This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Phone Patch Interview of Bombo Radyo Naga with Georgina Hernandez

    9 November 2016

    Georgina Hernandez

    Spokesperson, Office of the Vice President

    Q: Ano po ang reaksyon ni VP Leni Robredo sa desisyon ng SC tungkol sa Marcos burial?

    Georgina: Alam naman po natin na si VP Leni ay tutol sa paglibing sa diktador and former President Marcos tuwing tinatanong siya tungkol sa bagay na iyan. Hindi katanggap-tanggap para sa kanya na ilibing ang dating diktador na hanggang sa ngayon ay dapat may panagutan pa sa mga human rights victims ng martial law na ilibing sa Libingan ng mga Bayani.

    Naging mabigat po itong tanggapin at nakakalungkot po ang desisyon na ito dahil para kay VP Leni ang paghilom ng ating bansa at ng taumbayan ay mangyayari lamang kung kilalanin na po natin ang katotohan ng ating kasaysayan at magkaroon po ng sagot ang mga pamilyang naapektuhan noong Martial Law.

    Para sa amin po talaga, si VP Leni ay naninindigan na kahit sinasabing ligal ito, legal is not necessarily moral.

    At ang moralidad po ay kailangang magkaroon ng pagkilala po doon sa mga kamalian na naganap noong nakaraang martial law.

    Q: May plano po bang gawin ang tanggapan ni VP para suportahan ang mga kumukontra sa desisyon ng Korte Suprema?

    Georgina: Sa ngayon po pagdating sa mga aksyon, hindi pa po ito napag-uusapan ng aming opisina. Dahil sa tingin din po namin mayroon din po, iyong mismo pong mga pamilyang naapektuhan noong Martial Law, mukhang sila mismo ang gumagawa ng pagkilos at nirerespeto din po natin ito.

    Nararapat lamang na ang taumbayan na ang kumilos tungkol sa bagay na ito.

    Q: Sa tingin po ba ninyo naimpluwensyahan ng Administrasyon ang desisyon?

    Georgina: Hindi po natin masasabi dahil alam naman natin na dapat ay independent po ang ating Judiciary o Supreme Court mula sa Executive kaya hindi po natin iyan masasabi.

    Q: Ano po ang mensahe niyo sa mga Martial Law victims at plano para tulungan sila re: justice?

    Georgina: Para po doon sa mga pamilya na hanggang sa ngayon na may mga sugat pa rin mula sa Martial law, nakikiramay po si VP Leni sa kanilang pinagdadaanan sa ngayon.

    Alam po natin na mabigat na mabigay ang ating kinahaharap kahapon noong lumabas po ang desisyon ng Supreme Court. At makakaasa din po tayo na patuloy pong magsasalita si VP Leni tungkol sa bagay na ito na hindi po dapat tanggapin ang basta na lamang pagkalimot sa nakaraan.

    At kailangang harapin ng pamilyang Marcos ang mga human rights victims na naapektuhan noong panahon ng Martial Law.

    Q: Ano ang maaaring maging epekto nito sa future generation at sa mga Pinoy?

    Georgina: Siyempre mukhang nakakabahala dito, baka ang mga kabataan natin sa mga susunod na henerasyon ay makalimot na sa mga masalimoot na mga kaganapan noong Martial Law.

    Para sa atin hindi po ito dapat kalimutan dahil marami pong mga nagbuwis ng buhay, maraming pamilya na nawalan ng kaanak noong panahon ng Martial Law, bunga din ng mga human rights violation.

    At dapat patuloy natin itong ikuwento at ipaalam sa ating mga kabataan. At huwag tayong makalimot sa ating kasaysayan.

    Q: Eleksyon sa US

    Georgina: Siyempre katulad ng buong mundo siguro, gusto din natin malaman kung ano ang kalalabasan ng eleksyon na iyan. Pero kung baga hindi naman talaga natin masasabing naka-antabay o talagang inaabangan kasi marami tayong ibang mga mas mahahalagang issue dito sa ating bayan ngayon tulad nga noong pabahay sa Yolanda dahil ating ginunita ang ikatlong taon ng Yolanda kahapon.

    At ito nga ho may issue tayo sa Libingan ng mga Bayani, pero siyempre kung ano man ang magiging resulta, siguradong malalaman po iyan ng ating pangalawang pangulo sa ngayon. Pero hindi naman po siguro malaking bagay sa ngayon dahil sa ibang issue natin dito sa bansa.

    Q: Housing

    Georgina: Iyon naman ay bago pa man nagkaroon ng mensahe ang ating Pangulo tungkol sa pag-atang kay VP Leni ng trabaho na pabilisin ang housing, nitong mga nakaraang buwan, marami na pong nabisita si VP Leni na mga Yolanda housing sites at napag-alaman na niya po ang mga problema na nagpapabagal sa pagbuo ng mga permanent shelter.

    Kaya nga po nagkaroon na tayo ng agreement sa BIR at NHA para mabilis ang paglabas ng dokumento tulad ng certificate of tax exemption, dahil isa po ito sa nagpapabagal ng land transfer para sa pagbuo ng permanent housing.

    Mayroon din pong ugnayan na ginagawa sa Land Registration Authority tungkol naman sa titling.

    Napag-alaman talaga natin na ang pondo nandiyan, nasa NHA naman po. Iyon nga lang po, naantala lang tayo sa pagbuo ng mga pamayanan at kabahayan dahil po sa mga dokumento na matagal na nailalabas mula sa BIR at LRA, kaya ito po ang unang tinugunan ni VP Leni.

    At nagdraft na po ang HUDCC ng Executive Order para mapirmahan ng Pangulo at payagan na magkaroon ng mga alternative documents maliban sa land title para magkaroon ng certificate of ownership, proof of ownership ang mga pamilya na lilipat doon sa permanent resetllement sites natin.

    Nakita natin na ang ilan sa mga pabahay na nabuo na ay hindi pa din natitirhan hanggang sa ngayon dahil may kakulangan pa din sa tubig, kuryente, at wala pa ding transportasyon na magdadala sa kanila kung saan sila nagtatrabaho, at wala ding mga negosyo na maaring gawin doon sa lugar nila so hindi pa kumpleto dahil kay VP Leni, hindi katanggap-tanggap na hindi kumpleto ang ating pamayanang lilipatan.

    Naninindigan siya na dapat may tubig, kuryente, mayroong negosyo at trabaho, paaralan para sa mga kabataan, health center.

    Dahil ang gusto po niya ay hindi lang makabuo ng mga bahay pero maayos po ang antas ng kabuhayan ng mga pamilyang Pilipino at kilalanin ang kanilang dignidad na kailangan po nila ng kumpletong mga serbisyo mula sa pamahalaan.

    At ito po ay inaayos din nya sa ngayon, matapos po niyang mabisita ang lugar.

    Q: On the President Duterte Joke

    Georgina: Tungkol po sa bagay na iyan, kahapon po ay sinadyang hindi pansinin ni VP Leni ang kumento, mga ganoong pagtukso dahil alam po niyang marami pang ibang issue na kinakaharap ang ating bansa na mas mahalaga, tulad nga po noong sa Yolanda Housing, sa Libingan ng mga Bayani, pero alam ninyo po marami ding nabahala at naapektuhan tungkol doon sa bagay na iyon.

    At alam naman po natin na si VP Leni ay matagal na naging tagapagtanggol ng mga karapatan ng mga kababaihan. At naninindigan po siya na dapat respetuhin at galangin ang mga kababaihan lalo na ng ating mga pinuno.

    Kaya sana po ay hindi maulit ang mga ganitong bagay, lalong-lalo na po sa mga pampubliko at pormal na mga events tulad ng kahapon. Ito pong nangyari kay VP Leni kahapon sana nga po hindi na maulit muli.

    Q: Huling Mensahe

    Georgina: Alam naman po natin na ang mga taga-Bicol ay lubos na nagtitiwala at sumusuporta sa ating Pangalawang Pangulo, sana po ay patuloy natin siyang suportahan sa kanyang mga ginagawa bilang tagapagsilbi ng ating bayan hindi lang po sa housing pero bilang pangalawang pangulo, mayroon po siyang mga programa na makakatulong po sa poverty reduction o pagtaas ng antas ng kabuhayan ng ating mga pamilyang nasa laylayan.

    Patuloy lang po natin siyang suportahan at subaybayan ang lahat ng kanyang ginagawa na pagsilbi sa ating mga kababayan, lalung-lalo na po sa mga nandiyan sa Bicol.

    Maraming salamat po, magandang umaga po.

    Posted in Transcripts on Nov 09, 2016