This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Pahayag ni VP Leni Robredo sa Death Penalty

    8 December 2016

    Nakakabahala ang balitang naipasa na sa House Committee level ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa ating bansa.

    Tila minadali ng Kumite ang pag-apruba sa panukalang batas na ito para lamang mapagbigyan ang kagustuhan ng pangulo.

    Paano nakapasa sa Kumite ang panukalang batas kahit walang naipakitang sapat na ebidensya o mga pag-aaral na nagpapatunay na mabisa ang pagpataw ng death penalty sa pagsupil ng krimen? Hindi rin nasagot nang maayos ang katanungan ng mga Kongresistang laban dito.

    Maliban dito, tila nakalimutan na ng ilang miyembro ng Committee on Justice na pumirma ang ating bansa sa Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights na pinagbabawalan ang ating bansang ibalik ang death penalty.

    Umaasa kami na hindi mangyayari ang pagmamadaling ito sa plenaryo ng Kongreso. Naniniwala kami na mananaig pa rin ang diwa ng demokratikong lehislatura.

    Na sa pagpasa ng batas, ang kapakanan ng nakakarami ang masiyasat na isinasaalang-alang at hindi lamang ang pag-oo sa utos o kagustuhan ng iisa.

    Sinubukan na natin ito noon at nakita na nating hindi ito gumana.

    Bakit pa natin bubuhayin muli ang death penalty?

    Posted in Press Releases on Dec 08, 2016