; at kanina po sabi ko, nasa… ay si Chief of Police po pala, si Sir [Gapas] palakpakan po natin [applause], maraming salamat po, Sir.

    Kanina nasa stage ako, pagpasok ko pa lang, nakita ko na iyong mga kaibigan sa informal settlers na advocacy. Parang reunion ito, ano? [applause] Parang kumpleto. Lista ako nanglista ng mga pangalan, paisa-isa dumadating, sabi ko, “Papangalanan ko na lang tuloy iyong asosasyon.” Iyong lahat na represented ngayon na mga grupo; siyempre, nandiyan iyong COM(Community Organizers Multiversity), ayan, si Ma’am Mary [applause]; kanina nakita ko si Ma’am Alice—nandito pala. Parang nakita kita kanina nakatayo tapos nakaupo ulit. Ayan, si Ma’am Alice. Malaki iyong kanilang grupo, iyong mga UPAC (Urban Poor Alliance Action Committee), ayon; nandito din iyong ULAP—ayan iyong ULAP (Union of Local Authorities of the Philippines). Nasaan iyong mga iba’t ibang ULAP? Ayon; nandito din iyong UP-ALL(Urban Poor Alliance), ayan, iyong mga UP-ALL[applause]; nandito din iyong PHILSSA (Philippine Support Service Agencies), ayon [applause]; nandito din iyon TAO PILIPINAS, ayan [applause], parang pare-pareho yata iyong mga taong nagye-“Yehey!” Sabagay, magkakapatid kasi ‘di ba saka magpi-pinsan, ayon.

    Pero ito, kapag nagse-celebrate ng anniversary na ganito, napakasaya. Pero lalong-lalo na siguro dito, dahil sa haba at sa tindi ng hirap na pinagdaanan niyo lahat para maabot ang panahon na ito. [applause]

    Kanina, nagpapa-kuwento ako kay Atty. Angel ng kuwento sa umpisa. Marami siyang kinukuwento pero Jennylyn, ang kuwento niya crying lady ka raw nila. Tama ba iyon? [laughter] Marami ka na raw na luha na binuhos mula noon pa man. [Audience: Yes!]

    Pero alam niyo po, mahaba iyong kuwento niyo dito, pero mahaba rin iyong kuwento ng konsepto ng People’s Plan. Noong naging DILG (Department of Interior and Local Government) secretary iyong asawa ko—at kahit bago pa noon—isa sa mga tinutulak niya na talaga sa adbokasiya, iyong pag-umpisa ng konsepto ng People’s Plan sa pagtugon sa mga problema sa pabahay. Alam niyo po… ay, si Ma’am Alice alam ito. Siguro iyong mga taga COM alam din, kasi matagal na naming katrabaho iyong COM sa Naga. Pero iyong asawa ko, nag-Mayor siya una, 1988 pa lang, ano—29 years old pa lang iyong asawa ko noon [noong] nag-Mayor siya ng Naga. Isa sa pinakamatinding pagsubok na hinarap niya iyong informal settlers. Dahil dinesisyunan niyang iyon iyong harapin, parang na-master niya iyong problema sa informal settling. Pagkatapos ng siyam na taon na nag-mayor siya at nag-graduate siya, nag-aral siya ng isang taon. Pero pagbalik niya nag-trabaho siya, ano, nag-trabaho siya sa COPE Foundation, hindi ko alam. Ang COPE under siya sa COM, pero iyong COPE foundation… isang malaking organisasyon, ‘di ba? Isang malaking organisasyon doon sa… na iyongmga urban poor groups sa amin ang miyembro noon. Nagtrabaho iyong asawa ko bilang parang consultant sa COPE, at doon iyong nahubog iyong papaano itutulak lalo iyong konsepto ng People’s Plan na naumpisahan nasa Naga.

    So marami itong… maraming pinagdaanan. Noong 2001, kumandidato ulit siya bilang Mayor hanggang 2010. Pagkatapos niyang matapos ng 2010, naging DILG Secretary na siya. Pero by the time na DILG Secretary na siya, parang medyo nakilala na siya. Nakilala na siya na may kahusayan pagdating sa mga urban poor concerns. Kaya noong nasa DILG na siya, siya iyong na-assign ni Pangulong Aquino na mag-take charge sa informal settlers. Kaya si Pangulong Aquino naging pangulo 2010 pero 2011 less than a year sa pagka-pangulo niya, mayroon na tayo noong 50 billion [pesos] fund [applause], na kung saan iyong 472 million [pesos], ito na iyon. Iyong nakinabang doon sa P50 Billion Fund, iyong mga grupo na wala pang bahay na nangangailangan na urgently ng pabahay.

    Marami iyong ayaw sa konsepto ng People’s Plan kasi hindi siya madali, ‘di ba? Hindi siya madali—iyong prosesong dadaanan mo, mahaba. Maraming mga heartaches na pagdadaanan, lalong-lalo na kapag iyong mgakausap mo ahensya ng gobyerno. Parang walang appreciation sa konsepto, ‘di ba?

    Pero kayo na sumabak sa laban na ito, alam niyo kung gaano kahalaga iyong konsepto ng People’s Plan, kasi ito, empowerment ito e, ‘di ba? Hindi lang siya programang magbibigay ng pabahay. Pero iyong konsepto ng People’s Plan, binibigyan ng halaga iyong kahusayan ng ordinaryong Pilipino. Parang ang sinasabi sa People’s Plan, hindi lang iyong mga opisyal ng gobyerno iyong mahuhusay, pero kinikilala na kayong dumadaan sa problemang ito, mas mahusay pa kayo. [applause] Kaya kayo iyong dapat mag-plano— [applause] kayo iyong dapat mag-plano kung saan papunta iyong proyekto. Kayo iyong dapat mag-desisyon anong klaseng pabahay, saan, ano iyong financing scheme na dadaanan at lahat-lahat. At dahil iniiwan sa tao iyong proseso, talagang mas mabagal siya. Parating may debate kung ito ba iyong mas magandang paraan.

    Naalala ko, kasi noong miyembro ako ng House of Representatives—noong 16th Congress, noong Congresswoman ako—nagpasa ako ng isang panukala… nag-hain pala… nag-hain ng isang panukalang batas na ang batas, People Empowerment Bill. Noong dini-discuss ito sa komite, may mga kasamahan akong nagsasabing, “Pinapahirapan lang natin iyong sarili natin.” Sinasabi nila, “Tayo iyong nahalal ng tao, tayo na iyong binibigyan ng kapangyarihan na magdesisyon para sa kanila.” Pero hindi naiintindihan na ito iyong mas malalim na engagement. Ito iyong magdadala ng sustainability.

    Hindi ko alam kung napansin niyo, sa grupo ng APOAMF, nag-umpisa kayo marami pa sa inyo mahiyain, ‘di ba? Pero dahil sa tindi ng pakikibakang dinaanan, lahat na [ay] lider ngayon, ‘di ba? Mahuhusay na lahat.

    Pero ito iyon e, parang gusto natin na kabahagi sa proseso iyong taong makikinabang para siya iyong magsasabi kung ano iyong pinaka-kinakailangan niya. Totoong mahaba ang proseso, totoong mahirap. Totoong maraming sakit ng ulo at sama ng loob na pagdadaanan. Pero pagkatapos, mas malalim iyong pakinabang na makukuha.

    Kaya ngayon, nandito tayo para i-celebrate iyong… hindi lang tatlong taon eh. Mas mahaba ‘di ba? Mas mahaba. Tatlong taon mula noong… eight years pala, eight years. Pero ito, pagpapaalala lang sa atin na lahat ng pinaghihirapan parating nagbubunga ng mabuti. [applause] Lahat ng pinaghihirapan.

    At ito iyong bunga na hindi basta-bastang maaalis sa atin dahil mayroon tayong ownership, ‘di ba? Mayroon kasing mga reklamo na mahirap bigyan ng pabahay kasi binebenta lang, ‘di ba? Mayroong ganoon. Mahirap mag-ano… pero kung ikaw dumaan sa ganitong proseso, mamahalin mo, ‘di ba? [applause] Mamahalin mo, dahil kabahagi ka sa paghihirap. Iyon iyong nagbibigay ng sustainability at ito, hindi lang ito pabahay pero pag-buhay. Hindi ito simpleng binigyan mo ng pabahay kung saan na malayo, pero ito iyong pagde-desisyon na iniisip mo, doon ba sa pabahay na ibibigay mo, mayroon na doon na pagkakataon para mag-hanapbuhay?

    Kaya noong nasa HUDCC ako, sinusubukan ko… napaka-hirap dahil marami akong dinatnan na dati nang nandiyan. Iba na iyong mindset. Iyong pagbilang ng accomplishment, kung ilang bahay iyong natayo. Parati kong sinasabi, hindi iyon accomplishment. Proseso lamang iyon, ‘di ba? Dapat iyong accomplishment natin, ilang buhay ang nabago dahil sa pabahay. [applause]

    Kaya ito, noong nasa HUDCC kami, marami kaming ginawa ni Atty. Angel na ang pinaka-pangarap sana namin sa administrasyon na ito, maulit iyong P50 Billion Fund. Hindi pa iyon nangyayari. In fact, iyong frustration namin, bumaba pa iyong pondo para sa housing. Pero hindi tayo nawawalan ng pag-asa. Hindi tayo nawawalan ng pag-asa, kasi lalong pinapalakas natin iyong boses ng bawat isa sa inyo, lalo naman tayong papakinggan.

    Madalas, kapag may pinagdadaanan na pagsubok, marami tayong maririnig, “Saan ba tayo patungo? Mayroon pa bang pag-asa?” Pero alam niyo iyong pag-asa ng bansa natin wala naman sa mga namumuno. Iyong pag-asa ng bansa natin nasa kamay nating lahat. [applause]

    Kaya iyong akin lang na mensahe sa araw na ito: unang-una, congratulations [applause], sa pag-iiyak ni Jennylyn; [applause] congratulations sa APOAMF sa pagpupursige [applause]; maraming salamat sa lahat na mga people’s organizations, NGOs, mga ahensya na tumulong.

    Pero pagpapaalala din [ito] na hindi pa tapos ang laban. [applause] Iyong laban para maiahon iyong ating mga kasama sa kahirapan, iyon pa rin iyong pinakamalaking laban na hinaharap natin ngayon, kaya hindi tayo dapat mawawalan ng pag-asa. Bagkus, iyong mga ganitong okasyon, kukunin natin bilang paalala na walang imposible, gaya nang sinabi kanina. Lahat ng imposible maaaring maging posible basta sama-sama tayong naghihirap. Lahat na pinapangarap natin puwede nating maabot, basta naniniwala tayo sa ating sariling kakayahan. [applause]

    Kaya sa inyo pong lahat, maraming, maraming salamat.

    Alam niyo, kapag mga ganitong okasyon naaalala ko iyong asawa ko. Parang parati kong sinasabi na dapat siya iyong nandito, ‘di ba? Kasi noong nawala siya, wala pa ito e. Hindi niya pa nakita iyong produkto ng kaniyang sinimulan. Actually po, sinimulan iyong P50 Billion Fund [noong] 2011. 2012 nawala na iyong asawa ko. Kaya iyong mga pisikal na resulta ng kaniyang pinagpaguran, ako na iyong nakakadalo. Naalaala ko iyong mga dinaluhan ko, mayroon akong dinaluhan sa Pasay; mayroon akong dinaluhan iyong Ernestville sa Novaliches; mayroon akong binisitang napakalaking People’s Plan sa Valenzuela, pero hindi pa natu-turn over ngayon. Tapos, ito. Parang bawat nakikita ko, naaalala ko iyong asawa ko at parati kong sinasabing, “Sana ikaw iyong nandito.” Pero sigurado ako, kahit pisikal na hindi natin siya kasama, masayang-masaya siya para sa inyong lahat.

    Kaya magandang umaga, maraming salamat ulit! [applause]

    Posted in Speeches on Aug 27, 2018