This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Phone Patch Interview of Radyo Kilat, Bukidnon with Georgina Hernandez

    9 November 2016

    Georgina Hernandez

    Spokesperson, Office of the Vice President

    Legal is not necessarily moral.

    Topics:

    1. Impending Yolanda housing plans
    2. Remarks on SC decision allowing Marcos Burial
    3. The President’s Joke

    Nagkaroon si VP Leni ng iba’t ibang mga activities sa Tacloban pati po sa Tanauan. May mga binista po siya na mga housing beneficiaries. Nagkaroon nga po ng commemoration ng ikatlong taon kung kailan nangyari ang bagyong Yolanda at may programa po kasama ng Pangulo kahapon.

    Sinabi rin naman po ni VP Leni noon pang mga nakaraang linggo na nariyan naman po ang pondo sa NHA pero ang tanging nagpapabagal talaga ng pagtatapos ng mga permanent housing ay iyong ilang mga requirements o proseso.

    May kinalaman po ito sa pagkuha halimbawa ng certificate of tax exemption sa BIR kaya ang ginawa po ng housing sa pamumuno ni VP Leni, ay pumirma po tayo ng MOA kasama ang BIR at NHA para pabilisin ang pagproseso at pag-issue ng certificate of tax exemption at magkaroon ng regular na konsultasyon sa pagitan ng mga ahensyang ito.

    Isa rin pong nagpapabagal talaga sa atin sa pagbuo ng mga bahay ay ang pagkuha ng mga titutlo sa lupa. Dahil marami naman po, alam ninyo po iyan, dito sa probinsya, marami po sa mga lupa ay wala pa talagang titulo at hindi masimulan na makapagpatayo ng mga permanent housing para sa Yolanda hangga’t walang titulo.

    Kaya mayroon po tayong draft Executive Order na pipirmahan ng ating Pangulo para magkaroon po ng alternative tenural instruments o kaya mga ibang mga proof of ownership na mga dokumento para makapagsimula na magtayo noong mga permanent housing.

    Dahil sa ngayon po halos 10% pa lamang ng permanent housing ang nabubuo. Pero hindi po tayo dapat mabahala dahil nga po iyong mga pondo na kakailanganin para mabuo lahat ng mga permanent housing ay nariyan na po, nasa NHA na.

    At hinihintay po natin na makumpleto ng mga lokal na pamahalaan ang mga dokumento para mabuo natin ang permanent housing.

    May mga ganoon pong mga arrangements, iba-iba po iyan, case-to-case basis. Pero kung hindi po kakayanin ng LGU, kung minsan po may nag-dodonate din po ng lupa na puwedeng gamitin at hindi po natin hahayaan ang kawalan ng pondo sa pagbili ng lupa para makaantala pa sa pagkumpleto sa permanent housing.

    Sisiguraduhin po natin na magagawan po ng paraan iyan.

    Iyon pong HUDCC na nag-hahandle po ng resettlement clusters sa Yolanda ay makikipagpulong na din po sa NEA at LWUA para siguraduhin po na lahat ng ating mga resettlement sites ay kumpleto po ng patubig, kuryente.

    At hindi lang po iyan, may ugnayan di po sana sa DTI at sa ibang mga ahensya ng pamahalaan para siguraduhin po na may mga sapat na trabaho at negosyo ang mga pamilyang lilipat sa ating mga resettlement sites.

    At may transportasyon din, kasama na din diyan ang mga eskuwelahan at health centers para sa edukasyon at kalusugan ng mga kabataan at ng lahat ng mga pamilyang lilipat sa resettlement sites.

    Para sa amin po, dalawang bagay po. Una po ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na may mandato na ayusin ang patubig, kuryente, edukasyon at pangkabuhayan.

    Ang pangalawa po naming ginagawa ay ang makipag-ugnayan din at magkaroon ng mga partnership agreement sa mga pribadong sektor at mga NGOs na sila po ang nagbibigay ng mga tulong para sa ating mga pamilya na nangangailangan po ng mga serbisyong ito.

    Mayroon po tayo ngayong higit sa 300 partners na tutulong po sa iba’t ibang mga pamayanan at mga lokal na pamahalaan para matugunan po ang mga pangangailangan po ng taong bayan.

    Tama po iyan, iyong numero pong binigay ninyo ay para po sa lahat ng rehiyon, munisipyo, at probinsyang apektado po ng Yolanda, hindi lamang po sa Region 8 o sa Tacloban.

    So halimbawa po niyan, kasama diyan na 200,000+ pa na bahay na kailangan pang tapusin, 10,000 po diyan ay nasa Palawan. At nakita po, bumisita po si VP Leni sa mga munisipyo na naapektuhan tulad ng Agutaya at Culion, at nakausap po niya ang gobernador ng Palawan.

    At doon nga nalaman natin na talagang kahit isang bahay para sa permanent shelter ng Yolanda ay wala pang nasisimulan ang NHA dahil nga po sa ilang mga dokumento at proseso na nagpapabagal.

    Kaya naiayos na din po. Mayroon na din pong mga kasunduan sa provincial government ng Palawan para mapabilis na din po ang pagtatapos ng mga permanent housing projects sa Palawan at ganoon din po sa ibang mga probinsya at rehiyon na na-apektuhan ng Yolanda.

    Natapos naman po ang aking pag-ulat na napag-alaman natin na sa ibang mga probinsya tulad ng Palawan ay hindi pa talagang nasimulan ang permanent shelter.

    Makakaasa po tayong lahat na mayroon tayong full-time na Project Management Office. Isa po ito sa hakbang na isinagawa ng HUDCC.

    Dati po kasi ay ang ibang mga government employees na nagpapatupad ng mga programa sa Yolanda ay marami pang iba ring mga assignments o trabaho sa opisina.

    Kaya ngayon po, epektibo ngayong November, bawat key shelter agency mula sa NHA, Social Housing, HUDCC at sa lahat po ng key shelter agency ay may full-time na staff na itatalaga sa Yolanda at ito po ay i-coconvene ng HUDCC para mayroon po tayong full-time na inter-agency project management office para siguraduhin na matapos po ang Yolanda housing sa lalong madaling panahon.

    Iyong component po ng livelihood, may livelihood cluster. Pinamumunuan po iyan ng DTI. Kaya po may ugnayan din po tayo sa DTI para sa livelihood.

    May mga programa din po diyan ang DSWD. Sinisigurado po ng HUDCC na kapag tayo po ay nagbuhas ng permanent resettlement sites ay nariyan po ang mga oportunidad para sa trabaho at negosyo na ipagkakaloob ng ibang mga ahensya ng pamahalaan at mga pribadong sektor na kausap natin. May mga partnerships din po tayo sa private sector para diyan.

    Siya po ang head ng HUDCC at mayroon po tayong mga programa rin po para sa pabahay para sa mga indigenous people. Kung mayroon pong mga nangangailangan din po ng ganitong pabahay, sana sa pamamagitan po ninyo ay maiparating din po ninyo sa aming tanggapan kung saan ito.

    Pero nakabisita na din po si VP Leni dito sa Bukidnon noong mga nakaraang buwan. Na-meet na din po niya ang tribal leaders sa Songko at napag-usapan din po ang issue ng pabahay. Kaya isa din po iyan sa kanyang tutugunan bilang HUDCC chair.

    Sa akin pong pagkaka-alam, iyon nga magkasama talaga sila sa entablado pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap kahapon.

    Lalo na po pagdating sa ating mga pangangailangan sa housing tuwing pong may mga reports na kailangan tugunan, pagdating sa Executive Order, pinapa-alam po natin ito sa Pangulo para matugunan po niya.

    *

    Para po kay VP Leni at sa tingin ko para sa karamihan ng taumbayan mabigat tanggapin at nakakalungkot ang desisyon ng Supreme Court tungkol nga po sa pagpayag na ilibing ang dating diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos.

    Dahil para po kay VP Leni, tuwing tinatanong naman po siya tungkol sa bagay na ito nitong mga nakaraang linggo at buwan, consistent po na tutol po siya, hindi po siya payag na mangyari po sana ito.

    Dahil para sa kanya ang tunay na paghilom ay mangyayari lamang kung kilalanin natin ang mga katotohanan ng ating kasaysayan, at masagot ang mga hinaing ng mga pamilyang naapektuhan at namatayan noong panahon ng ating Martial Law.

    At para sa atin talaga, bagamat sinasabi nilang ligal, naniniwala si VP Leni na legal is not necessarily moral at hindi po natin ito talaga para sa ngayon na matanggap dahil ikinalulungkot po talaga ito ni VP Leni.

    *

    Tungkol po sa bagay na iyon, iyon nga mukhang may ganoong mga birong nangyari kahapon. Kahapon sinadyang hindi talagang pansinin ni VP Leni ang ganoong mga biro dahil alam po niyang mas maraming bagay na dapat pagtuunan ng pansin kahapon tulad ng sa Yolanda at ang desisyon ng ng Supreme Court sa Libingan ng mga Bayani.

    Pero maraming nabahala at naapektuhan doon sa mga biro ng Pangulo at naninindigan po si VP Leni na dapat respetuhin at galangin ang mga kababaihan lalo na ng mga pinuno.

    Alam ninyo po mismong si VP Leni naging tagapagtanggol ng karapan ng mga kababaihan at hanggang ngayon, patuloy niya po ito pinaninindigan.

    Kahit po biro ito, sana po hindi na po ito maulit dahil hindi po ito tamang paraan na tratuhin ang ating mga kababaihan.

    Nagpapasalamat po kami sa inyo, Sammie at Mel, sa pagkakaton po na makapagbigay po ng ulat diyan sa ating mga kababayan sa Bukidnon.

    Sana po ay patuloy natin subaybayan ang mga programa ng ating pangalawang pangulo na nais pong makatulong sa mga nasa laylayan ng lipunan.

    Maraming salamat, magandang umaga po

    Posted in Transcripts on Nov 09, 2016