This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Pahayag ni Bise Presidente Leni Robredo

    Tanggapan ng Pangalawang Pangulo 21 Setyembre 2017

    Apatnapu’t limang taon na ang nakalipas mula noong ika-23 ng Setyembre, nang ipinahayag ni Pangulong Ferdinand E. Marcos sa telebisyon ang pagpataw ng batas militar sa buong Pilipinas. Sa susunod na labing-apat na taong sumailalim sa batas militar ang bansa, nalugmok ang ating bayan sa pang-aabuso, korupsiyon, at diktadurya.

    Iilan na lamang ngayon ang nakaranas ng malagim na nakaraang iyon, kung saan tiniis ng sambayanan ang pagpanaw ng demokrasya dahil sa pananakot ng mga nasa kapangyarihan. Alam lamang ng ilan sa ating mga kabataan ngayon ang kabanatang ito ng ating kasaysayan mula sa mga libro at kuwento o, higit na masahol, mula sa kasinungalingan ng mga naglalayong ibalik ang rehimeng mapang-abuso sa ating bansa.

    Mapanganib para sa sambayanan ang paglaganap ng mga ganitong kasinungalingan. Kung hindi tama ang pagkakaalala natin sa nakaraan, maaaring maulit muli ang ating mga pagkakamali. Sa kasamaang palad, hindi napapansin ng mga nabibiktima ng kasinungalingan ang nagbabadyang kadiliman.

    Ang diwa ng ating patuloy na pakikipaglaban ay nakasalalay sa ating pagprotekta sa buong katotohanan ng mga nangyari sa ilalim ng batas militar at pagtiyak na hindi na muli mabibihag ang ating bayan sa mga pinagdaanang pang-aabuso.

    Ipinamalas sa atin ng ating mapait ng karanasan sa ilalim ng Diktaduryang Marcos ang kahihinatnan ng kahinaan ng loob, kawalan ng pakialam, at pananahimik sa harap ng pang-aabuso.

    Umaasa tayong hindi na pagdadaanang muli ng mga Pilipino ang madilim na kabanatang ito ng ating kasaysayan.

    Posted in Press Releases on Sep 21, 2017