This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Pahayag ng Pangalawang Pangulo ukol sa Pag-amyenda ng Saligang Batas

    Hindi napapanahon ang diskusyon ukol sa pag-amyenda ng ating Saligang Batas, at lalo ang anumang mungkahing baguhin ang termino ng liderato at ipagpaliban ang eleksyon sa susunod na taon, dahil sa dami ng bumabagabag sa ating mga kababayan ngayon. Mula sa sunod-sunod na patayan, hanggang sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, ang pinakamahalagang usapin para sa mga Pilipino ay kung paano masosolusyonan ng kasalukuyang administrasyon ang mga problemang ito. Ang usapin ng pag-amyenda ng ating Saligang Batas ay hindi lamang tungkol sa iisang tao, partido, o organisasyon; may pangmatagalang epekto ito sa buong bansa at sa buhay ng bawat Pilipino. Ang usaping simbigat nito ay hindi dapat minamadali at ginagawang tungkol lamang sa mga kasalukuyang nasa poder ng kapangyarihan. Kung pilitin ito nang hindi isinasalang sa akmang pag-aaral at konsultasyon, hindi ba’t isinusugal natin ang kinabukasan ng ating bayan? Hindi ito dapat ginagawa sa paraang sinasakripisyo na natin ang pagtugon sa matitimbang na isyung kinahaharap ng pamilyang Pilipino. Ang inaasahan ng taumbayan sa kanilang mga pinuno ay hanapan ng solusyon ang kanilang pang-araw-araw na problema, tulad ng pagmahal ng mga bilihin at kakulangan ng kita. Ito ang tungkuling hinalal kami para gawin, at maaasahan ninyo na ito ang gagampanan natin hanggang matapos ang aking termino.

    Posted in Press Releases on Jul 08, 2018