This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Liberal Party’s National Executive Council Meeting

    Brgy. Loyola Heights Multi-Purpose Hall, Quezon City

    Maraming salamat! Magandang tanghali po sa inyong lahat.

    Former President Benigno Simeon Aquino III; Senator Kiko Pangilinan, our party chair; Senator Bam; iyong atin pong mga kasamahan sa House of Representatives, hindi ko na po kayo iisa-isahin; our former government officials who are present this morning; our local government officials who are also our party members; iyong atin pong mga kasamahan, mga kapwa ko kasapi sa Liberal Party [applause]; iyong barangay officials ng Barangay Loyola Heights, maraming, maraming salamat po sa pagpahiram sa atin ng lugar; sa inyong lahat, magandang, magandang umaga!

    Noong 2016 noong ako ay kumakandidato bilang Pangalawang Pangulo, marami akong sinabi. Pero isa sa pinaka natandaan ng mga tao na sinabi ko, iyong binigkas ko noong pinakahuling vice presidential debate. Iyong sabi ko: The last man standing is a woman. [applause]

    Tayong mga nagtitipon-tipon dito ngayong umaga, tayo din siguro iyong mga last standing Liberals. [applause] At marahil, paglipas ng panahon, tayo rin iyong maaalala ng ating mga kababayan dahil sa panahon na bugbog na bugbog ang ating partido—minamaliit, sinisiraan, pinagpipintasan, inaalipusta—tayo ay nandito pa rin.

    Kahapon lamang—ewan ko kung nabasa niyo sa mga pahayagan—mayroon na namang bagong akusasyon sa ating partido, na tayo raw ay nakikipagsabwatan sa mga komunista para patalsikin ang Pangulo sa kaniyang puwesto. Sa unang pagkakataon, katawa-tawa noong narinig ko ito. Pero mapanganib na paratang na hindi dapat hindi sine-seryoso.

    Mahirap maging Liberal sa panahon na ito ng ating kasaysayan. Ngunit sa kabila ng kahirapan, nandito tayong lahat, nandito kayo—marami sa inyo dito nag-apply pa para maging bahagi ng Liberal Party. [applause] Kaunti lamang tayo ngayon kumpara noon, pero patuloy ang kalakasan dahil patuloy rin na naninindigan, dahil nagkakaisa tayo sa paniniwala, at nagkakaisa sa pagmamahal sa bayan.

    Tinitingnan ko kanina—kanina binanggit ni PNoy iyong ibang mga pangalan—marami sa kanila nasala na ng panahon. Marami nang sakripisyo ang inaalay. Maraming laban ang pinagdaanan. Marami ring naiintindihan… naiintindihan na ang mga administrasyon ay dumadaan lamang. Ang kapangyarihan ay panandalian lamang.

    Ngunit may mga bagay na anuman ang panahon, ang halaga ay hinding-hindi matatawaran: malinis na pangalan, tapat na panunungkulan, paggalang sa karapatang hindi dapat ipagkait sa bawat nilalang. [applause] Iyon iyong mga bagay na anuman ang panahon, anuman ang administrasyon, marami man tayo o kaunti, nasa taas man tayo o nasa baba, pare-pareho ang halaga ng mga bagay na ito.

    Tinitingnan ko rin iyong mga mukha ngayon, marami sa inyo mas matagal na sa partido kaysa sa akin. Iyong aking asawang si Jesse iyong talagang kasapi sa Liberal Party. Iyong asawa ko iyong mas matagal niyo nang nakasama, at siguro, kung hindi siya pumanaw nang biglaan, marahil hanggang ngayon, siya pa rin iyong kasama niyo at hindi ako. [applause]

    Naging mahirap para sa amin—naging mahirap para sa amin ng aming mga anak iyong kaniyang biglang pagkawala. Maraming beses, tinanong din namin sa aming sarili kung bakit ba kailangang mangyari iyong nangyari? Pero iyong tanong sa bawat—iyong sagot sa bawat tanong na iyon—parating iyong realization na kahit mahirap para sa amin iyong nangyari, mas marami pa rin iyong kailangang ipagpasalamat.

    Kung babalikan natin ang kasaysayan ng ating partido, marahil sasang-ayon din kayo sa akin na marami din tayong kailangang ipagpasalamat. At iyong naramdaman naming mag-anak noong namatay iyong asawa ko, siguro hawig sa naramdaman ko pagkatapos noong 2016 elections, at patuloy na nararamdaman dahil sa mga pagsubok na dinadaanan ng partido natin hanggang ngayon. Hindi din maalis na tanungin at magtanong iyong iba sa atin kung bakit ba kailangan ng ating partidong dumaan sa ganitong pagsubok. Pero pareho din namin, iyong sagot sa bawat tanong: mas marami pa rin iyong kailangang ipagpasalamat.

    Mahabang-mahaba na iyong ating kasaysayan bilang partido. Isa tayo sa pinaka-matagal at pinaka-matanda sa lahat ng mga political parties dito sa Pilipinas. Pero kung titingnan natin, nasa kasaysayan natin ang maging mapangahas at palaban noon pa man: laban sa diktadurya, laban sa mapaniil na sistema, laban sa kawalan ng hustisya.

    Iyong mga pangalan na Ninoy Aquino, Lorenzo Tañada, Jovito Salonga, [applause] ito iyong mga Pilipinong ginagalang natin at tinitingala dahil sa panahon ng kadiliman, sila ang iilan na naglakas ng loob na lumaban sa Batas Militar at sa mapang-abusong rehimen ni Marcos. Kinatawan nila ang pinaka-ibig sabihin ng pagiging Liberal: handang manindigan sa gitna ng mapanganib na panahon, handang lumaban sa mapang-abusong kapangyarihan, handang kumontra sa agos kung kinakailangan, at handang magdusa alang-alang sa ating bayan.

    Totoo nga ang kasabihan: nasusubukan ang tibay sa panahon ng kagipitan. Totoo iyon, ‘di ba? Malaking karangalan na tumatayo tayo sa balikat ng mga higanteng ito. Nangangako tayo na kagaya nila, susubukan din natin na hindi magpatinag sa panggigipit at pang-aalipusta. Na gaya nila, handa rin tayong masugatan. Na gaya nila, hindi rin tayo bibitaw dahil maraming umaasa sa atin na mga kababayan.

    Ngayon na nahaharap na naman tayo sa isang mahirap na sangandaan, mahalaga ang landas na tatahakin ng ating partido. Ito ang dahilan kung bakit binibigyan natin ng napakalaking halaga ang pagpipili ng mga kandidatong ihaharap natin sa taumbayan ngayong darating na eleksyon.

    Kanina pinakilala iyong mga pangalan. Pero noong pinapakilala iyong mga pangalan, naaalala ko noong una din akong pinakilala sa inyo. Naaalala niyo ba iyon? [Audience: Yes!] Nasa Club Filipino tayo; wala akong kamuwang-muwang sa mundo. Nasa pinaka-ilalim ako ng mga surveys. Naaalala niyo din ba iyon? [Audience: Yes!] Nasa pinaka—anim na naglalaban-laban, nasa pang-anim. Parang tila walang ka-pag-a-pag-asa. Pero dahil naniwala kayo, dahil naniwala kayo na seryoso ang paglilingkod sa bayan, dahil naniniwala kayo na kabutihan lamang ang maaaring magdala sa ating bayan sa magandang kinabukasan, tumaya kayo sa akin. [applause] Kung hindi kayo tumiwala (nagtiwala)—hindi niyo naman ako kakilala—kung hindi kayo tumiwala, marahil bumoboto lang kayo sa akin noon, tinutulungan niyo ako dahil sa pakiusap ni PNoy. Pero kung ako mismo, hindi niyo rin alam, ‘di ba? Pero dahil sa tiwalang iyon, nagtagumpay tayo. Pero iyong ating tagumpay—iyong ating tagumpay—hindi natatapos sa eleksyon. Pagkatapos ng eleksyon, napakarami pang hamon.

    Tatlong pangalan—tatlong pangalan iyong ating pinakilala ngayong umaga. Tatlong pangalan na nagpakita na ng kahusayan, katatagan ng paniniwala at pagkatao, at dignidad sa panunungkulan. Tatlong pangalan na nanggaling sa mga pamilyang nagpamalas ng kabayanihan. Madalas makita natin, pami-pamilya sa pulitika. Pero iyong ating inihaharap sa inyo ngayon, hindi ito pareho ng iba. [applause] Hindi ito… hindi nila minana ang posisyon. Ang tanging minana nila ay iyong magandang pangalan na naiwan ng mga nauna sa kanila. [applause] Pero ang tinatayuan nila, galing sa kanilang sariling pawis at dugo, matagal na rin na lumaban kahit karamihan—iyong dalawa sa kanila bata pa; kami yata ni Dean Chel iyong magkalapit iyong edad—pero nagpakita na—nagpakita na ng kahusayan.

    Si Senator Bam. Mahal na mahal natin si Senator Bam, lalong-lalo na ako. [applause] Dahil noong ako ay lalaban, sino naman talaga iyong susugal sa akin? Pero si Senator Bam, tumiwala agad. Pumayag na pamunuan iyong aking kampanya kahit noong panahon na iyon, tila wala akong ka-pag-a-pag-asa. Pero hindi niya iyong pinahalata sa akin. Hindi niya pinahalata na nine-nerbyos din siya. Noong one percent pa lang kami, sabi niya: “Okay iyan, Ma’am. Basta next month, target natin seven percent tayo!” Kapag seven percent, “Okay iyan! Ang target natin sa susunod, 12 percent tayo.” Sa susunod na naman, “Okay iyan! Ang target natin, ganito.” Pero doon ko nakita iyong husay. Doon ko nakita iyong katatagan ng paniniwala, doon ko nakita na sa oras ng matinding laban, hinding-hindi magpapatinag. [applause]

    First term pa lang ni Senator Bam—first term pa lang pero daan-daang panukalang batas na iyong kaniyang naihain. [applause] At kung hindi ako nagkakamali, 27, Senator, ano? Twenty-seven na batas ang naipasa. [applause] Sa amin po—ako, galing din po ako sa Kongreso—hindi ko kaya iyong kaniyang record. Marami sa amin hindi kaya iyong kaniyang record. At hindi lang ito basta-bastang batas, pero mga batas na talagang magpapagaan sa buhay ng bawat Pilipino. [applause] Kilalang kilala siya sa Go Negosyo Law, at ngayon, kilalang-kilala siya sa Free College Education law. [applause] Maraming makakapag-aral, kahit mahihirap, dahil kay Senator Bam.

    Si former Congressman at former Deputy Speaker Erin Tañada, kilalang-kilala natin iyong kaniyang lolo. Ako, iyong very powerful na image ng kaniyang lolo ay noong binotohan sa Senado iyong pagpaalis sa US military bases dito sa Pilipinas. Napaka-powerful [ng] image na hanggang ngayon kapag nababanggit ang “Lorenzo Tañada”, iyon pa din—iyon pa din iyong imahe na aking naaalala.

    Pero hindi lang iyon, iyong imahe na iyon, simbolo lamang. Simbolo na sa gitna ng kahirapan na pinagdaanan, lumalaban hanggang sa huli. Iyong tatay ni Congressman Erin, si Ka Bobby, kilalang-kilala din. Kilalang-kilala na lumalaban para sa mga naaapi at saka mahihirap. Matagal na panahon na very quietly tumutulong. Hindi lang iyong kaniyang Tatay, hindi lang iyong kaniyang lolo, pati iyong kaniyang nanay na noong ako ay nasa Congress pa, napakalaki iyong tulong sa akin, at siyempre, si Congressman Erin mismo. Hinding-hindi ipapahiya iyong kaniyang pangalan. Kaya palakpakan po natin, Congressman Erin Tañada. [applause]

    Ito po, si Atty. Chel Diokno, sa amin pong mga abogado, matagal na po namin itong iniidolo. [Iyong] pinipiling mga kaso iyong tila walang gustong sumalo, dahil walang pambayad ang kliyente o napaka-makapangyarihan ng mga kalaban. Pero si Dean Chel, parating nandoon sa unahan. Tahimik lang, pero nandoon sa unahan, buong tapang na parating nakikipaglaban.

    Siya po iyong founding dean ng De La Salle College of Law, [applause] at siguro, narinig niyo na iyong FLAG. Narinig niyo na ba iyong FLAG? Iyong Free Legal Assistance Group. Siya iyong namumuno noon. Iyon iyong nag-aabogado sa mga walang pambayad [ng] abogado. Palakpakan natin, Dean Chel Diokno. [applause]

    Sa mga susunod pong araw, ipapakilala din natin ang iba pang mga kandidato ng Partido Liberal at ng iba pang mga grupo na kabahagi ng koalisyon, na kagaya ng tatlong ito, sinisiguro nating guguhit sa tadhana ng ating bayan bilang mga serbisyo-publiko at siyang kailangan ng ating mga kababayan sa mapanghamon na panahon na ito.

    Ang isa po sa ating tinitingnan, kasama po natin ngayon umaga, at hindi pa man, gusto na nating ipakilala sa inyo: siya po ay si Samira Gutoc. [applause]

    Si Samira ay dating Assemblywoman ng ARMM. Nahirang siya noong nakarang taon bilang miyembro ng Bangsamoro Transition Commission. [applause] Ang naghirang sa kaniya si Pangulong Duterte, pero siya ay nagbitiw—nagbitiw sa kaniyang pwesto pagkatapos na ideklara ang Batas Militar sa Mindanao. [applause] Pagkatapos magbitiw ng kontrobersyal na mga salita tungkol sa mga rape ng mga sundalo sa ating mga kababaihan. [applause] Si Samira nakita niyo naman po napakabata pa rin, pero tinagurian siyang isa sa 500 Most Influential Muslims ng Georgetown University Center for Muslim-Christian Understanding. Kaya palakpakan po natin si Samira. [applause]

    Kung inyo pong nakikita, siniseryoso rin po natin iyong pagpili. Marami sa atin nagsasabi na iyong piliin, iyong siguradong mananalo. Pero saan po mapupunta iyong ating bansa kung iyon lang iyong batayan ng ating pagpili?

    Kailangan po nating ipresenta sa taumbayan iyong alam natin na walang duda ang pagmamahal sa bayan. Iyong alam natin na matatag ang paniniwala. Iyong alam natin na malinis ang pagkatao. Iyon lamang po iyong gusto nating ipahiwatig sa lahat. Iyon iyong Liberal Party: [applause] manalo man, matalo, inaalipusta man, o hindi, malakas parati iyong paninindigan, [applause] at hindi nagpapadala sa kahit anong agos.

    Kaya ngayong umaga po, masayang-masaya po tayo na magkakasama tayo. [applause] Masaya tayo na magkakasama tayo. Alam natin na binibigkis tayong lahat ng iisa lamang na hangarin: ang pagsulong ng kapakanan at kaunlaran ng bawat pamilyang Pilipino.

    Sa panghuli po, iyong aking panawagan lang: maging inspirasyon po tayo sa lahat. Huwag panghinaan ng loob kahit nag-iisa na lang ang ating boses. Dahil kung hindi mapangahas iyong mga nauna sa ating mga miyembro ng Partido Liberal, hindi sana natin natatamasa iyong kalayaan at karapatan na natatamasa natin ngayon. Alalahanin po natin na sa gitna ng maraming kahirapan, mas marami pa rin ang kailangan nating ipagpasalamat. At magpapasalamat tayo na kabahagi tayo ng isang partido na gaya ng Liberal Party.

    Magandang umaga po sa inyong lahat! [applause]

    Posted in Speeches on Sep 25, 2018