This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Turnover of Two-Classroom School Building to Batang Batang Elementary School

    Brgy. Batang Batang, Victoria, Tarlac

    Maraming salamat! Maupo po tayong lahat.

    Magandang umaga! [Audience: Magandang umaga!]

    Bago po ako magpatuloy pagbigay-galang muna sa mga opisyal na kasama po natin ngayong umaga, siyempre po sa pangunguna ng ama ng bayan ng Victoria, palakpakan po natin Mayor Marvin Silao. [applause] Nandito din po si Councilor Resureccion Coronel na chairman ng Committee on Education and Culture ng inyong bayan. [applause] Nandito po, [ang] paborito nating mayora dito sa Tarlac, Mayor Lita Aquino ng Moncada, [applause] siya rin po iyong pangulo ng League of Municipalities ng lalawigan ng Tarlac. Nandito rin po iyong ama ng Barangay Batang Batang, Barangay Captain Danilo Fabros, saka iyong buong konseho ng Barangay Batang Batang. [applause] Akin din pong pagbigay-galang sa iba pang mga barangay captains at barangay officials na nandito po kasama natin ngayong umaga. Pagbigay-galang rin po sa ating principal, dito po sa Batang Batang Elementary School Dr. Rowena Samia, [applause] saka po iyong ating mga guro saka mga magulang. Kasama rin po natin iyong ating mga kaibigan sa AGAPP (Aklat, Gabay, Aruga, Tungo sa Pag-angat at Pag-asa) sa pangunguna ni Mr. Gerry Esquivel, iyong chairman ng AGAPP. [applause] Magkakasama sila, nandiyan si Andy, nandiyan si Gabby, nandiyan si Ma’am Mariel, nandiyan si Eddie—iyong ating emcee. Kasama rin natin Executive Director ng JVR Foundation, Ms. Gina Bulanhagui—magandang umaga, Ma’am [applause]; tsaka iyong member ng board ng JVR Foundation saka Presidente ng K Servico, Mr. Edwin Gonda. [applause] Magandang umaga sa inyo. Kasama din po natin si Police Superintendent Richie Aromin [Posadas], Tarlac Police Provincial Director ng PNP [applause]; iyong atin pong Police Chief Inspector Sonny Silva, chief of police ng Victoria [applause]; Lieutenant Colonel Ramon Bello, ang ating commanding officer ng 3rd Mechanized Battalion ng Philippine Army; sa inyo pong lahat, mga minamahal ko pong mga kababayan na mga Tarlakeño: Magandang, magandang umaga pong muli! [applause]

    Parati pong napakasayang okasyon na makasama kayong muli. Inaalala ko po, pinaka—ay, hindi pala—nakabalik na pala ako dito sa Tarlac para sa isang graduation. Pero naalala ko kina Mayor Lita iyong pinaka-huli kong pinuntahan bago mag-eleksyon. Pero gusto ko lang pong magpasalamat sa inyo kasi tama po iyong sabi ni Mayor Vin, na dito po sa Tarlac, nanalo po ako. Maraming salamat sa inyo. [applause] At ano po iyon, parang sa buong Region[s] 1, 2 at 3, nanalo lang po ako dito sa Tarlac saka sa Batanes. [applause] Ayon, kaya… Pero sa… marami po tayong pinanalo Region[s] 4, pababa hanggang Mindanao pero Region[s] 1, 2, 3 talagang Tarlac saka Batanes. Kaya maraming, maraming salamat po sa inyo. [applause]

    Alam niyo po, marahil iyong mga teachers, iyong mga magulang na nandito, alam niyo naman siguro na iyong Opisina ng Pangalawang Pangulo, isa sa [may] pinakamaliit na budget sa buong burukrasya. Noong ako po ay nanalo at umupo bilang Pangalawang Pangulo, iyon po iyong sinabi ko sa opisina namin: na hindi naman puwede na anim na taon tayo dito sa opisina na hindi tayo… makatulong sa mga naghihirap, at maging dahilan iyong kawalan ng budget ng ating opisina.

    Kaya kinonceptualize namin iyong isang programa; tawag po namin doon Angat Buhay. Iyong Angat Buhay anti-poverty program. Pero iyong pinaka-problema namin: Saan namin kukunin iyong pondo, dahil wala naman kaming pondo para sa programa? Kaya naisip po namin na makipag-partner sa mga private organizations at saka sa mga foundations para kami iyong maghahanap ng matutulungan, kami iyong maghahanap ng tutulong, pero walang pondo galing sa opisina namin dahil wala naman.

    Pero alam niyo po, mula noong nag-umpisa kami ng 2016 hanggang ngayon 2018, nakakataba ng puso na makita na napakarami po nating mga kababayan ang gustong tumulong. Paminsan hindi lang nila alam kung paano makatulong.

    Pero iyon po iyong ginagawa ng opisina namin: naghahanap kami ng mga lugar, lalo na iyong mga malalayo, maliliit, mahihirap na mga lugar na nangangailangan ng tulong, at kami iyong nagiging tulay para maghanap ng puwedeng tumulong sa kanila.

    At iyong JVR Foundation, iyong AGAPP Foundation naging partner po namin sa ilan nang mga proyekto. Nakakaikot po kami buong Pilipinas—bawat linggo, mga tatlo o dalawang araw—bumababa kami—Luzon, Visayas at Mindanao. Sa katunayan, iyong pinakahuling partnership yata namin ng AGAPP sa Leyte, at saka JVR Foundation sa Leyte, nagbigay din po ng classrooms iyong JVR saka iyong AGAPP [doon].

    Pero ito iyong nakakatuwa, ‘di ba? Nakakatuwa, kasi sa dami ng mga programang ibinababa, iyon nakikita talaga natin na puwedeng pag-usbungan ng maraming pag-asa [ay] iyong tulong sa edukasyon. Alam po natin na napakarami po na nating mga kababayan—gaya noong kuwento ni Gerry kanina, ‘di ba? Iyong kuwento ni Gerry, iyong sa paghihikahos ng kaniyang mga magulang, siniguro na makatapos sila ng pag-aaral. At iyong pag-aaral na iyon, iyon iyong naging susi sa kanilang tagumpay. Ganoon din iyong pag-asa sa ating mga puso. na sa kaunting tulong na nabibigay natin, pinagdadasal natin at pina-pangarap na sana iyong tulong na ito, ugat na ng pag-asa sa puso ng ating mga kabataan.

    Kaya po kapag nakita natin, hindi basta-bastang classroom ‘di ba? Napakagandang classroom. Mayroon pong mga nagsasabi na mabuti pa iyong mga Kinder, iyong mga Grade 1, ang ganda ng classroom nila. Pero ‘di ba dapat ganoon naman, para lalong mahikayat, lalong ma-engganyo iyong ating mga kabataan na mag-aral at matingnan nila na iyong pag-aaral, isang masayang pinagdadaanan. Hindi sakripisyo, kundi masayang pinag-dadaanan.

    At iyon po iyong pinakapangarap natin. Kung napakinggan po natin iyong sinabi kanina ni Gerry saka ni Eddie, na hindi lang basta classroom iyong binibigay, [kundi] pati mga materials, pati teacher training binibigay rin para masiguro na talagang iyong paghawak-kamay para maabot iyong pangarap [ay] nandiyan. Iyon naman po iyong gustong mangyari ng AGAPP. Iyon iyong gustong mangyari ng JVR Foundation. At iyon din po iyong gustong mangyari ng aming opisina, through our Angat Buhay program.

    Ilang beses na rin po akong nakapunta ng Tarlac, pero ngayon lang po yata ako nakapunta dito sa Brgy. Batang Batang, ano. [applause] Kaya parati pong masayang okasyon na nabigyan ako ng pagkakataon na mabisita iyong inyong barangay. Sabi ni Mayor kanina, aalalahanin niyo na naka-bisita ako rito; lalo naman po kami. Aalalahanin po namin na minsan, bumisita kami dito at mainit iyong inyong pagtanggap sa amin. [applause]

    Iyong atin lang pong pinapangarap—sa gitna ng maraming pagsubok na pinagdadaanan ng ating bansa, sa gitna ng maraming kahirapan—sama-sama pa rin tayong nangangarap, sama-sama pa rin tayong nagtutulungan, na iyong mga susunod sa atin na mga kabataan ngayon, mas maging magaan iyong buhay kaysa pinagdaanan natin. Iyon naman po iyong pangarap ng bawat magulang, ‘di ba? Iyong pangarap ng bawat magulang na iyong kaniyang mga anak mas maging mabuti iyong buhay kaysa sa kaniya. Kaya iyong pagbigay po ng classrooms ngayong umaga, kasabay noong pangarap na iyon.

    Kaya nagpapasalamat po tayo kay Mayor, nagpapasalamat po tayo kay Kapitan, saka po sa lahat ng mga local officials, saka po kay Principal, saka sa lahat ng teachers, saka sa mga magulang. Ito po, may kasabihan, ‘di ba? It takes a village to raise a child. Sabay-sabay po nating pagtutulungan iyong pagpapalaki at pagsisiguro na magiging maginhawa iyong buhay ng ating mga kabataan.

    Maraming salamat po! Magandang umaga sa inyong lahat. [applause]

    Posted in Speeches on Sep 12, 2018