This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Pahayag ni Bise Presidente Leni Robredo sa Araw ng Karapatang Pantao

    Animnapu’t siyam na taon na ang lumipas mula nang pagtibayin ng General Assembly ng United Nations ang Universal Declaration of Human Rights –ang batayang dokumento na kumikilala at nagtataguyod ng karapatang pantao ng bawat isa.

    Bahagi ng ating kasaysayan bilang bansa ang maigting na pagsulong ng karapatang pantao, hindi lamang sa ating bayan o rehiyon, kundi sa buong mundo. Sinasalamin ng ating Saligang Batas ang karangalang ito, kung saan itinakda ang pagrespeto, pagtatanggol, at pagtupad sa mga karapatang ito.

    Ang Araw ng Karapatang Pantao ngayong taon ay hindi lamang pagbabalik-tanaw sa ating kontribusyon sa labang ito. Dapat din nating bigyang-diin ang diwa ng pagdiriwang na ito, dahil sa mga nakababahalang balita tungkol sa malawakang paglabag sa karapatang pantao, lalo na sa mga nasa laylayan ng lipunan.

    Hinahamon ng kasalukuyang panahon ang bawat isa sa atin na paigtingin ang paninindigan para sa karapatang pantao, sa harap ng mga pinagdaanan ng Pilipino nitong nakalipas na taon. Kasama na rito ang mga extrajudicial killings; ang pagsupil sa karapatang magpahayag, pati na sa social media; at ang kahirapan na patuloy na pumipilay sa milyun-milyon nating mga kababayan.

    Nawa’y maging pagkakataon ang ating pagdiriwang ngayon ng Araw ng Karapatang Pantao para muling paigtingin ang ating determinasyon na maging isang lipunan na tunay na kinikilala at isinasabuhay ang paggalang sa dignidad, kalayaan, at karapatan ng bawat Pilipino.

    Posted in Press Releases on Dec 09, 2017