Message of Vice President Leni Robredo for Semana Santa 2021
Isang ligtas at mapayapang paggunita ng mga Mahal na Araw sa inyong lahat.
Napakahalaga ng Semana Santa para sa ating mga Kristiyano at Pilipino pero sa pangalawang sunod na taon, dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 sa ating bansa, virtual muna tayo makakapagpalaspas, Visita Iglesia, o Siete Palabras. Wala munang mga face-to-face na Misa at religious gatherings para na rin sa kaligtasan ng bawat isa. Puwersado man tayong nananatili sa kaniya-kaniyang mga tahanan, hindi nababawasan ‘yong kahulugan ng paggunitang ito. Nakasara man ang mga bahay at kalsada, tinatawag naman tayo na laging buksan ang ating mga puso at isip sa mensahe ng kaligtasan na dala ni Kristo. Hinihimok tayong gamitin ‘yong pagkakataon para huminto sumandali at magnilay; to revive our faith and to renew our hopes. Hindi lang para maghintay, pero para maghanda sa muling pagkabuhay ng Panginoon—sa pagdarasal, sa pagpapatibay ng pananampalataya, at higit sa lahat, sa pakikipagkapwa.
In Christ’s passion, death, and resurrection, we see the ultimate sacrifice and shared humanity that bind us. We all feel grief at loss and suffering, but we also find hope that life will always prevail over death; that good will always win over evil; that light will always shine amidst the darkness. Sa panahon ngayon—ng krisis at pangamba, ng maraming banta sa ating kaligtasan at paraan ng pamumuhay—para bang napakahirap makahanap ng pagkukunan ng pag-asa.
Pero pinapaalala sa atin ng mga Mahal na Araw na nakatahi mismo sa pagkatao natin ang pag-asa. Sabi nga ni Pope Francis, we were made by God for love and love is the greatest expression of hope. We find hope and we give hope by loving and following the footsteps of Christ. Dagdag pa niya, love is not a mere sentiment; it is our most effective tool in building a new world—‘yong better normal na pinapangarap natin; isang lipunang mas patas, mas makatarungan, at mas makatao. Love is what allows us to see our fellow human beings as part of the same family, as our own brothers and sisters.
And in this time of crisis, sa sabay-sabay nating pagharap sa mga hamon ng pandemya, tinatawagan tayong mas lawakan pa ‘yong saklaw ng minamahal natin. Pag-ibig sa kapwa ang pinakamaka-Diyos na layunin—and we pay God’s love forward by being there for our fellow human beings. In this time of pandemic, love means doing everything we can to protect the person next to us from infection. It means spreading correct information about the virus and the vaccines. It means calling for effective pandemic governance. It means helping those in need, and orienting our thoughts and actions towards the other. It means ensuring that the truth that binds us all is upheld.
In this boundness, this shared experience of being human, nari-realize natin: Mas matatag tayo kung sama-sama dahil magkakarugtong ang buhay ng bawat indibidwal. Ang pagpapabaya sa isa ay pagpapabaya sa lahat, at ang pag-angat ng mga nasa laylayan ay pag-angat din ng lahat.
Malaki ang hamon ng ating panahon, pero palaging mas malaki ang pagkakataon—pagkakataong makatulong, makiambag, at magmahal. Pagkakataong ipakita na bitbit natin ang ating kapwa, at walang puwang ang pagkakaniya-kaniya. Sama-sama ang pagsulong, dahil itinuturing nating kapatid ang bawat isa.
Muli, isang maluwalhating mga Mahal na Araw sa inyong lahat.
- 30 -