This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Pahayag ni Vice President Leni Robredo

    Office of the Vice President 07 September 2017

    Walang salitang sasapat para maipahayag ang lungkot at pagkamuhi na dapat nating maramdaman sa tila walang tigil na patayang nagaganap, kung saan pati mga menor de edad ay napapagitna. Ang balita kahapon na natagpuan ang bangkay ni Reynaldo de Guzman, ang nawawalang kasama ni Carl Angelo Arnaiz, ay isa na namang insidenteng dumadagdag sa ating pagkabahala sa paraan ng pagpapatupad ng kampanya laban sa droga.

    Hindi natin maaring palagpasin ito. Hindi tayo ganito. Hindi ganito ang Pilipino. Kailangang huminto ang walang pakundangang patayan.

    Ang isang lipunan kung saan maaaring maging biktima ng karahasan ang isa sa ating mga anak – tulad ng kapalarang inabot nina Kian, Carl at Reynaldo – ay hindi ligtas, hindi makatarungan, at hindi katanggap-tanggap. Ang isang lipunan kung saan ang ating mga anak ay maaaring mawala ng biglaan, at matatagpuan na lamang na tadtad ng saksak, at nakabalot ang ulo ng tape, ay isang lipunang kailanman ay hindi natin dapat tanggapin. Kailangan nating pagbigkisin ang ating mga boses para tiyaking hindi na ito magpapatuloy at mapanagot ang mga may sala.

    Nakikiramay ako sa mga magulang at pamilya ng iba pang biktima ng ganitong klaseng karahasan. Kaisa ninyo ako sa paghahanap ng hustisya para sa kanila at sa mas pinaigting na panawagang itigil na ang patayan.

    Posted in Press Releases on Sep 07, 2017