Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.
Ang stunting at severe wasting ay nananatiling krisis na nararanasan ng maraming batang Pilipino.
Ang stunting o tangkad na hindi angkop sa edad ng bata at ang wasting o magaan na timbang na hindi angkop sa edad ng bata ay resulta ng kawalan ng sapat na nutrisyon.
Mahalagang mabigyan natin ito ng pansin at solusyon sapagkat seryoso ang implikasyon nito sa kinabukasan ng ating bansa.
Ngayong Nutrition Month, suportahan natin ang panawagan ng Department of Health: "Sama-sama nating alamin ang Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!"
Sa pamamagitan ng ating partisipasyon sa mga aktibidad kaugnay dito ay mas lumalawak ang ating kaalaman hinggil sa kahalagahan ng nutrisyon sa kalusugan ng mga bata.
Katulad na lang ng Pinggang Pinoy® na tungkol sa mga pagkain na magbibigay sa mga bata ng balanseng nutrisyon sa ilalim ng kategoryang Go, Grow, at Glow foods.
Para sa mga nanay, tatay, lolo at lola, pumili ng pagkain na healthy para sa pamilya. Gawing priority ang mga sariwang gulay at prutas. Bawasan na rin natin ang mga pagkaing sobrang alat, sobrang tamis, o mamantika.
Suportahan natin ang ating mga magsasaka at lokal na pamilihan. Ang pagbili sa kanila ay tulong sa buong komunidad.
Ibahagi ang mga tamang kaalaman tungkol sa nutrisyong sapat sa ating pamilya, mga kaibigan, at kapitbahay.
Sa ating patuloy na pagtutulungan, mas maisusulong natin ang ating layunin at mithiing bumuo ng isang maunlad na bansa kung saan may sapat na pagkain sa bawat hapag at walang batang Pilipinong maiiwan.
Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat pamilyang Pilipino.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE Vice President of the Philippines