This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Pahayag ng Pangalawang Pangulo Tungkol sa Paglalabas ng Arrest Warrant Laban kay Senator Trillanes

    Patuloy kaming naninindigan kasama ni Senator Trillanes, sa gitna ng panibagong panggigipit ng administrasyon sa mga kritiko nito.

    Ang mga korte ang inaasahan nating maging matibay at patas na sandigan, lalo na sa laban para sa ating mga karapatan. Nabigo ang tiwalang ito sa utos ng Makati Regional Trial Court Branch 150 na arestuhin si Senator Trillanes, sa kabila ng malinaw na pagbigay sa kaniya ng amnestiya. Kung ang batas ay kayang baluktutin laban sa isang miyembro ng Senado, ano na lang ang posibleng gawin sa ating mga mas mahihirap na kababayan?

    Ang desisyon ng Pangulo na bawiin ang amnestiyang naipagkaloob na kay Senator Trillanes ay hindi pagpapakita ng lakas; bagkus, sinasalamin nito ang kahinaan ng administrasyon—na takot ito sa sarili niyang anino, at hindi kayang tumanggap ng pagpuna, kahit pa iyong naghahangad na makabuti para sa bansa.

    Sa pilit nitong paggamit sa oposisyon bilang panakip-butas sa maraming kapalpakan, nailalagay sa alanganin ang taumbayan. Hindi natutugunan ang mga suliraning pinapasan ng ating mga kababayan: ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang kakulangan sa supply ng bigas, ang korapsyon mula mismo sa mga kaalyado ng Pangulo, ang pang-aagaw sa ating mga teritoryo, at iba pa.

    Hinahamon namin ang administrasyon na magpakita na ng tunay na malasakit at katapangan. Tama na ang walang silbing pamumulitika, magtrabaho na para sa ikabubuti ng mamamayan.

    Posted in Press Releases on Sep 26, 2018