This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Press Briefing of Vice President Leni Robredo

    16 August 2016

    Office of the Vice President, Quezon City

    Q: Unahin na po natin iyong posture na ginagamit ng lawyers ninyo roon sa, in wanting to dismiss the case, does it boost your confidence over that?

    VP LENI: Oo naman, iyong sa akin naman from the very start alam naman natin na walang basis yung kaso. Kaya ang halos lahat na pag-answer iniwan ko na talaga sa lawyers, kay Atty. Romy Mac and kay Atty. Beng.

    Sila talaga ang nag-asikaso ng pagsagot. Hndi ko alam kung napagdaanan ninyo na ang answer, kahit ang detalye nasa answer na namin.

    Ito talaga parang sa amin necessary sagutin. Pero yung sa akin, ayoko na ma-bother ako sa day-to-day noong specifics noong kaso kaya sila na talaga iyong nag-prepare noon.

    Q: [inaudible]

    VP LENI: Oo naman, kasi kami hindi kami puwede magpabaya. Hindi namin puwedeng pabayaan na mayroon sa aming kinakaso na dapat naman wala na. Hindi naman kami dapat magpabaya kasi obligasyon namin depensahan ang sarili namin.

    Iyong sa amin, napakaraming discoveries, at iyong discoveries na iyon galing din sa finile nilang kaso. Halimbawa na lang ang mga affidavits, maraming nadiskubre na maraming mga witnesses na ginamit na hindi naman credible.

    Maraming mga affidavits galing sa iba’t ibang mga probinsya pero parehong pareho ang laman noong affidavit, as in word for word, pare-pareho.

    Kaya ano talaga, kailangan namin sagutin, kailangan pabulaanan ang mga paratang.

    Q: Maam, may allegations ang camp ni former Senator Marcos na parang may bribe daw po kayo sa mga witnesses… [inaudible]

    VP LENI: Ako parang nahihiya akong sagutin iyan kasi ang abogado nga namin wala kaming pambayad tapos may pambayad pa kami sa bribe.

    Nakakahiya yata ang katabi ko si Atty. Beng na sa dami na tumutulong sa amin na tumutulong ng libre. Siguro kilala ninyo naman ako. Wala naman sa karakter ko na magbayad ng testigo.

    Ako matagal na akong abugado, hindi ko naman dinaanan iyong ganyan na para manalo sa kaso, magbabayad ng testigo.

    Q: On LP supporters allegedly harassing BBM’s witnesses

    VP LENI: Baka mas tanungin siya kung sinong LP. Unfair naman yata sa akin at unfair naman iyan sa partido na magbigay ng allegations. Ayan si Atty. Beng, makaka-testify iyan na sa pagsagot naman namin sa kaso hindi naman katulong yung LP. Kami-kami lang, si Atty. Mac, si Atty. Beng.

    Wala namang participation ang partido sa kaso, sa paghanda. Kaya siguro kung may ganyang allegations, sabihin kung sino sa LP.

    Q: [inaudible]

    VP LENI: Iyong crimes against humanity, ano iyan eh, international law. Iyong sa akin, nirerespeto natin ang paniniwala ni Sen. de Lima.

    Pero iyong sa atin, kahit hindi iyan international law, iyong patayan na nangyayari may mga local laws talaga na babalikan.

    Q: [inaudible]

    VP LENI: Ako naman I cannot speak for the President, pero lahat naman ng nangyayari dapat ma-alarm tayo. Iyong sunod-sunod na patayan dapat naman tayong ma-alarm. At dapat hanapan ng paraan kung paano ito hindi magtuloy tuloy.

    Q: On plans in HUDCC

    VP LENI: Socialized housing. Actually, mayroon ng proposals.

    Last year may ginawang Housing Summit. Mayroong paper na ang resulta noong Housing summit ay iyong World Bank ang nag-prepare. Marami nang recommendations patungkol dito.

    Isa sa mga observations kasi kakaunti talaga sa mga private developers ang willing to go into socialized housing. Iyong isang dahilan kasi iyong bureaucratic red tape sa atin grabe.

    Dahil sa katagalan pagproseso ng mga papel, hindi talaga ginaganahan. Hindi ginaganahan ang investors na pumasok sa isang bagay na kakaunti lang naman ang kita, pero ang kaakibat na pahirap marami.

    So ngayon may mga recommendation, ano ba ang puwedeng gawing incentives para mas marami sa kanila ang pumasok sa ganitong negosyo.

    Isa sa mga incentives na ito ay ang tax breaks. Pero ito wala pang specific kung magkano. Pero ang iniisip natin gawin siyang isang incentive na ang papasok sa socialized housing, bigyan sila ng incentives para ma-engganyo.

    Kasi hindi talaga kaya na gobyerno lahat ang sasalo. Kailangan na kailangan talaga natin ang private partnerships.

    Walang incentives pa ngayon. Ngayon talaga natin ni-rereview namin ang lahat ng proseso. Hindi talaga siya nag-cecreate ng environment na, both sa supply and demand side.

    Una sa beneficiaries, napakahirap mag-apply. To think na ang nag-apply talaga dito eh ang nangangailangan, ang mahihirap. Iyong opisinang kailangan nilang puntahan, iyong pirma na kailangan nila sobrang dami.

    So iyong iba umaayaw na lang sa pabalik-balik kahit kailangang kailangan nila. Ito ang sa demand side. Iyong sa supply side naman, halos walang incentives na binibigay ang gobyerno.

    Pero over and above that, iyong pahirap sobrang dami. Kaya iyon ang inaasikaso natin ngayon, ang makagawa tayo ng comprehensive roadmap.

    Trabaho iyon ng HUDCC na gumawa ng comprehensive roadmap, kaysa iyong pagawa nang pagawa kung saan-saan na wala namang framework o isang direksyon na gagawin.

    Tapusin muna natin lahat ng datos. Mayroon kaming i-rerequest sa Office of the President na executive orders para mapadali. Iyong problema kasi, HUDCC is not a department. It’s just a coordinating council.

    Kulang na kulang ang aming mandato. Kaya may mga kailangan kaming gawin, may kailangan kaming hingin, kailangan pa namin ipadala, ipadaan sa Office of the President.

    Q: On Duterte’s admiration for VP Leni

    VP LENI: I think pinapasaya lang siguro ni Presidente iyong mga kausap niya. Ano naman siya, during cabinet meetings, very gentlemanly, maasikaso, seryoso sa trabaho.

    Tingin ko pinapasaya niya lang ang mga kausap. Mayroong isang cabinet meeting na biniro niya rin ako patungkol diyan, tapos nag-alala siya na sabi niya, “I’m sorry baka na-ooffend ka na.”

    Sabi ko, “Okay lang po, Mr. President.”

    Tingin ko baka mas joke time lang iyon.

    Q: On the 12.6M allotment for NHA

    VP LENI: Malaking tulong siya pero may hinihingi pang dagdag ang [Social Housing Finance Corporation]. Iyong NHA actually may hinihingi ding dagdag.

    Pero iyong sa akin nga hindi ko pa actively hinihingi iyong ganoon na hindi ko pa nakikita ang plano.

    Ang description ko nga ngayon, para kaming nagpi-piece together ng pieces ng jigsaw puzzle, kasi hindi talaga kumpleto ang datos.

    Parang hiwa-hiwalay ang programa ng gobyerno patungkol sa housing.

    Iyong 2011 hanggang 2016, bumaba iyong ating gobyerno ng 50Billion pesos para sa relocation. Iyong 50 billion na iyon, karamihan doon na-implement na pero mga implementable pa 2016-2017.

    So iyong sa akin, ngayon, tinatapos namin iyon. Tinitingnan namin, kukumpletuhin namin with the help of World Bank at saka UN Habitat iyong pag-frame talaga ng isang comprehensive roadmap.

    Kasi all these years, parang iyong metrics na ginagamit lang iyong number of houses built, hindi iyong kung natulungan ba talaga out of poverty iyong pamilya.

    Parang nakakalimutan iyong bahagi ng urban development. Maraming relocation sites na walang basic utilities. Maraming housing na ginawa na tapos na iyong AFP and PNP housing na hindi pa occupied. Siyempre gusto natin agad ng resulta.

    Pero iyong sa akin, okay lang na bagalan na kaunti basta ma-assess muna kasi baka magsayang tayo ng pera.

    Q: On the alleged free housing

    VP LENI: Actually hindi ko alam. Nalaman lang namin iyan noong na-call yung attention namin kung totoo na mayroon.

    Wala talaga, walang libreng pabahay.

    Ang alam ko lang na libreng pabahay natin, diba kapag victims of calamities, nagbibigay yung gobyerno ng libreng pabahay. Tingin ko very irresponsible iyong paglabas noon.

    Kasi iyong hopes ng mga tao, itataas lang kahit wala. Hindi ko alam kung deliberate iyong paglabas ng kwento, o baka maling akala lang.

    Sana mahinto kasi kawawa naman ang napapaniwala. Mahirap magsabi kasi hindi ko alam kung saan nanggaling.

    Pero, it’s been here for quite some time na, siguro ilang linggo na rin.

    Q: On the Cabinet’s sentiment about the burial of former Pres. Marcos in the LNMB

    VP LENI: Ako iyong cabinet meetings na na-attendan ko hindi siya na-discuss. Kasi I came in late, diba noong nag-attend ako nagkaroon na ng previous cabinet meetings. Isa ako sa mga huling na-appoint.

    Pero of the cabinet meetings when I was already appointed, hindi siya na-discuss. Ako I’ve been very vocal against it, pero hindi talaga siya napapagusapan sa gabinete. Hindi ko rin alam yung individual na pakiramdam ng bawat isa.

    Ako, alam niya eh. I’ve been very vocal from day one. Noong araw na lumabas ang balita na may ganoong plano, naging vocal ako noon.

    ‘Pag may pagkakataon, kakausapin ko si Pangulo. Ngayon lang kasi walang pagkakataon.

    Actually I’m flying to Davao tomorrow, pupunta ako doon kasi mayroong Cabinet presentations. Pero two days sana ang Cabinet meeting bukas. Iyong first day presentation, iyong Thursday with President Duterte na.

    Pero nagpa-excuse ako sa Thursday kasi death anniversary ng asawa ko, kaya uuwi ako ng Naga.

    No chance to meet na. Kasi bukas pala, I thought I’ll be meeting him tomorrow already. Pero bukas pala nandito pa siya kasi mag-aattend pa pala siya ng okasyon. So he’ll be flying on Thursday pa, ako naman paalis na.

    Ako, ilatag lang. He knows naman kasi I’ve been vocal about it. Alam ko naman ang limitasyon ko. Tingin ko wala naman akong persuasive power over him.

    Q: On former VP Binay’s recommendation about the burial of Marcos

    VP LENI: Ako kasi hindi ko din alam na nagkaroon pala siya ng ganoong rekomendasyon. Kaya tingin ko unfair para sa kanya na mag-comment ako. Ngayon ko lang nalaman na mayroon siyang rekomendasyon.

    Q: On administration allies opposing the burial of Marcos

    VP LENI: Ako kahit papaano may epekto iyon. Kasi maraming kakampi rin na against doon. Ano kasi iyon eh, siyempre gaya ko, gaya ng ibang mga nag-o-oppose, umaasa na magpapalit pa siya ng isip, we can only second guess kung ano ang mangyayari in the coming days.

    Parating iyong hopes ko hanggang sa last day na magpapalit pa rin ng isip. Kahit ano naman ang desiyson lalo na kung hindi nagpalit ng isip, malaki ang epekto. Malaki ang epekto in the sense na, lalong lalo na yung nakilaban sa diktaturya, talagang mabigat siyang dalhin kasi parang napapapunta sa wala yung lahat ng ipinaglaban.

    Q: On the allotted budget for the OVP

    VP LENI: Ano kasi traditionally mababa talaga. Alam naman natin na mababa talaga.

    Under the Constitution wala kaming mandatong mag-execute ng programs, wala kaming mandato to do something specific. Kaya nga traditionally binibigyan talaga ng Cabinet portfolio iyong Vice President.

    Kasi iyong opisina talaga, kagaya ng na-mention ko, ang budget mas administrative, pang-sweldo, pang-araw-araw na gastos ng opisina, ceremonial duties at local affairs.

    Other than that wala na. Kaya ang sa amin, ni-rereinvent namin ang Office. Nagsusubok kaming magtipid sa kung ano ang nandito ngayon, ni-rereinvent namin para maging mas advocacy heavy siya, para maging relevant naman ang opisina.

    Posted in Transcripts on Aug 16, 2016