Para sa taong 2025, umabot na sa 612,246 na Filipino commuters mula Luzon, Visayas, at Mindanao ang napaglingkuran ng OVP Libreng Sakay Program sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Mula nang ilunsad ang programa noong 2022, umabot na sa 2,514,889 ang kabuuang bilang ng mga pasaherong napagsilbihan ng programa sa pamamagitan ng siyam (9) na Libreng Sakay buses sa Metro Manila, Cebu, Bacolod, Tacloban, Davao, at Naic sa Cavite.
Lubos ang pasasalamat ng Office of the Vice President sa mga katuwang mula sa pampubliko at pribadong sektor na tumutulong upang maisakatuparan ang programang ito.