This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message of Vice President Leni Robredo at the Dialogue with the Multi-Sectoral Groups

    23 March 2017

    Magandang umaga sa inyong lahat. Maraming maraming salamat po sa pagpunta ninyo ngayong umaga.

    Noong nag-umpisang kumalat ang balita tungkol po sa pagpapaalis sa akin, alam ko po na marami sa inyo ang nagpahayag ng suporta.

    Noong nakaraan pong Lunes, mayroong isang panawagan na mag-ra-rally iyong mga [magpapaalis] sa akin sa labas ng aming opisina. Ang ilan po sa inyo ay nagpahayag na kung mag-ra-rally sila, kami ganoon din. Para ipakita iyong suporta.

    Ako po ang nakiusap. Ako ang nakiusap na baka puwedeng huwag muna. Kailangan mas, kailangan mas mahinahon muna tayo kasi hindi ito ang panahon na iyong awayan ay makakadulot ng mabuti.

    Marami pong nagpahayag na gusto sanang pumunta dito noong Martes, noong Miyerkules, pero noong Martes po nandoon po ako sa Lanao del Sur at saka Lanao del Norte. Kahapon naman po nandoon ako sa Pasacao, sa Camarines Sur. Kaya ako po ang nagsabi na baka puwedeng Huwebes na lang kayo pumunta, at baka puwedeng huwag nang rally sa labas.

    Baka puwedeng ang mga lider, mag-usap-usap na lang tayo dito sa loob. At kami po nagpapasalamat sa inyo, at napagbigyan ninyo po ang aming kahilingan, na imbis na mag-rally, isang mahinahon na lang na pagpahayag ng suporta.

    At iyong pagpunta ninyo po ngayong umaga, pagsalita ninyo, pagbigay ninyo po ng inyong mga statement of support, napakalaking bagay po nito para sa akin. Ito po ang paghuhugutan natin ng lakas. Ito ang nagsasabi sa atin na mayroon pa tayong pinaglalaban.

    Paminsan po kami pag ang naririnig mo ang kabila lamang, tatanungin mo sa sarili mo na, mayroon pa ba tayong pinaglalaban? Kung lahat mahina na ang loob. Kung lahat nandoon na sa pag-isip na na para wala na lang gulo, sumang-ayon na lang ng sumang-ayon.

    Pero tayo po dito, karamihan sa inyo nakatrabaho ko na dati. Karamihan sa inyo nakatrabaho ko na dati sa iba’t ibang yugto ng aking buhay. Halimbawa po sila Noland at sina Ka Rene ng Pakisama ngayon.

    Si Noland, bahagi po sila ng Sumilao farmers. Kaya kung medyo naging emosyonal si Noland kanina, kasi ang tatay niya habang nakikipaglaban para mabawi ang kanilang lupain, ay biktima ng extra judicial killing.

    Kami po ni Ka Rene, matagal po kaming magkasama sa SALIGAN, noong tayo ay ganito, iyong pinapakipaglaban. Marami po sa inyo, PPVR, Akbayan, Change Politics Movement, ULAP, basta ang lahat na grupo ng mga maralitang taga-lungsod, marami pong grupo ang nandito.

    Ang nakatrabaho ninyo po ng matagal ang asawa ko. Matagal ninyo nakatrabaho ang asawa ko, pero noong nawala ang asawa ko, ako ang humalili sa kanyang lugar. Kaya nagpapasalamat po tayo.

    Tama ang sinabi ninyo, maraming kaguluhan ngayon. Maraming kaguluhan ngayon pero ang hinihingi po natin, hinahon.

    At hinihingi din natin lakas ng loob dahil sa panahon na maraming gulo, sa panahon ng kadiliman, kailangan natin lakasan ang ating mga loob. Ang statement po ng maralitang taga-lungsod, medyo mayroon doong linya na medyo nalungkot ako.

    Totoo ito pero nakakalungkot, malungkot tayo dahil totoo. Mayroon kayong sinabi na “kami po ay mulat, ngunit mistulang piping saksi sa mga kaganapan.” Dito po yata nag-umpisa ang aking problema.

    Alam ninyo, alam po ninyo na marami kayong dinala dito sa amin na mga personal iyong karanasan sa extra judicial killings. Personal iyong karahasan sa paglabag sa mga karapatang pantao.

    Naiintindihan ko kung bakit sinasabi ninyo na kayo ay mistulang piping saksi. Dahil noong sila po ang pumunta dito, ilang beses nagpahayag ng kanilang mga karanasan, iyon ang tulong na hinihingi nila—na tayo maging boses, na kailangan nila ng proteksyon, na walang tiwala, um, sa sistemang nangyayari dahil iyong takot ay nanggagaling sa mga opisyal at institusyon na kailangan sanang iyon ang nagbibigay sa atin ng proteksyon.

    Mahirap po ang kalagayan. Sinubukan po nating lumapit, humingi ng tulong, pero hindi siya ganoon kadali.

    Ako po nagpapasalamat ako sa inyo sa paglakas ninyo ng loob na ikuwento ang katotohanan. At pinapanindigan natin na gagawin natin ang lahat kahit po bugbog na tayo. Gagawin natin ang lahat para siguraduhin pa din na ang inyong pagkatakot ay hindi mangyayari.

    Pero ito po siguro ang gusto nating ipahayag ngayon. Na sa isang demokrasya kasi, halimbawa iyong PPVR, iyong Akbayan, iyong Change Politics, parang medyo hawig ang pinagdaanan na pakikibaka.

    Na dumaan sa isang napakadilim na karanasan, pero nagtaguyod, nagtagumpay. At ngayon na nakikita na mayroon na namang, mayroong pangamba na baka maibalik sa dati iyong sitwasyon naninindigan muli.

    Naiintindihan po natin iyan, alam natin na marami tayong mga pinagdadaanan na mahirap. Halimbawa po sa akin alam niyo naman siguro kung gaano kahirap.

    Noong eleksiyon maraming naninira sa ating katauhan pero kayo nanindigan dahil kayo ang masnakakaalam kung sino tayo pero inaasahan po natin na pagkataops ng eleksiyon mahihinto na lahat at magtratrabaho na tayo kaya lang pagkatapos ng eleksyon mahirap po ata talagang kalaban ang Marcos.

    Siguro kung hindi Marcos ang kalaban natin, hindi naman ganito kagulo pero alam po natin na walang pagtanggap ng pagkatalo pero parang dinadamay ang buong bansa dahil ayaw lang tanggapin ang pagkatalo. Iyong sa atin po nalulungkot tayo pero sadyang may ganoon na kailangan nating harapin.

    Siguro iyong pinaka-challenge sa atin, papaano ba natin malalabanan kahit gaano tayo kakaunti kasi ganoon naman ang pinanggalingan natin dati, kung naaalala ninyo.

    Noong panahon ng kadiliman, kakaunti din tayo pero siguro iyong pagkakaunti noon at iyong pagkakonti ngayon, iyon ang dapat magbigay sa atin ng inspirasyon at lakas dahil pinakita ng ating kasaysayan na anuman ang kadiliman sa dulo ng lahat iyong tama ang mananaig at iyon ang pinanghahawakan natin ngayon.

    Maraming mga kasinungalingan iyong, iyong bumabalot sa atin at maraming naniniwala sa kasinungalingan. Pero po tayo na dumaan sa matinding paghihirap alam natin kung ano yung totoo.

    Tayo na personal na alam kung ano ang katotohanan sa likod ng mga kuwento alam natin ang totoo. Siguro kailangan lang ng tamang panahon para malaman din nila kung ano ang totoo.

    Pero maging mahinahon po tayo. Iyong ating pagpapahayag ng pagkontra sa mga polisiya ng gobyerno, hindi po iyong nangangahulugan na gusto nating, gusto nating agawin ang pusisyon.

    Wala po tayong ganoon na pangarap, ang gusto lamang natin ay mapakinggan ang ating mga boses. Ang gusto lang natin ay pakinggan ang ating mga hinaing para may pagbabagong magawa.

    Hindi pa naman huli. Hindi pa naman huli ang lahat. Pero ang sa akin lang, iyong pagpapahayag natin ng ating saloobin parati po nating hindi kakalimutan kung bakit natin ito pinaglalaban.

    Parati nating hindi kakalimutan na iyong laban hindi lang ngayong araw pero iyong laban hanggang sa dulo at mahalaga na sa lahat ng ginagawa natin doon lamang tayo sa tama.

    Sa lahat na ginagawa natin, wala tayong kailangang katakutan kung nandoon lamang tayo sa tama. Ang kailangan lang matakot iyong hindi nagsasabi ng tama. Yung kailangan lang matakot iyong iba iyong hangarin kung bakit sila andito pero sa akin po napakalaking bagay sa akin iyong pagpunta ninyo iyong pagpahayag ninyo ng inyong suporta dahil mula naman noon hanggang ngayon, kayo po ang sinasandigan namin, kayo iyong pinaghuhugutan namin ng lakas, alam niyo po na wala akong sinabi na hindi totoo.

    Alam niyo, siguro hindi ko pa mabigay ang lahat ng ebidensya ngayon pero alam niyo kung bakit dahil hiningi niyo sa akin iyong proteksyon para sa inyo. Pero sa akin po, sama-sama tayo sa laban na ito. Magkakakampi po tayo pero yung parating inaasam natin, ano ang makakabuti para sa ating bansa.

    Alam po natin kung sino yung masasama, alam natin na hindi natin mapapayag na mapapunta sa masama iyong ating bansa kaya po tayo patuloy na naninindigan kahit gaano kahirap.

    Ngayon po ang pagsalungat ay iba iyong kahulugan na binibigay pero sa akin sana hindi iyon maging dahilan na tumikom ang ating mga bibig. Sana po hindi iyon ang maging dahilan, ulitin ko ulit, para maging mistulang piping saksi na lang tayo.

    Kasi pag pinatagal po natin na tayo ay mistulang piping saksi na lang, baka hinahayaan nating mapunta sa masama iyong ating bansa. Kawawa naman po ang mga umaasa sa atin.

    Alam naman po natin na sa laban na ito parating iyong mga mahihirap iyong napapahamak, huwag po natin iyon papayagan. Kaya kung saan po tayo patutungo nasa sa atin po iyong lahat.

    Lakasan po natin ang ating loob, manalig po tayo pero parati lang mahinahon.

    Hindi po tayo makikipag-away, magpapahayag lang tayo ng ating saloobin pero parating ang dulo ng lahat, ano yung tama, ano yung narararapat.

    Maraming salamat pong muli sa inyong pagbisita at sa inyong pagsuporta.

    Posted in Speeches on Mar 23, 2017