This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Pahayag ni Vice President Leni Robredo ukol sa Pagbitiw bilang HUDCC Chair

    4 Disyembre 2016

    Ipinalangin namin na hindi sana dumating ang araw na ito.

    Binalaan na ako sa planong nakawin mula sa akin ang pagiging pangalawang pangulo. Pinili ko itong balewalain at tutukan na lamang ang mga trabahong iniatas sa akin. Ngunit ang mga naganap nitong mga nakaraang araw ay patunay lamang na nangyayari na ang aming ikinakabahala.

    Simula pa lang nakita na natin na magkaiba ang paniniwala namin ng pangulo. Gayunpaman, hindi nagbago ang aking paninindigan sa iba’t ibang isyu na kinakaharap ng ating bansa gaya ng: pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa Libingan ng mga Bayani, extrajudicial killings, pagbabalik ng death penalty, sexual attacks laban sa mga kababaihan, at pagpapababa ng edad para sa criminal liability.

    Pareho kaming may mandatong paglingkuran ang mga Pilipino. Umasa ako na ang tungkuling maiangat ang kalagayan ng mga mahihirap ay magiging tulay upang malampasan namin ang pagkakaiba sa aming mga pananaw. Ito rin ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang pagiging Housing Secretary noong inalok ito sa akin.

    Marami kaming naipatupad sa loob lamang ng limang buwan na aming panunungkulan sa HUDCC bagamat maraming mga balakid gaya ng:

    Una, ang budget ng key shelter agencies ay kinaltasan ng higit P19B. Pangalawa, hindi pa inaaksyunan hanggang ngayon ang aming mga rekomendasyon sa pagtatalaga ng mga mamumuno ng key shelter agencies. Pangatlo, ang Executive Order na naglalayong palakasin ang mandato ng HUDCC ay hindi pa napipirmahan.

    At noong Sabado, nakatanggap kami ng isang text message mula kay Cabinet Secretary Jun Evasco, Jr. na nagsasabing nautusan siya ng pangulo sa pamamagitan ni Bong Go na sabihin sa aking “to desist from attending all Cabinet meetings starting this Monday, December 5.”

    Ito na ang aking hangganan dahil magiging imposible na sa akin na magampanan ko ang aking mga tungkulin. Ito na rin ang dahilan kung bakit ihinahain ko na ang aking pagbibitiw sa Gabinete sa Lunes, December 5, 2016. Sa aking pagbibitiw sa Gabinete, makakaasa kayo na patuloy kong susuportahan ang magagandang programa ng administrasyon at tutuligsain ang mga programang di naaayon sa interes ng mga Pilipino.

    Hindi ko hahayaang nakawin sa atin ang pagkapangalawang pangulo at lalong hindi ko hahayaang masupil nila ang kagustuhan ng mga Pilipino. Makakaasa kayo na nananatiling matatag ang aking paninidigan at patuloy tayong magsisilbi upang maibigay ang mas magandang buhay para sa pamilyang Pilipino.

    Posted in Press Releases on Dec 04, 2016