Search

PAHAYAG NG PANGALAWANG PANGULO SA PAGDIRIWANG AT PAGSALUBONG SA BAGONG TAON

MEDIA RELEASE 31 December 2025

PAHAYAG NG PANGALAWANG PANGULO SA PAGDIRIWANG AT PAGSALUBONG SA BAGONG TAON

Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh! Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan. Magandang araw sa inyong lahat.

Isang masigla at mainit na pagbati ng Bagong Taon ang ipinapaabot ko sa bawat Pilipino sa buong mundo!

Sa pagsalubong natin sa 2026, iwaksi na natin ang anumang pag-aalinlangan at takot.

Ngayon ang simula ng isang panibagong kabanata, isang malinis na pahina na punung-puno ng pag-asa.

Hayaan nating mag-alab muli ang ating tapang at determinasyon.

Anuman ang hamon na ating haharapin, taglay natin ang pambihirang lakas upang malampasan ang lahat ng balakid. Sa bawat pagsubok, lalabas tayong mas matatag.

Itinuring natin ang bagong taon na paanyaya upang magkaisa at magsimula nang may panibagong pananaw. Ang ating pinagsamang lakas at pananampalataya ang susi ng tunay na pagbabago.

Sama-sama tayong magsikap at magdasal na ang 2026 ay maging taon ng pag-asa at pagpapala.

Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat! Nawa’y maging mas maliwanag at maunlad ang ating panibagong simula.

Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.

Shukran.

SARA Z. DUTERTE Vice President of the Philippines