Pahayag ni Leni Robredo ukol sa ipinapakalat na fake news ng red-tagging
Malinaw ang motibasyon ng walang-tigil na pangre-redtag sa akin at sa mga volunteers natin: Ang pigilan ang momentum ng ating People’s Campaign. Tandaan natin, nagsimula ito noong naging sunod-sunod ang pagdagsa ng mga tao sa ating mga People’s rally—na para bang di makapaniwala ang iba na puwedeng magkaisa ang karaniwang Pilipino sa ngalan ng pag-asa.
Uulitin ko: Hindi ako makikipag-alyado sa kahit sinong gumagamit ng dahas para magsulong ng anumang agenda.
Kaisa ako ng mga volunteers natin na tumitindig para sa katotohanan at pag-asa; na nalalagay sa panganib at nakakaramdam nang pangamba dahil ni-reredtag sila. Nandito ako at ang buong campaign team, lalo na ang ating mga volunteer lawyers, para ipagtanggol kayo sa pangha-harass na maaaring maidulot ng laganap na red-tagging laban sa ating mga volunteers.
#